15/07/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐ & ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Isinagawa ngayong hapon ang Joint Committee Meeting ng Committee on Environmental Management and Forestry at Committee on Mining sa pangunguna ng mga Committee Chairmen na sina Hon. Don Isiah M. Lim at Hon. Ariel E. Villaflores. Nakiisa rin sa pagpupulong si Vice Mayor Casimero B. Padilla Jr., kasama ang mga miyembro ng komitiba at mga kinatawan ng iba't ibang mining operators sa bayan ng Jose Panganiban.
Pangunahing paksa ng pulong ang masusing pagtalakay sa panukalang ordinansa na may pamagat na:
, "๐๐ง ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐๐ง๐๐ ๐๐ง๐ฌ๐ญ๐ข๐ญ๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ ๐๐๐ง๐๐๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ ๐๐ซ๐๐ ๐๐ฅ๐๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ , ๐๐๐๐จ๐ซ๐๐ฌ๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ญ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ ๐๐๐ก๐๐๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐๐จ๐ซ ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐จ๐ซ๐ฌ ๐ข๐ง ๐ญ๐ก๐ ๐๐ฎ๐ง๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐ ๐๐จ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ ๐๐ง๐ข๐๐๐ง, ๐๐๐ฆ๐๐ซ๐ข๐ง๐๐ฌ ๐๐จ๐ซ๐ญ๐; ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ซ ๐๐๐ข๐ง๐ญ๐๐ง๐๐ง๐๐, ๐๐ฎ๐ซ๐ฏ๐ข๐ฏ๐๐ฅ ๐๐ญ๐๐ง๐๐๐ซ๐๐ฌ, ๐๐จ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ง๐ , ๐๐๐ง๐๐ฅ๐ญ๐ข๐๐ฌ, ๐๐ง๐ ๐๐ง๐๐๐ง๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฌ; ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ซ ๐๐ญ๐ก๐๐ซ ๐๐ฎ๐ซ๐ฉ๐จ๐ฌ๐๐ฌ."
Nilalayon ng panukalang ordinansa na palakasin ang pananagutan ng mga mining operators sa pangangalaga at pagpapanumbalik ng ating kalikasan. Sa ilalim nito, isinusulong ang isang komprehensibong programa sa mandatory tree planting, reforestation, at vegetative rehabilitation bilang bahagi ng responsableng operasyon ng pagmimina. Kabilang din sa mga probisyon nito ang mga pamantayan sa pagpapanatili at survival rate ng mga itinanim na puno, regular na monitoring at evaluation. Ipinakikita ng panukalang ito ang matatag na paninindigan ng Lokal na Pamahalaan ng Jose Panganiban na ang kaunlarang pang-ekonomiya ay nararapat na isulong nang may kaakibat na pananagutan sa kalikasan.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan, Sangguniang Bayan, mga mining operators, at iba pang mga katuwang sa pangangalaga ng kalikasan, inaasahang maisusulong ang isang modelo ng pagmimina na responsable, makakalikasan, at nakatuon sa pangmatagalang kapakanan ng komunidad.
Patuloy na pinagtitibay ng Lokal na Pamahalaan ng Jose Panganiban ang pangako nitong pangalagaan ang ating likas na yaman at isulong ang mga programang nagsisig**o ng balanseng pag-unlad at pangangalaga sa kapaligiran.
Hangad nitong maipamana sa mga susunod na henerasyon ang isang Jose Panganiban na may luntiang kabundukan, malinis at ligtas na kapaligiran, at mayamang likas na yamanโisang bayang tunay na maipagmamalaki ng bawat Mambuleรฑo.