05/06/2026
ππππ‘ πππ¬ππ§ππ‘π’, π£ππ§πππ¦ππππ‘!
Majority Senators, ano na? Nakakahiya at kasuklam-suklam na ang Senate of the Philippines!
Sa ilalim ng liderato ng inyong Senate President Alan Peter Cayetano, naging simbolo ang Senado ng impunidad, kawalan ng pananagutan, at pagkaparalisa ng isang institusyong dapat nagsisilbi sa mamamayang Pilipino.
Mula sa pagtatanggol at pangunguna ni ex-convict Robin Padilla sa pagtulong sa pagtakas ng puganteng si "Bato" Dela Rosa, hanggang sa pagkunsinti sa fake news peddler na si Imee Marcos at drama queen na si Pia Cayetano, at sa pagprotekta sa mandarambong na si Jinggoy Estrada, habang nalulugmok ang Senado sa krisis sa quorum at kawalan ng direksyon, malinaw kung sino ang pinipiling pagsilbihan ng kasalukuyang liderato.
Habang milyun-milyong Pilipino ang humaharap sa krisis sa edukasyon, trabaho, at kabuhayan, ang Senado ay naging bihag ng intriga, paksyunalismo, at mga pampulitikang maniobrang walang naiaambag sa kapakanan ng mamamayan.
Sa bawat araw na nananatili si Alan Cayetano sa kanyang puwesto, lalong bumabagsak ang kredibilidad ng isang institusyong dapat ay nagsisilbi bilang bantay ng demokrasya at pananagutan.
Tama na ang drama. Tama na ang pagtatakipan. Tama na ang pagpaparalisa sa Senado.
Para sa pananagutan, hustisya, at isang Senadong tunay na nagsisilbi sa sambayanan: kung hindi siya magbibitiw, isa lang ang dapat na panawaganβππππ‘ πππ¬ππ§ππ‘π’, π£ππ§πππ¦ππππ‘!