24/03/2026
Ang Team ng BPLO, TREASURY OFFICE at PNP JONES ay nagsagawa ng Inspeksiyon sa lahat ng mga gasolinahan sa bayan ng Jones. Layunin ng grupo na makita kung may pagkakamali sa calibration ng mga gasolinahan at maiwasan ang pandaraya. Nagkaroon din ng price monitoring upang makita kung naaangkop ba ang pagtaas sa presyo ng mga petrolyo na kanilang pinapatupad at upang maiwasan ang pagsasamantala ng mga gas station sa krisis na ating nararanasan.🩵🩵