20/08/2024
‼️BANTAY ASF🦠‼️
Mahalagang magkaroon tayo ng sapat na kaalaman patungkol sa ASF.
👉Ang African Swine Fever (ASF) ay isang lubhang nakahahawang sakit ng mga baboy na sanhi ng virus na mabilis na kumakalat at makasisira sa ating industriya ng baboy kung ito ay makapapa*ok sa sa ating mga babuyan.
👉Ang ASF ay hindi mapanganib para sa kalusugan ng mga tao, ngunit malaking pinsala at pagkalugi ang maidudulot nito sa mga baboy na matatamaan.
🚩Ang sakit ay naikakalat sa pamamagitan ng direktang kontak sa mga baboy na may impeksiyon, kontaminadong mga sasakyan, kagamitan o kasuotan, at sa pamamagitan ng pagkain sa mga karne ng baboy na apektado.
👉Mahalaga na huwag nating papasukin ang ASF sa ating bayan at kailangan namin ang inyong tulong.
👉Gawin ang inyong makakaya upang protektahan ang ating babuyan sa pamamagitan ng pagiging isang responsableng mag-bababoy.
👉I report sa kina uukulan ang mga kahina-hinalang hog buyer, maaaring itanong muna ang mga legal na papeles na dumaan sa ating opisina bago ito payagang puma*ok sa ating mga barangay.
Paano naipapasa ang sakit?
Ang African Swine Fever ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng:
🚩Direktang pakikipag-ugnay sa mga nahawang baboy, dumi, o likido ng katawan
🚩Di-tuwirang pakikipag-ugnay sa pamamagitan ng mga kagamitan, sasakyan, o mga tao na nagtatrabaho sa baboy sa pagitan ng mga pig farm na may hindi epektibong biosecurity
🚩Pagkain ng mga baboy ng karne ng baboy o mga produktong karne na nahawaan.
🚩Mga biyolohikal na vector - mga langaw, lamok, ibon, atbp.
🟢Mga hakbang sa biosecurity na maaaring gawin ng mga nag-aalaga:
👉Panatilihin ang mahigpit na biosecurity.
👉Huwag magpa*ok ng karne o mga produktong-gawa sa karne ng baboy na nagmumula sa labas ng ating bayan.
👉Iwasang magpapa*ok ng ibang tao sa iyong babuyan.
👉Payagan lamang ang mga sasakyan at kagamitan na ilapit kung sila ay nalinis at na-disinfect bago puma*ok.
👉Huwag payagan ang mga taong maaaring nakipag-ugnayan sa ibang baboy na puma*ok sa iyong babuyan.
👉Huwag pakainin ang mga basura o tira mula sa catering sa mga baboy - itapon ito ng maayos.
👉Kunin lamang ang mga baboy at tamud mula sa mga kilalang estado ng kalusugan.
👉Ugaliing mag-spray o i-disinfect ang paligid ng ating babuyan. Maaaring gumamit ng mga alternatibong pamamaraan, tulad ng zonrox, domex at mga produktong may sangkap pamatay sa mga virus.
👉Ihalo lamang ito sa tubig at gamiting pang-spray sa loob at paligid ng babuyan.
‼️Iwasang maihalo ito sa Pagkain o inumin ng baboy.
🚧Mga sintomas ng ASF🚧
📍Mataas ng lagnat
📍Pagtatae
📍Kahirapan sa paghinga
📍Pagsusuka ng dugo
📍Pangingitim o kulay asul pass sa nguso, paa, binti at tainga
📍Paglabas ng likido sa mata at ilong