04/06/2026
๐ข PUBLIC ADVISORY
SPECIAL (NON-WORKING) DAY
Ipinababatid sa lahat ng mamamayan ng Bayan ng Jalajala na alinsunod sa Proclamation No. 1287 na inilabas ng Tanggapan ng Pangulo, ang Huwebes, Hunyo 11, 2026 ay idineklarang Special (Non-Working) Day sa buong Lalawigan ng Rizal bilang paggunita sa ika-125 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lalawigan ng Rizal.
Ang nasabing deklarasyon ay nagbibigay-daan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makiisa at makilahok sa mga gawain at pagdiriwang kaugnay ng mahalagang okasyong ito.
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdiriwang at patuloy na ipagmalaki ang mayamang kasaysayan, kultura, at pagkakaisa ng Lalawigan ng Rizal.
Source: Official Gazette of the Republic of the Philippines
Read: https://www.officialgazette.gov.ph/2026/06/03/proclamation-no-1287-s-2026/