DepEd Tayo Blue Rizal Bagumbong Elementary School

DepEd Tayo Blue Rizal Bagumbong Elementary School Bagumbong Elementary School Official Fb Page

TINGNAN👀Handang Silid, Handa ang Bages! Bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng klase para sa taong 2026-2027, kasaluk...
23/04/2026

TINGNAN👀

Handang Silid, Handa ang Bages!

Bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng klase para sa taong 2026-2027, kasalukuyang isinasagawa ang "General Repair, Repaint and Maintenance" sa lahat ng Ynares Type School Building at Rooms sa Paaralang Elementarya ng Bagumbong.

Layunin ng nasabing proyekto na matiyak ang kahandaan at kaayusan ng mga silid-aralan sa darating na pasukan.

Taos-pusong pasasalamat ang nais ipahatid ng Bagumbong Elementary School sa Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Kgg. Nina Ricci Ynares, Gobernador at Deped SDO Rizal sa pangunguna ni Dr. Doris DJ Estalilla, CESO V.

Makakaasa po tayo ng ligtas, maganda at maayos na pasilidad para sa ating mga ka-Bages

Happy Solo Parents Week!Ang Bagumbong Elementary School  ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Solo Parents Week ngayong Abril ...
14/04/2026

Happy Solo Parents Week!
Ang Bagumbong Elementary School ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Solo Parents Week ngayong Abril 13-18, 2026 na may temang "Hindi ka Nag-iisa sa Iyong Pag-iisa: Yakap at Kalinga para sa Solo Parent."
Kinikilala natin ang walang kapantay na pagmamahal, sakripisyo at katatagan ng mga Solo Parents. Sa kabila ng pag-iisa, buong tapang at lakas nilang ginagampanan ang dobleng papel para maitaguyod ang pamilya at matiyak ang magandang kinabukasan para sa mga anak.

PAGLILIPAT-ANTAS SA KINDERGARTEN S.Y. 2025- 2026Paksa: Pilipinong Mag-aaral, Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuti...
27/03/2026

PAGLILIPAT-ANTAS SA KINDERGARTEN S.Y. 2025- 2026

Paksa: Pilipinong Mag-aaral, Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting PagkataoA Photography / Leon Angelo 📷
Photography

PAGLILIPAT-ANTAS SA KINDERGARTEN S.Y. 2025- 2026PROCESSIONALPaksa: Pilipinong Mag-aaral, Handang Mamuno nang may Kakayah...
27/03/2026

PAGLILIPAT-ANTAS SA KINDERGARTEN S.Y. 2025- 2026

PROCESSIONAL

Paksa: Pilipinong Mag-aaral, Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting PagkataoA Photography / Leon Angelo 📷
Photography

Paggawad ng medalya sa mga batang nagkamit ng KarangalanIKA-75 TAONG PALATUNTUNAN NG PAGTATAPOSPaksa: Pilipinong Mag-aar...
27/03/2026

Paggawad ng medalya sa mga batang nagkamit ng Karangalan

IKA-75 TAONG PALATUNTUNAN NG PAGTATAPOS
Paksa: Pilipinong Mag-aaral, Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao
A Photography / Leon Angelo 📷
Photography

Paggagawad ng KatibayanIKA-75 TAONG PALATUNTUNAN NG PAGTATAPOSPaksa: Pilipinong Mag-aaral, Handang Mamuno nang may Kakay...
27/03/2026

Paggagawad ng Katibayan

IKA-75 TAONG PALATUNTUNAN NG PAGTATAPOS
Paksa: Pilipinong Mag-aaral, Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao
A Photography / Leon Angelo 📷
Photography

IKA-75 TAONG PALATUNTUNAN NG PAGTATAPOSPaksa: Pilipinong Mag-aaral, Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkat...
27/03/2026

IKA-75 TAONG PALATUNTUNAN NG PAGTATAPOS
Paksa: Pilipinong Mag-aaral, Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao

Isang makasaysayang pagdiriwang ang ginanap sa ika-75 Taong Palatuntunan ng Pagtatapos, na sumasalamin sa tagumpay at pagsisikap ng mga mag-aaral na matagumpay na nakatapos sa kanilang antas ng pag-aaral. Sa temang “Pilipinong Mag-aaral, Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao,” binigyang-diin ang kahalagahan ng kahusayan at integridad bilang paghahanda sa hinaharap.

Pinangunahan ni G. Marlon B. Braza, Punong-g**o, ang pagpapakilala sa mga magsisipagtapos na handa nang harapin ang susunod na yugto ng kanilang buhay akademiko. Pinagtibay ni Dr. Nerissa R. Dalumpines, Tagamasid Pampurok, ang kanilang pagtatapos bilang pagkilala sa kanilang kakayahan at pagsisikap.
Ang pagpatunay ng pagtatapos ay isinagawa ni Education Program Supervisor sa Kindergarten, Dr. Melinda F. Marquez bilang kinatawan ni Dr. Doris DJ. Estalilla, Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan sa Rizal.

Nakiisa rin sa okasyon si Dr. Xandra Lee P. Cervitillo, Tagamasid Pampurok, bilang suporta sa mga nagsipagtapos.
Nagbigay ng makabuluhang payo si Bb. Maricar M. Piamonte, Panauhing Pandangal, na nagsilbing inspirasyon sa mga mag-aaral upang ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap nang may determinasyon at mabuting pagkatao.

Dinaluhan din ang nasabing programa ng mga panauhin mula sa lokal na pamahalaan, kabilang sina Mayor Jarry V. Anago, Committee on Education Councilor Narcing Villaran, Konsehala Charlott Angeles, at Konsehal Bhonard Jay Bonita, pati na rin ang mga opisyal ng SPTA, mga magulang, g**o, at ang mga batang nagsipagtapos.

Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang pagtatapos ng isang yugto, kundi simula ng panibagong paglalakbay para sa mga mag-aaral bilang mga Pilipinong handang mamuno nang may kakayahan at mabuting pagkatao.

GRADUATION HIGHLIGHTS
A Photography / Leon Angelo 📷
Photography

IKA-75 TAONG PALATUNTUNAN NG PAGTATAPOSPaksa: Pilipinong Mag-aaral, Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkat...
27/03/2026

IKA-75 TAONG PALATUNTUNAN NG PAGTATAPOS
Paksa: Pilipinong Mag-aaral, Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao

PROCESSIONALA Photography / Leon Angelo 📷
Photography

IKA-75 TAONG PALATUNTUNAN NG PAGTATAPOSPaksa: Pilipinong Mag-aaral, Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkat...
27/03/2026

IKA-75 TAONG PALATUNTUNAN NG PAGTATAPOS
Paksa: Pilipinong Mag-aaral, Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao

PROCESSIONAL- GRADUATES
A Photography / Leon Angelo 📷
Photography

Address

J. Delos Santos Street Bagumbong, Rizal
Jalajala
1990

Opening Hours

Monday 7:30am - 4:30pm
Tuesday 7:30am - 4:30pm
Wednesday 7:30am - 4:30pm
Thursday 7:30am - 4:30am
Friday 7:30am - 4:30pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Blue Rizal Bagumbong Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Tayo Blue Rizal Bagumbong Elementary School:

Share