Hon. Marvin Mercado Zuniga, MBA

Hon. Marvin Mercado Zuniga, MBA More than 20 years in private practice with a background in Financial Management, Planning, Auditing & Customer Experience.

In public service for more than 10 years handling committees related to Education, Sports & Youth Devt, Women, Children & Family.

Kung bibigyan kayo ng trabaho ang pasahod ay MINIMUM, tatanggapin nyo ba?Hello Kabarangay, nabigyan tayo ng pagkakataon ...
25/05/2026

Kung bibigyan kayo ng trabaho ang pasahod ay MINIMUM, tatanggapin nyo ba?

Hello Kabarangay, nabigyan tayo ng pagkakataon makaharap ang mga SPES BABIES BENEFICIARIES ng Barangay Santo Niño, isa sa kanilang programa ang “Career Launch” ang aking perspektibo bilang isang pribadong manggagawa sa mahabang panahon. Ang bungad ko tanong sa kanila willing ba nila tanggapin ang isang trabaho na MINIMUM ang pasweldo. Dahil ito nangyayari sa totoong buhay ng manggagawa binahagi ko sa kanila noong 1st job ko minimum ang pasweldo sa akin Php 237.00/day | 8AM-5PM | Mon-Sat l Sunday rest day | Carmona Cavite ang workplace ko. Sa 2nd & 3rd company nag ask na ako ng salary na above minimum based on my qualifications & working experience kasabay nito ang pagtaas ng position. End of the day ung career path natin tyo ung incharge sa navigation.

Payo ko sa kanila as long as masaya pa kayo sa ginagawa nyo sa company, ung purpose mo naseserve mo pa. You are in the right track!

Happy Monday Everyone!

Special Program for Employment of Students or SPES Beneficiaries & Officer City of BinanMake It Happen! Congratulations ...
18/05/2026

Special Program for Employment of Students or SPES Beneficiaries & Officer City of Binan
Make It Happen! Congratulations in advance

SUNDAY REFLECTION > RECHARGE > RESTARTWhen there is a lot of frustrations in the government (senate incident, flood cont...
17/05/2026

SUNDAY REFLECTION > RECHARGE > RESTART

When there is a lot of frustrations in the government (senate incident, flood control scandal, impeachment, middle east crisis) and quitting is the easier path to take, I always go back the reason why I ran in public office in 2013 is to Value & Inspire Next generation!

For the younger generation,
For the community,
For the future we all deserve, Better Philippines 🇵🇭

REMINDER : In the next 5-6 months my final term/hold capacity will be end (November 30, 2026)

📷 My Official Campaign Poster in 2018 BSKE

Congratulations!SPES President Vera Zuñiga-DadisBinan City, LagunaMasaya akong makita na aware ka sa nangyayari sa ating...
11/05/2026

Congratulations!
SPES President Vera Zuñiga-Dadis
Binan City, Laguna

Masaya akong makita na aware ka sa nangyayari sa ating lipunan at pamayanan. Naipamana ko na sa iyo ang tapang at laging iisipin gumawa ng mabuti sa kapwa. Sa pagtatapos ng internship program mo sa SENADO mapapabilang ka na sa henerasyon ng masisipag at masisikap. Malayo pa ang mararating mo at lagi kitang ipagmamalaki.

Again Make my Day Sen3

10/05/2026

STANDARD NG HONORS STUDENT TINAASAN
Effective School Year 2026-2027

Sa binahagi ni teacher isa ako sa mga nakaranas ng ganitong grading system noong elementary (SVES 1989-1995) at highschool (BNHS/BINHS 1995-1999). Batang Donya ako sa mga taon na yan average student per room 60-70 at para maging honor student ka kailangan mo muna maging section 1 or star ⭐️ section. Noong 1st year section 3 at 2nd year section 6 hindi naman to last section may section 8 pa. Simple lang ang goal ko sa pagpasok ng 3rd year ayoko maging last section kasi ZUÑIGA ang last name/surname baka kapag naging 4th year at last section huli akong tatawagin sa graduation. Hindi ko matandaan ang grade ko pero pagpasok ko 3rd year napasama ako sa star 🌟 section or section 1 amazing earth pero kung babalikan ko yun kailangan ko makipagsabayan sa mahigit 360 student (60 students x 6 section) para maging section 1. Kapag napapaligiran ng matatalino mag-aaral o classmate kailangan patuloy ang pagsisipag at pagsisikap sa pag-aaral para hindi ka maiwanan. Kaya naman pagpasok ng 4th year section 1 ulit ako hindi ako HONOR STUDENT during my school days. Pero masipag at masikap ako mag-aral nadala ko yun hanggang sa aking buhay manggagawa.

Sa ngayon ung DEPED ginalaw na ang baso para itaas ang antas ng honor student.

Dapat ikaw din itaas mo na ang standard sa pagpili ng susunod na mga leader ng ating bansa para naman karapat dapat sila sa titulong HONORABLE O KAGALANG GALANG!

Happy Sunday! Kabarangay

Millennial vs Gen Z Greetings!Kahit anong henerasyon ka pa galing, kailangan namin ang gabay ng ilaw ng tahanan, kalinga...
10/05/2026

Millennial vs Gen Z Greetings!

Kahit anong henerasyon ka pa galing, kailangan namin ang gabay ng ilaw ng tahanan, kalinga ng nanay at pagmamahal ng isa ina!

Para sa nag iisang Reyna ng aming Puso!
Happy Mother’s Day! Salamat

HINDI AKO NAMBABATO NG LAPTOP, PERO MARUNONG AKO GUMAMIT NITO 💻Hello mga Kabarangay, kailangan bang marunong mag compute...
09/05/2026

HINDI AKO NAMBABATO NG LAPTOP, PERO MARUNONG AKO GUMAMIT NITO 💻

Hello mga Kabarangay, kailangan bang marunong mag computer/laptop kapag pinasok mo ang paglilingkod sa bayan. Sa akin lang ito bago ko pinasok ang pagiging barangay opisyal eh marunong na ako mag computer kasi kailangan sa aking pribadong trabaho at noong mga panahong mag-aaral pa ako. Mahigit sampung taon na ako nagamit ng laptop sa akin eh malaki tulong kasi kahit saan nadadala, buti nauso na ang work from home, work on site at work from anywhere. Hindi lang dapat sa computer marunong kailangan may alam din sa batas.

Happy Weekend!

UNA MUNA ANG MANGGAGAWAMAYO UNO!ARAW NANG MANGGAGAWA PILIPINOPara sa manggagawa pinili gampanan ang trabaho ngayon araw ...
30/04/2026

UNA MUNA ANG MANGGAGAWA
MAYO UNO!
ARAW NANG MANGGAGAWA PILIPINO

Para sa manggagawa pinili gampanan ang trabaho ngayon araw double pay ka ngayon. Sa manggagawa pinili ang pahinga makasama ang pamilya at mahal sa buhay deserve mo yan. Sa manggagawa pinili magsolo ngayon para sa recharge, reset at rest kailangan mo yan.
Sa isang manggagawa batid ko na gusto natin ipanalo ang ating mga sariling pangarap kasama ang dalangin maayos na buhay sa pamilya na may tahimik at na pamayanan.
Sana ganun din ang pagsisikap nang ating gobyerno na mabigyan tyo ng maayos na paglilingkod at maaasahan sa lahat ng pagkakataon. Kaya lang patuloy tayo binibigo sa kabila ng ating pagsisikap na mag ambagan ng BUWIS para matugunan ang pangangailangan kulang pa rin dahil sa hindi maayos na pamamahala.

Kaya pa ba? Henerasyon ng Masisipag at Masisikap!Happy Thursday! Happy Long Weekend!Hello mga kabarangay, daming ganap s...
30/04/2026

Kaya pa ba? Henerasyon ng Masisipag at Masisikap!
Happy Thursday! Happy Long Weekend!

Hello mga kabarangay, daming ganap sa paligid natin sobrang ingay pero matatahimik ka lang kapag nakita po ung payslip mo tapos sa deduction makikita mo sa TAX/BUWIS na ibabawas sa iyo para sa mga sinusulong na programa, plano at proyekto ng gobyerno. Kala ninyo ung NET TAKE HOME PAY sa natin na yun meron pa ang government na kabahagi dun sa pamamagitan ng 12% VAT para sa mga serbisyo at produkto binibili natin. Ung Meralco Bill pa may subsidy pa tayo pinaghahatian para sa mga piling kabahayan bilang kanila benepisyo.

Ayuda para sa middle class pinag aaralan pa kung magbibigay ang goverment.
Cheers muna tayo!

27/04/2026

SK:PAG-ASA NG BAYAN o
ASA SA KABAN NG BAYAN?

Nakakalungkot na balita may iilan na mga SK opisyal ang nasasangkot sa kontrobersya mula sa pananakit, hanggang sa hindi wastong paggamit ng pondo. Sila pa ba ang boses ng kabataan o p**i, bulag at bingi na lang kapag may isyu ng korapsyon at paglabag sa batas dahil kabahagi siya nang sistema. Totoo ba ang mga nababasa at naririnig mula sa plataporma hanggang porma na lang ang mga SK, mula sa bagong motor, sa latest na gadgets, hanggang sa pag-upgrade ng bagong sasakyan dito ba napupunta ang SK fund.

Para sa mga SK opisyal na patuloy na nagsisikap at nagsisipag na magampanan ang kanilang trabaho makapaglingkod sa kabataan dalangin ko bigyan kayo ng kalakasan laging piliin ang paggawa ng mabuti para sa kapwa at bayan.

Para sa mga kabataan :
Pumili nang TAMA, Hindi ung MAY TAMA!

Happy Monday! kabarangay

MAPA-ISIP AKO!Ano mayroon sa OTHER account?Katumbas ba ng other PERSON?Hello kabarangay, pasensya na muna MAG-ACCOUNTING...
25/04/2026

MAPA-ISIP AKO!
Ano mayroon sa OTHER account?
Katumbas ba ng other PERSON?

Hello kabarangay, pasensya na muna MAG-ACCOUNTING 101 muna, bilang nagpakadaluhasa sa pag-aaral sa pagnenegosyo (MBA), nagtapos ng accounting noong kolehiyo at mahigit ng 20 years karanasan sa paghahanap buhay! Kawawang OTHER ACCOUNT lagi siya ang sinasabi at ginagamit,
Hangga’t maaari iwasan gamitin “OTHER ACCOUNT” dahil mainit ang mata ng mga auditor dyan gumamit ng naaangkop na account kada transaction para

MAIWASAN ANG SAKIT NG ULO
AT INIT NG ULO KAPAG NAGTATANONG.
AYUSIN NYO TRABAHO NIYO!

Baka kasi ang other account ay katumbas ng OTHER PERSON/INDIVIDUAL

Tandaan po natin sabi ni VICO SOTTO

Ang SINUNGALING ay KAPATID ng MAGNANAKAW!
Pwede rin ang SINUNGALING ay ASAWA ng MAGNANAKAW!
Ung mga MANLOLOKO ay ANAK ng MAGNANAKAW!
Kaya naman pala ang PAMILYA NILA ang pinagpapala?

Kung ganito ang mga nasa gobyerno daming palusot,
Kahit ano pang pagsisikap at pagsisipag ng susunod na henerasyon mapupunta rin sa wala.

Address

Barangay Pagkalinawan
Jalajala
1990

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hon. Marvin Mercado Zuniga, MBA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Hon. Marvin Mercado Zuniga, MBA:

Share