Angat Buhay - Jagna

Angat Buhay - Jagna Jagnaanons para kang Leni ug Kiko 2022 - Kakampinks gikan sa Jagna, Bohol. Sa gobyernong matinud-anon, tanan magmalambuon.

08/07/2022

VP Leni Robredo's Angat Buhay program has helped over a million Filipinos and mobilized almost one billion pesos in six years, based on the recent end-of-term report. The program, now transformed into an NGO initiative, aims to alleviate poverty in the country by bringing the public and private sectors together.

READ MORE: https://bit.ly/3RiKJck

08/07/2022

Ang buhay na inangat, mag-aangat sa lahat—ito ang paniniwalang nagsilbing kumpas ng bawat hakbang natin mula noong 2016.

Bilang pagpapatunay: Narito ang kabuoang ulat ng iba’t ibang programa sa ilalim ng Tanggapan ni VP Leni Robredo sa nakalipas na anim na taon, pati na ang kwenta sa likod ng bawat kwento ng natulungan natin sa programang Angat Buhay.

Mababasa ang End of Term Report at Angat Buhay Technical Report dito: https://bit.ly/OVP2022reports

Taos-pusong pasasalamat muli sa lahat ng naging bahagi at katuwang ng OVP mula 2016 hanggang 2022. Naging posible lamang ang lahat ng ito dahil sa inyong pakikiisa sa mga adhikain natin para sa Pilipino, para sa bayan. Tuloy lang tayo sa pagtulong sa kapwa, at sa pagbuo ng isang mas patas at mas makataong lipunan—isang mundong angat ang buhay ng lahat.

Pagbati sa mga itinalagang board members ng Angat Buhay na magsisilbing gabay at haligi ng organisasyon! Magsisilbing Ch...
01/07/2022

Pagbati sa mga itinalagang board members ng Angat Buhay na magsisilbing gabay at haligi ng organisasyon!

Magsisilbing Chairperson ng Angat Buhay NGO si Atty. Leni Robredo; habang tatayo namang bilang President si Philip Francisco Dy. Si Raphael Martin Magno naman ang tatayong Executive Director ng organisasyon.

Kabilang sa mga members of the board sina: Atty. Jose Christopher Belmonte; Joanne Baylon; Judith Azarcon-Marquez; Garrie David; Max Ventura; Rafael Lopa; at Raphael Martin Magno (Ex-officio). Tatayong Board Secretary si Atty Stella Pastores-Esquivas, at Board Treasurer naman si Camille Genuino.

Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa pagsulong natin ng ating adhikaing iangat ang buhay ng lahat. Simula pa lang ito ng pag-abot natin sa mas matatayog pa nating mga pangarap para sa bayan. Mabuhay po kayo!

01/07/2022

Angat Buhay launch today! Tuloy ang pagmamahal sa kapwa at sa bayan, sa loob man o labas ng pamahalaan. Tara na, palakasin na natin ito!🇵🇭🇵🇭👨‍🌾

Nakakataba po ng puso ang inyong suporta para sa pagsalubong natin sa bagong kabanata ng Angat Buhay! Unang araw pa lang...
01/07/2022

Nakakataba po ng puso ang inyong suporta para sa pagsalubong natin sa bagong kabanata ng Angat Buhay! Unang araw pa lang, higit isang milyon na agad ang nalikom natin para sa mga artworks at donations. Maraming, maraming salamat po.

Hanggang bukas na lang ang Street and Art Festival natin, kaya tara! Tuloy ang mga activities, at may mga bago pang artworks na puwedeng iuwi in exchange of a donation to the NGO. Kita-kits tayo!

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naghayag ng suporta at pakikiisa para sa Angat Buhay! Ang kabutihang loob ng Pilipin...
30/06/2022

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naghayag ng suporta at pakikiisa para sa Angat Buhay! Ang kabutihang loob ng Pilipino at pagmamahal niya sa kapwa ang tunay na pundasyon ng ating mga ipinaglalaban.

Sa nalalapit na paglulunsad ng Angat Buhay, ilang paalala lamang po para sa mga volunteer groups ukol sa paggamit ng pangalan at logo ng NGO. Para sa mga nais makipag-ugnayan, maaaring magpadala ng mensahe sa [email protected].

Source: Angat Buhay
Link:https://www.facebook.com/109129738511383/posts/112469418177415/

30/06/2022
30/06/2022

Hindi mapapantayan ng isang post ang lahat ng dapat ipagpasalamat, VP Leni!

Laging tatanawin ang iyong pagiging ehemplo ng kabutihan, integridad, at tapat na lingkod-bayan.

Maraming salamat sa anim na taon na taos-puso at makataong serbisyo, lalo na sa mga nasa laylayan.

Maraming salamat sa pag-asa at inspirasyon.

Lubos ang aming pasasalamat sa iyong dakilang paglilingkod sa bayan at sa lahat ng mga Pilipino. 🇵🇭

💖✨





Salamat, VP Leni Gerona Robredo 🥰Kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa iyong pagtulong sa ating mga kababayan. Sa kabila...
30/06/2022

Salamat, VP Leni Gerona Robredo 🥰

Kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa iyong pagtulong sa ating mga kababayan. Sa kabila ng mga balakid na iyong pinagdaanan, hindi ito naging hadlang sa pagiging maalaga mo sa bayan. Kami ay susuporta sa iyo upang maiangat ang buhay ng ating kapwa Pilipino 🥰


Address

Jagna
6308

Opening Hours

Monday 6am - 10pm
Tuesday 6am - 10pm
Wednesday 6am - 10pm
Thursday 6am - 10pm
Friday 6am - 10pm
Saturday 6am - 10pm
Sunday 6am - 10pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Angat Buhay - Jagna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Angat Buhay - Jagna:

Share