NONOY & ANNE vlog

NONOY & ANNE vlog lovers in capiz

06/05/2025

Pasado alas nueve ng gabi nang makalapag sa airport ang sinasakyang eroplono ni Trixie Salvador.
Narito siya ngayon sa isang bansang estranghero sa kaniya sa kabila ng espesyal na araw niya ngayon.
It's her 26th birthday today.
Hindi siya narito para dito ipagdaos ang kaniyang kaarawan,kundi dahil sinusundan niya dito ang kaniyang mag-ama na tatlong buwan na niyang hindi nakikita.
Nang buhayin niya ang kanyang cellphone,bumungad sa kaniya ang maraming pagbati mula sa mga kakilala.Napangiti siya dahil doon.
Pero wala ang mensaheng mula sa taong dahilan kung bakit siya nasa bansang ito ngayon.
Wala man lang mensahe mula kay Sebastian Valderama,ang asawa niya.
Dahan-dahang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at napabuntong-hininga.
No one even bothered to pick her up at the airport despite notifying them that she'll arrived today.
Mabigat ang loob niyang kumuha na lang ng taxi dahil kung maghihintay siya ng sundo ay mamamatay na lang siya sa lamig sa bansang ito.This country is at zero degree celsius for sake!
Nang makarating siya sa mansiyon,lagpas alas-diyes na ng gabi.
She's covered with snow nang makarating siya sa pintuan ng mansiyon.Walang nagbuhat ng mga gamit niya dahil maging ang driver na nasakyan niya ay ayaw nang lumabas sa sasakyan dahil sa marahas na buhos ng snow.
Kaya naman laking gulat ni Nana Sela,ang mayordama ng mansiyon,nang makita siya.
“Trixie,ineng!Bakit ka nandito?Hala,hindi namin alam na uuwi ka ngayon.Pasensiya na!Halika,tulungan na kita diyan sa bagahe mo."
"Salamat po.Ah,nasaan po si Sebastian at Xyza?”
“Hindi pa nakakauwi si Seb,nasa kwarto naman ang young miss,naglalaro nang huli kong silipin.”
Hinayaan na ni Trixie ang kaniyang mga maleta kay Nana Sela at iba pang katulong,saka umakyat sa taas.
Pagdating niya sa kwarto ng anak,nakita niyang nakasuot na ito ng pajamang pantulog.Pero malayo pa sa ito sa inaantok dahil nakaupo pa sa harap ng maliit niyang lamesa at abala sa kung anong ginagawa.
Napaka-seryoso nito,kaya hindi na napansin ang kanyang pagpasok.
“Xyza?”
Napalingon si Xyza sa pinanggalingan ng boses,at agad na nagulat sa taong nasa pinto ng kaniyang kwarto.
“Is that you,Mom?"
"Yes,my baby.Give Mom hugs and kisses,please.Miss na miss na kita."
Sumunod naman ang bata pero halos walang sigla lang itong humalik at yumakap sa kaniya.Pagkatapos ay bumalik ito agad sa ginagawa,at patuloy na paglalaro ng kung ano sa kanyang k**ay.
Medyo nakaramdam siya ng kirot sa dibdib dahil sa nakuhang reaksiyon sa anak.
Pero hindi nito napigilan si Trixie.Baka pagod lang ang bata kaya siya na ang lumapit dito at yumakap ng mahigpit sa anak.Hinalikan niya ng paulit-ulit ang ulo at leeg nito ngunit nagulat siya sa sunod nitong ginawa nang itinulak siya nito palayo.
“Mom,I'm still busy.”
Tatlong buwan siyang nawalay dito kaya kahit paulit-ulit niya itong halikan at yakapin ay hindi pa rin sapat.Sobrang nangulila siya sa anak pero mukhang hindi ganoon si Xyza sa kaniya.
Mukhang focus talaga ito sa ginagawa kaya ayaw na niyang gambalain pa ito.Nagkasya na lang siya sa pakikipag-usap dito.
“Xyza,gumagawa ka ba ng kuwintas mula sa mga sea shells?”
“Yes po!”Agad na lumiwanag ang mukha ni Xyza.Halatang excited ito.
“Ipinaghahanda namin ni Dad ng regalo si Tita Mommy Wendy!There's only a week before her birthday!Do you know Mom,si Dad pa ang kumuha at nagpaganda ng mga shells na‘to for her!Ang ganda po,‘di ba?”
Napalunok si Trixie,tila may kung anong bumara sa kanyang lalamunan.Alam niyang malapit ang half sister niyang si Wendy sa mag-ama pero hindi niya akalaing ganito na ang tawag ni Xyza sa babae.
Bago pa siya makapagsalita,muling nagsalita ang anak habang nakatalikod sa kanya.
“Nagpagawa rin si Dad ng ibang regalo para kay Tita Mommy Wendy.Tomorrow for sure—”
Biglang nanikip ang dibdib ni Trixie.Hindi na niya napigilan ang sariling magtanong.
“Xyza...naaalala mo ba ang kaarawan ni Mommy?”
“Huh?Ano po?”
Tumingala si Xyza sa kanya,pero agad ding bumalik sa pagkukumpleto ng kanyang kuwintas.
“Mom,don't distract me please!Nagkakagulo ang pagkakasunod-sunod ng shells at beads because you keep on talking to me!”
Kusang lumuwag ang yakap ni Trixie sa bata at hindi na nagsalita pa.
Tumayo na siya mula sa pagkakaluhod para mapantayan ang anak,pero nangalay na lang siya sa kakatayo ay hindi na ito ulit nang-angat ng tingin sa ginagawa.Nang mapansing hindi man lang siya nilingon ng anak,dahan-dahan niyang kinagat ang labi,saka tahimik na lumabas ng kwarto.
Pagbaba niya,sinalubong siya ni Nana Sela.“Trixie hija,tumawag na ako kay Seb.May inaasikaso pa raw siya ngayong gabi.Sabi niya ay mauna ka na lang magpahinga.”
“Okay po.”
Saglit siyang natigilan.Naalala niya ang sinabi ng anak kanina.Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Sebastian.
Matagal bago nasagot ang tawag.Nang sumagot ito,bahagya lang ang tinig,parang walang kagana-gana magsalita.
“I’m working with something.Tatawagan kita bukas—”
“Seb,gabing-gabi na ah,sino‘yan?”
Sigurado siya.
Boses iyon ni Wendy Bolivar.
Napakuyom ng mahigpit si Trixie sa kanyang cellphone.
“Just someone.”
Bago pa siya makapagsalita,ibinaba na ni Sebastian ang tawag.
Tatlo o apat na buwan na silang hindi nagkikita.Nakarating na siya dito sa America,pero ni hindi ito nagmadaling umuwi para makita siya.Kahit sa tawag,halatang wala itong ganang kausapin siya.
Sa dami ng taon nilang mag-asawa,palagi na lang siyang ganito tratuhin ni Sebastian,malamig,malayo,at tila laging walang pakialam.
Simula ng araw matapos ang kasal nila.Naging ganito na ito.
Palangiti,pilyo,at mapagmahal si Sebastian noong mga college days nila.Kaya naman nahulog talaga siya dito.
He would even let her call him Tres,that's his nickname before.Pero simula nang magbago ito,tila naging isang ipinagbabawal ng pangalan iyon.Mamumula ito sa galit at pagagalitan siya sa tuwing susubukan niyang tawagin siya sa ganoong pangalan.
Ni hindi niya magawang magtanong dahil parang lagi itong sasabog sa galit.Hanggang sa dumating ang araw na natutunan niyang kalimutan na iyon.
Kung dati pa ito nangyari,tiyak na tatawagan niya ulit si Sebastian,paulit-ulit na tatanungin kung nasaan ito at kung uuwi ba ngayong gabi.
Pero sig**o dahil sa pagod na rin siya ngayong araw,bigla na lang siyang nawalan ng ganang gawin iyon.
Sanay na rin naman siya.
Pagkagising niya kinabukasan,pinag-isipan niyang mabuti at muling tinawagan si Sebastian.
12 o 13 hours ang agwat ng oras sa pagitan ng America at Pilipinas.Kaya kung ang time zone ng US ang susundin,ngayon mismo ang kanyang kaarawan.
Isa sa mga dahilan kung bakit siya pumunta rito,bukod sa gusto niyang makita si Xyza at si Sebastian,ay dahil sa simpleng hiling niya na magkakasalo silang tatlo sa isang masayang hapunan sa espesyal na araw na ito.
Ito ang birthday wish niya ngayong taon.
Pero hindi sinagot ni Sebastian ang tawag niya.
Matagal pa bago siya nakatanggap ng mensahe.
[May kailangan ka ba?]
Trixie:[Libre ka ba mamayang tanghali?Pwede ba tayong magkasamang tatlo ni Xyza para kumain?]
[Okay.Just send me the address of the restaurant.]
Trixie:[Sige.]
Pagkatapos niyon,wala nang sumunod pang mensahe mula kay Sebastian.
Hindi ba talaga nito naalala na kaarawan niya ngayon?
Kahit handa na si Trixie sa posibilidad na ito,hindi pa rin niya napigilan ang balutin ng lungkot.She thought she would be immune to his cold treatment,but she guessed wrong.
Matapos maligo at mag-ayos,handa na siyang bumaba nang marinig niya ang boses ng kanyang anak at ni Nana Sela sa ibaba.
“Trixie,halika rito.Mukhang malungkot ang young miss.Hindi naman siya nagsasalita kapag tinatanong ko.”
“Mom!May usapan na kami ni Dad na sasamahan si Tita Mommy sa sea side bukas.Kung bigla kang sumama,nakakahiya naman sa kaniya.Could you not go,please?Please?”
“Isa pa,masungit ka kasi,Mom.Palagi kang masungit kay Tita Mommy.I don't want to hurt her feelings.Hmp.”
“Young miss,ang asawa ng Daddy mo ay ang Mommy mo.Huwag mong sabihin‘yan.Masasaktan ang damdamin niya,naiintindihan mo ba iyon?”
“I know that Nana Sela,pero mas gusto namin ni Dad si Tita Mommy.Hindi ba pwedeng si Tita Mommy na lang ang maging mommy ko?”
“Xyza!”
Hindi na narinig ni Trixie kung ano ang naging sunod na sagot ni Nana Sela sa anak.
Siya mismo ang nagpalaki sa kanyang anak.Sa early years nito,mas marami silang oras na magkasama.Pero sa halip na maging malapit sa kanya,mas naging malapit pa ang anak niya kay Sebastian.May mga pagkakataong naiiwan lang ang dalawa sa kwarto ng bata na hindi siya kasama,marahil ay iyon ang naging mitsa para mas mapalapit ang dalawa.
Noong nakaraang taon,lumipat si Sebastian sa America para sa negosyo.Kasama niyang lumipat si Xyza.
Ayaw sanang payagan ni Trixie na lumayo ang anak niya,pero hindi rin niya matitiis na makitang malungkot ito.Kaya sa huli,pumayag na rin siya.
Hindi niya akalaing magiging ganito ang resulta…
Parang nanigas si Trixie sa kinatatayuan niya.Nanlamig ang kanyang mukha,at matagal siyang hindi nakagalaw.
Pumunta siya sa America ngayong taon,hindi lang para makita ang asawa kundi para makasama rin ang anak niya.
Pero ngayon,mukhang hindi na iyon kinakailangan.
Mukhang hindi na siya kailangan ng anak niya.
Tahimik siyang bumalik sa kwarto at ibinalik sa maleta ang mga regalong dinala niya mula sa Pilipinas.Mga handmade crochet iyon na naging libangan niya tuwing nangungulila sa mag-ama niya.
She guessed all efforts she put into these things are all in vain now.
Maya-maya,tumawag si Nana Sela.Ipinasyal daw niya si Xyza,at kung may kailangan si Trixie,tawagan lang siya.Agad siyang nagpasalamat dito.
Naupo si Trixie sa gilid ng k**a.Pakiramdam niya,parang bigla siyang nawala sa sarili.
Iniwan niya ang trabaho niya,nagmadaling pumunta rito dahil sobrang excited siya.
Pero parang wala naman palang naghahanap sa kanya.
Parang biro lang ang pagdating niya.
Matagal siyang nanatili sa kwarto,she let herself wallowed in pity.Ilang minuto pa bago niya napagpasiyahang lumabas.
Naglakad-lakad siya nang walang direksyon sa estranghero ngunit kabigha-bighaning bansa na ito.
Nang magtatanghali na,bigla niyang naalala ang napag-usapan nila ni Sebastian.Magkikita nga pala silang tatlo para kumain!
Naisip niyang umuwi muna at kunin ang anak niya,pero bago pa siya makapagdesisyon,dumating ang isang mensahe mula kay Sebastian.
[May mahalaga akong aasikasuhin ngayong tanghali.Just cancel our lunch.]
Tiningnan lang ni Trixie ang mensahe.Wala siyang kahit anong reaksyon doon.
Dahil sanay na siya.
Manhid na ba talaga siya?
Sa puso ni Sebastian,hindi kailanman siya nanalo sa kahit anong bagay.Trabaho,kaibigan,o kahit ano pa,mas mahalaga ang mga iyon sa lalaki kaysa sa kanya.
Ilang beses na nitong kinansela ang plano nilang dalawa,nang hindi man lang iniisip kung ano ang mararamdaman niya.Kung bibilangin nga,sig**o ay may daang beses na.
Noon,nasasaktan pa siya.
Pero ngayon?Wala na siyang maramdaman pa.
Lalo siyang nalito.
Dumating siya rito na puno ng saya at pananabik.Pero ngayon,malamig ang pakikitungo ng asawa niya,pati na rin ng anak niya.
Hindi niya namalayan na napunta na siya sa isang pamilyar na lugar—ang restaurant na dati nilang gustong kainan ni Sebastian pero laging hindi siya pwede.
Papasok na sana siya ng restaurant nang makita niyang naroon si Sebastian.
And what hurts her the most?
Nandoon na naman pala ang mag-ama niya,ang kaso nga lang ay hindi siya ang kasama.
Magkakatabi sina Wendy at Xyza,tila malapit ang loob sa isa’t isa.Her daughter is even happily swaying her feet.
Habang kausap ni Wendy si Sebastian,tinutukso rin niya si Xyza.Tumatawa ang bata,masayang iginagalaw ang mga paa,at paminsan-minsan ay kumakain ng tinapay na kinagatan na ni Wendy.
Samantala,si Sebastian naman,nakangiti habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ni Wendy at Xyza.Pero ang mga mata niya…nakatuon lang kay Wendy,para bang wala nang iba pang mahalaga sa paligid niya.
Ito ba ang sinasabi niyang may mahalagang aasikasuhin?
Sabagay,tama nga naman.Wendy is important to him.
Kahit pa nga ang anak niyang siya mismo ang nagsilang,ang anak na inalagaan niya ng siyam buwan sa kanyang sinapupunan,at inialay ang kalahati ng kanyang buhay—ngayon,mas malapit pa sa ibang babae?
Ngumiti si Trixie na hindi umaabot sa kaniyang mga mata.
Tahimik niyang pinanood ang tanawing iyon.Kung may makikita sa malayo,tiyak na iisipin ng taong iyon na isang masayang pamilya ang ngayon ay nagsasalo-salo.
Pagkalipas ng ilang sandali,dahan-dahan niyang inalis ang tingin at tuluyang umalis.
Pagbalik niya sa mansiyon,agad niyang inihanda ang kakailanganin sa desisyon niya.
She's gathering all the paperwork needed for divorce.
She will divorce Sebastian Klint Valderama.
Noong bata pa siya,si Sebastian ang pangarap niya.
Pero pagkatapos ng araw na iyon,kailanman ay hindi na siya muling nakita nito.
Kung hindi lang dahil sa nangyari noong gabing iyon,maaari kayang asawa ang turing ni Tres sa kaniya ngayon?
Tres…
Parang napakatagal na simula nang pumasok sa isipan niya ang pangalang iyon.
Dati,naniwala siyang basta magsikap siya,isang araw ay mapapansin na ulit siya ni Sebastian.
Just like their teenage years.
Pero sa paglipas ng mga taon,paulit-ulit na ipinakita sa kanya ng tadhana ang katotohanang hindi niya gustong tanggapin.
Halos pitong taon na rin silang kasal.
Ngayon na sig**o ang panahon para magising siya sa katotohanan.
Matapos ilagay ang mga inihandang papel sa loob ng isang sobre,iniabot niya ito kay Nana Sela.
“Pakibigay po nito kay Sebastian,”mahina niyang sabi.
Pagkatapos,kinuha niya ang kanyang maleta,lumabas ng bahay,at sumakay sa sasakyan.
“Sa airport po tayo,”utos niya sa driver.
Bandang alas-dies ng gabi,masayang dumating sina Sebastian at Xyza sa mansiyon.
Mahigpit na nakahawak si Xyza sa damit ng ama bago dahan-dahang bumaba ng sasakyan.
Ayaw sana niyang umuwi ngayong gabi dahil naroon ang mama niya sa bahay.
Pero sabi ng tita mommy niya noong lunch nila,dumayo pa raw dito ang kanyang mama para makasama silang dalawa ng daddy niya.Kung hindi sila uuwi,siguradong malulungkot daw ito.
Natakot din siya sa sinabi ng daddy niya na kapag hindi sila umuwi ngayon,sasama ang mommy Trixie niya sa kanila bukas sa dagat.
Wala siyang nagawa kundi sumang-ayon na lang dito.
Pero nag-aalala pa rin siya kaya't madiing nagtanong,“Dad,what if pilitin po tayo ni Mom na sumama sa'tin bukas?What should we do po?”
“That’s not gonna happen,”sagot ni Sebastian nang walang alinlangan.
Sa loob ng maraming taon ng kanilang pagsasama,palaging hinahanap ni Trixie ang pagkakataong makasama siya.
Pero marunong din itong lumugar.Kapag nakita nitong galit na siya,hindi na ito nangangahas na sumuway pa.
Sa alaala ni Xyza,palaging sumusunod si Trixie kay Sebastian.
Kung sinabi ng daddy niya na hindi,siguradong hindi nga makakasama ito sa kanila.
Sa isiping iyon,nakahinga nang maluwag si Xyza.
Gumaan ang kanyang pakiramdam at nawala ang inis na naramdaman niya kanina.Masaya siyang tumakbo papasok ng bahay at agad na tumakbo kay Nana Sela.
“Nana Sela,help me take a bath,plese!”
“Oo,oo,sige,”sagot ni Nana Sela na hindi na nagulat sa ingay ni Xyza.Hindi pwedeng paghintayin ang bata dahil siguradong mag-tantrums ito.
Bago umakyat ng hagdan para sundan ang alaga,naalala niya ang bilin ni Trixie.Inabot niya ang isang sobre kay Sebastian.
“Seb,hijo,ito ang ipinabibigay ni Trixie sa'yo.”
Tinanggap iyon ni Sebastian at walang pakialam na nagtanong.
“Nasaan siya?”
“Ah…umuwi na siya sa Pilipinas,umalis siya kaninang tanghali lang.Hindi mo ba alam?”
Natigilan si Sebastian sa pag-akyat sa hagdan,saka bumalik ng tingin kay Nana Sela.
“Po?Bumalik?”
“Oo.Hindi ba nagsabi sa'yo?”
Hindi man lang niya binigyan ng pagkakataon si Trixie na magsalita kung bakit ito nagpunta dito sa US.Kaya hindi na siya nagtataka kung hindi na ito nagpaalam na umuwi na rin.
Pero kahit ngayong nalaman niyang umalis ito,wala rin siyang pakialam.
Nagulat din nang bahagya si Xyza.
Nang marinig niyang umalis na si Trixie,nakaramdam siya ng hindi niya maipaliwanag na panghihinayang.
If her Mom wouldn't go with them at the sea side,sana man lang ay nakasama niya ito ngayong gabi.
Isa pa,madaling masugatan ang k**ay sa pagpakinis ng mga shells.Gusto sana niyang tulungan siya ni Trixie.
'What a waste',she thought.
Matagal nang hindi nagkikita sina Sebastian at Trixie.Sa wakas,nagpunta ito rito,pero hindi man lang sila nagkaharap.
Naalala ni Nana Sela ang itsura ni Trixie bago ito umalis.Hindi maganda ang mukha nito noon,kaya hindi niya napigilang magpaalala.
“Seb,parang hindi maganda ang pakiramdam ni Trixie nang umalis siya.Mukhang galit siya.”
Akala ni Nana Sela,may biglang kailangang asikasuhin lang si Trixie kaya ito nagmamadaling bumalik sa Pilipinas.Pero ngayong alam niyang ni hindi alam ni Sebastian ang tungkol dito,napagtanto niyang may mali.
Galit?Bakit ganoon na lang ekspresyon ng babae bago ito umalis?Nagkita man lang ba ang mag-asawa gayong ang bilis niya lang dito at umuwi din agad?
Sa harap ni Sebastian,palaging mahinahon at matiisin si Trixie.
Pero kaya rin pala nitong magalit?Ngayon lang nakita ni Nana Sela na may emosyon rin pala si Trixie na ganoon.
Nakahanap ng bago at kakaibang bagay si Sebastian kaya napangiti siya nang bahagya.Walang emosyon siyang tumango kay Nana Sela saka umakyat sa kanyang silid.
Pagdating sa kwarto,bubuksan na sana niya ang sobre mula kay Trixie nang biglang tumawag si Wendy.
Sinagot niya ang tawag,saka basta na lang itinapon ang sobre sa tabi at lumabas sa veranda ng kwarto.
Matapos ibaba ang tawag,kinuha nito ang isang coat sa rack pati ang susi ng sasakyan at pinaharurot iyon paalis.
Hindi nagtagal,nalaglag ang sobre mula sa k**a at tumilapon sa sahig dahil pinahid ng hangin mula sa nakabukas na veranda.
Hindi na bumalik si Sebastian nang gabing iyon.
Kinabukasan,habang naglilinis si Nana Sela,napansin niya ang sobreng nasa sahig.Nakilala niyang ito ang ibinigay sa kanya ni Trixie kahapon.
Inakala niyang nabasa na iyon ni Sebastian kaya tahimik niyang inilagay iyon sa drawer sa tabi ng k**a.
Pagdating ni Trixie sa maynila,dumiretso siya sa kanyang silid upang mag-impake.
Sa loob ng anim na taon,marami siyang gamit sa bahay na iyon.
Pero sa huli,iilan lang ang kinuha niya.Ilang piraso ng damit,dalawang set ng pang-araw-araw na gamit,at ilan sa kanyang mga professional na libro.
Mula nang ikasal sila,buwan-buwan ay nagbibigay si Sebastian ng pera para sa gastusin nilang mag-ina.
Ipinapadala niya ito sa dalawang magkaibang account.Isang card para kay Trixie at isa para kay Xyza.
Ngunit kadalasan,ang sariling card ni Trixie ang kanyang ginagamit sa gastusin.
Hindi niya kailanman ginalaw ang account na para sa kanyang anak,mula umpisang ginawa ito ni Seb hanggang dulo.
Bukod pa rito,mahal na mahal niya si Sebastian.
Tuwing namimili siya,hindi niya mapigilang bilhan ito ng mga damit,sapatos,cufflinks,necktie,at iba pang bagay na bagay sa lalaki.
Samantalang siya,dahil may trabaho naman sa kumpanya nito,hindi malaki ang kanyang personal na gastusin.She's not a materialistic type,since she believes that the real beauty comes from a woman's heart.
Punong-puno ng pagmamahal ang puso niya para sa kanyang asawa at anak,kaya’t gusto niyang ibigay ang lahat ng makakabuti sa kanila.Dahil dito,halos lahat ng perang ibinibigay ni Sebastian sa kanya ay nauubos din para sa mag-ama.
Sa sitwasyong iyon,malamang ay wala nang natitirang pera sa kanyang account.
Ngunit sa nakalipas na taon,dahil kasama na ni Xyza ang kanyang ama sa US,bihira na niyang magamit ang perang iyon para sa kanila.
Ngayon niya lang niya napansing may natitira pa palang higit tatlumpung milyon sa bank account na iyon.
Sig**o para kay Sebastian,baka maliit lang ang halagang iyon.Pero para sa kanya,hindi iyon basta-basta.
Dahil pera naman niya iyon,hindi na siya nag-alinlangan pa.Inilipat niya ang buong halaga sa bank account ng anak.
Saka iniwan ang dalawang card na iyon sa ibabaw ng k**a nila.
Mabagal siyang naglakad sa pinto ng kwarto habang hinihila ang maleta,saka diretsong lumabas ng bahay nang hindi lumilingon.
May bahay siya malapit sa kumpanyang kanyang pinagtatrabahuhan.
Hindi ito kalakihan,mahigit 100 square meters lang.
Apat na taon na ang nakalipas nang bilhin niya ito para suportahan ang negosyo ng isang kaibigang naglayas sa kanilang tahanan.Pero hindi niya pa ito nagagamit personally.
Ngayon,magagamit na niya ito.
A place to move on.
Dahil regular itong nalilinis,hindi naman ito marumi.Isang simpleng paglilinis lang at maaari na siyang lumipat.
Sa wakas,pagkatapos ng nakakapagod na araw,naligo siya at nagpahinga bandang alas-onse ng gabi.
Nap**ol ang kanyang mahimbing na tulog dahil sa malakas na tunog ng alarm clock.
Dahil nagising sa pagkabigla,saglit na nablangko ang kaniyang isip.
Nang mahimasmasan,nakita niyang alas onse na ng gabi.Sa America,kung nasaan sina Sebastian at ang kanyang anak,mahigit alas-ocho na sig**o ng umaga.
Sa ganitong oras,karaniwang kumakain na ng agahan ang mag-ama.
Mula nang sumama si Xyza kay Sebastian sa america,nakasanayan na niyang tawagan ang anak sa ganitong oras.
Pero dahil pagod siya sa trabaho at maagang natutulog,nag-set siya ng alarm clock upang hindi makalimutan ang pagtawag.
Noong una,hindi talaga sanay si Xyza na mawalay sa kanya.Palagi itong nasasabik at magiliw makipag-usap sa kanya.
Pero habang tumatagal ang pananatili nito sa america,unti-unting nagbago ang bata.Ang dati nitong pananabik ay napalitan ng malamig at walang ganang pagsagot sa kanyang mga tawag.
Sa totoo lang,matagal na niyang dapat tinanggal ang alarm na ito.
Ngunit hindi niya kayang gawin.
Napangiti siya ng mapait.
Pagkatapos ng ilang saglit ng pag-aalinlangan,dinelete niya ang alarm clock,pinatay ang kanyang cellphone,at muling natulog.
Samantala,halos tapos nang kumain ng agahan sina Sebastian at Xyza.
Alam ni Sebastian na karaniwang tumatawag si Trixie sa ganitong oras,pero dahil hindi naman siya laging nasa bahay,hindi niya ito binibigyang pansin.
Ngayong umaga,hindi tumawag si Trixie.Napansin niya ito,pero hindi siya nag-alala kahit kaunti.Pagkatapos kumain,umakyat na siya sa kwarto para magpalit ng damit,completely ignoring the absence of her wife's call.
Si Xyza Kollin naman ay tila naiinis na sa pagiging madaldal ng kaniyang ina sa tuwing tumatawag.
Kaya nang mapansin niyang hindi pa ito tumatawag,naisip niyang baka may pinagkaabalahan lang ito.
Umikot ang kanyang mga mata,kinuha ang kanyang bag,at mabilis na lumabas ng bahay.
Nakita siya ni Nana Sela kaya agad siyang hinabol.
“Young miss,maaga pa!Pwede mo pang mahintay ang tawag ng mommy mo bago lumabas.”
Ngunit hindi siya nakinig at patakbong sumakay sa sasakyan.
Sa isip niya,bihira ang pagkakataong hindi siya tinawagan ni Trixie.
Kung hindi siya aalis ngayon,baka bigla itong tumawag at mapilitan na naman siyang makipag-usap dito.
Ayaw niya nga noon!
Matapos ikasal,nagsimulang magtrabaho si Trixie sa Velderana Group.
Pumasok lang naman siya sa kompanyang iyon para kay Sebastian.
Pero ngayong magdidivorce na sila,wala na siyang dahilan upang manatili pa.
A kind of freedom she completely forgot having.
Kinaumagahan,pagdating niya sa opisina,agad niyang iniabot ang kanyang resignation letter kay Calix.
Si Calixto Dela ay isa sa mga personal na secretary ni Sebastian.
Kaya laking gulat na lang nito nang matanggap ang resignation letter ni Trixie.
Isa siya sa iilang tao sa kumpanya na nakakaalam ng totoong relasyon nina Trixie at Sebastian.
Kaya kilala niya si Sebastian na matagal nang hindi si Trixie ang laman ng puso nito.
Matapos silang ikasal,naging malamig si Sebastian kay Trixie at bihirang umuwi ng bahay.
Dahil gusto niyang mapalapit at makuha muli ang loob ni Sebastian,pinili na lang ni Trixie na magtrabaho sa Valderma Company.
She's up to anything as long as she can have her Tres back.
Kaya ang orihinal niyang layunin ay maging personal na sekretarya ni Sebastian.
Ngunit hindi pumayag si Sebastian.
Kahit pa nga ang matandang Valderama ay nakialam na,wala pa ring nagawa ito upang mapapayag ang lalaki.
Sa huli,wala nang nagawa si Trixie kundi tanggapin ang pangalawang option niya,manatili sa sekretariat position bilang isa sa maraming pangkaraniwang sekretarya ni Sebastian.
Noong una,inisip ni Calix na baka guluhin lang ni Trixie ang secretariat department.
Ngunit nagk**ali siya.
Bagama’t ginagamit ni Trixie ang kanyang posisyon upang makalapit kay Sebastian,alam niya ang tamang tiyempo at hindi siya lumalampas sa hanggangan niya.
Sa katunayan,marahil upang mapahanga si Sebastian,nagsikap nang husto si Trixie sa trabaho.Napakagaling niya,at kahit noong buntis siya o nang manganak na,sinunod pa rin niya ang mga patakaran ng kumpanya at hindi kailanman humiling ng special treatment.
Sa paglipas ng mga taon,naging team leader siya ng departmentomg iyon.
Alam ni Calix kung gaano k**ahal ni Trixie si Sebastian.
Kaya hindi niya akalain ang ganitong biglaang anunsiyo.Hindi niya akalaing marunong rin pala mapagod ang babae.Magre-resign si Trixie.
Hindi rin siya naniniwalang kusa itong umalis.
Ang tanging naiisip niyang dahilan ay may nangyari sa pagitan nina Trixie at Sebastian na hindi niya alam at si Sebastian mismo ang nag-utos kay Trixie na lumayo na sa kaniya.
Sayang dahil napakahusay pa naman ni Trixie sa trabaho nito.Pero dahil opisyal itong nagpaalam,tinugunan ni Calix ang sitwasyong ito sa propesyonal na paraan.
"I'm accepting your resignation letter.Thank you for your hardwork all these years.Maghahanap na ako ng papalit sa posisyon mo sa lalong madaling panahon."
"Sige."
Tumango si Trixie at bumalik sa kanyang mesa.
Matapos ang ilang oras na pagiging-abala,nag-report si Calix kay Sebastian online.
Nang halos matapos na ang kanilang pag-uusap,biglang naalala ni Calix ang pagreresign ni Trixie.
"Ah,Mr.Valderama,tungkol kay—"
Bagama’t sinabi niya kay Trixie na mag-aasikaso siya ng papalit sa kanya,gusto pa rin niyang malaman ang opinyon ni Sebastian kung kailan dapat umalis si Trixie.
Kung gusto nitong umalis agad si Trixie,aayusin niya ito kaagad.
Pero bago pa niya matapos ang sasabihin,bigla niyang naalala ang sinabi ni Sebastian noon,noong una pa lang pumasok si Trixie sa kumpanya.
Sinabi niyang lahat ng may kinalaman kay Trixie ay dapat iayon sa regulasyon ng kumpanya at hindi na kailangang i-report pa sa kanya.
Hindi na niya ito pakikialaman.
At totoo nga.
Sa lahat ng taon na magkasama sila sa iisang kumpanya,kahit kailan ay hindi tinanong ni Sebastian ang kahit anong tungkol kay Trixie.
Kapag nakikita niya ito sa opisina,parang ordinaryong empleyado lang ito,o ang mas malala pa ay estranghero lang ang tingin niya rito.
Sa mga nakaraang taon,napakahusay ng performance ni Trixie sa kumpanya.
Dalawang taon na ang nakakalipas,bago nila ito planong i-promote,kinonsulta muna nila si Sebastian.
Kung ayaw niya,hindi nila ito itutuloy.
Ngunit nang marinig ito ni Sebastian,kunot-noo niyang sinabi nang walang pasensya ang desisyon.
"Huwag ninyo akong tanungin tungkol kay Trixie Salvador.I won't meddle with any of her affairs.Just stick to the rules of the company."
Magmula noon,hindi na nila ito tinanong pa tungkol kay Trixie.
Napansin ni Sebastian na tila may sasabihin si Calix pero hindi matuloy-tuloy,kaya't bahagya siyang napakunot-noo.
"What is it?"
Natauhan si Calix at mabilis na sumagot.
"Wala po."
Dahil alam niyang hindi ito binanggit ni Calix sa kanya,ibig sabihin,hindi mahalaga ang kung anumang nais sabihin nito kanina.
Si Calix naman ay ginawa na lang ang dapat gawin sa resignation ni Trixie ayon sa regulasyon ng kumpanya.
Matapos iyon,ibinaba na ni Sebastian ang tawag.
"Ano'ng iniisip mo?"
Tanghali na nang biglang tapikin ng isang kasamahan si Trixie sa balikat.
Doon lang siya nagbalik sa ulirat,ngumiti sa ka-officemate at umiling.
"Wala naman."
"Hindi mo ba tatawagan ang anak mo ngayon?"
"Ayos lang,hindi na kailangan."
Karaniwan,tinatawagan ni Trixie ang kanyang anak dalawang beses sa isang araw,isang beses tuwing ala-onse ng gabi at isa pa sa tanghali.
Alam ito ng lahat ng kasamahan niya sa opisina dahil consistent routine niya na ito simula ng napunta sa US ang anak ni Trixie.
Ngunit ang hindi nila alam ay ang ama ng kanyang anak ay walang iba kundi ang big boss ng kanilang kumpanya.
Pagkatapos ng trabaho nang gabing iyon,dumaan si Trixie sa palengke upang bumili ng ilang gulay at ilang paso ng berdeng halaman bago umuwi.
Matapos maghapunan,binuksan niya ang laptop at naghanap ng balita tungkol sa isang paparating na technology exhibition.
Pagkatapos magbasa,agad siyang tumawag sa isang numero.
"Kindly reserve one ticket for me for the upcoming tech exhibition.It's next month,right?"
Malamig ang boses nang sumagot sa kabilang linya.
"Sigurado ka ba?Ilang beses mo na akong pinakiusapan na ipag-reserve ka ng tiket,pero ni minsan hindi ka sumipot.Nasasayang lang sa'yo ang ticket na pinapangarap ng marami."
Ang yearly tech exhibition na iyon ay isang malaking kaganapan sa nasabing industriya.Hindi basta-basta nakakakuha ng ticket para rito.
Maging ang kumpanya nila ay may limitadong puwesto lamang,kaya't maraming empleyado ang nais makasali na hindi pinapalad.
Para sa kanila,napakahalaga ng bawat puwesto sa rare event na iyon.
Ngumiti si Trixie at sinabing,"Kung hindi pa ako sisipot ngayon,hindi na kita kakausapin kailanman.Hold on to my words."
Walang sinabi ang nasa kabilang linya,pero ibinaba na nito ang tawag.
Alam ni Trixie na napapayag na niya ito.
Napangiti siya.
Ang hindi niya nabanggit ay ang gusto niyang bumalik sa kumpanya na matagal na siyang shareholder.
Bilang isa sa mga kasosyo ng kompanya,pinili niyang magpakasal at magkaanak noong nagsisimula pa lamang ito.Dahil dito,unti-unti siyang nawala sa kumpanya at nag-focus sa pamilya,na siyang dahilan kung bakit naantala ang pag-unlad ng negosyo nila.
Maraming galit sa kanya.
Sa loob ng maraming taon,halos wala siyang naging contact sa mga kaibigan.
Tapos ngayon,hindi na rin niya tinatawagan ang kaniyang mag-ama.
At siyempre,parang walang pakialam ang mga ito sa kaniya dahil hindi rin siya kinokontak ng mga ito.
Hindi na siya nagulat.
Dahil kalahating taon na ang nakakalipas,ang pagtawag niya kay Xyza ay sariling desisyon niya lamang.
Sila?Sinasagot lang ito nang walang pakialam.
Samantala,sa America,nakasanayan na ni Xyza na tawagan si Wendy tuwing umaga pagkagising.
At tulad ng dati,tinawagan niya ito sa araw na iyon.
Ngunit hindi pa sila nagtatagal sa pag-uusap nang bigla siyang napaiyak.
Masamang balita ang ibinalita ni Wendy.
"Paalis na pabalik ng Pilipinas si Tita Mommy ko!"
Labis itong dinamdam ni Xyza.
Pagkababa ng tawag,agad niyang tinawagan si Sebastian.
"Daddy!Tita Mommy is coming back to the Philippines.Do you know about this?"
Sa opisina,abala pa rin si Sebastian sa pagbabasa ng mga dokumento kahit ginagambala siya ng tantrums ng anak.
Walang emosyon ang kanyang tinig nang sumagot siya.
"Yes."
Nanlaki ang mata ni Xyza.
"Kailan mo pa po nalaman,Daddy?!"
"Matagal na."
Nanghina siya sa narinig.
"Daddy,ang sama mo...Bakit hindi mo sinabi sa akin?Hindi ko kayang mawala si Tita Mommy ko!Ayokong pumasok sa school ng wala siya.Gusto ko ng bumalik ng Manila!Waaah~"
Pinanatili ni Sebastian ang kalmadong tono.
"It's already been taken care off,my daughter.Stop crying,would you?"Nilambingan niya pa ang boses para mas effective.
Napalunok si Xyza.
"W-What do you mean po?"
Bahagyang napangiti si Sebastian at sinabing,
"We're going back to the Philippines next week."
"Omg!Is that for real,Daddy?!"
Napatalon si Xyza mula sa k**a.
"Yup."
"E bakit po hindi man lang sinabi sa akin ni Tita Mommy‘yan kanina?"
"Kasi ngayon lang ito na-finalize.That's why I've been working my ass off these days para wala akong maiwang trabaho sa branch natin dito.And hindi ko pa rin siya nasasabihan,so be quiet,alright?"
Lalong na-excite si Xyza.
"Omg,Dad!Yes po.Secret lang po natin ito kay Tita Mommy‘to.Yehey!Pagbalik natin sa bahay,sorpresahin natin siya!Pwede po ba?!"
"Sige."
"Yehey!Dad,ang galing-galing mo talaga!I love you so much,my best Daddy.Mwa!"
Pagkababa ng tawag,tuwang-tuwa pa rin si Xyza.Napakanta at napasayaw pa siya sa k**a.
Maya-maya,bigla niyang naalala si Trixie.
Sa mga nakaraang araw,dahil hindi siya tinatawagan ng kanyang ina,sobrang gaan ng pakiramdam niya.
Sa totoo lang,para lang makaiwas sa tawag ng kanyang ina,sinadya na niyang umalis nang maaga tuwing umaga.Minsan naman,pag-uwi niya galing eskwela,inilalayo o pinapatay niya ang cellphone niya para maging out of coverage ito.
Pero pagkalipas ng dalawang araw,natakot siyang baka magalit na ng tuluyan ang kanyang ina kaya hindi na niya inulit pa ang pag-iwas sa tawag nito.
Laking gulat niya nang mapansin niyang hindi pala talaga siya tinawagan nito sa mga sumunod na araw.
Noong una,inisip niyang baka alam ng kanyang ina na sinasadya niyang iwasan ang tawag nito kaya ganoon.
Pero nang mag-isip-isip siya,base sa dati niyang karanasan,kapag may ginawa siyang mali,tiyak na pagsasabihan siya ng kanyang ina.
Hindi ito basta na lang hindi magpaparamdam sa kaniya at hindi tatawag.
What is her Mom up to these days that she completely forgot to call her only daughter?
Alam naman niyang siya ang pinak**ahalaga sa puso ng kanyang mommy kaya minsan ay tinetake advantage niya ito.
Hindi siya makapaniwalang kaya talaga nitong hindi siya tawagan nang ganoon katagal!
Is her Mom completely ignoring her?!Is she fed up with her antics?This ain't right!
Sa puntong iyon,biglang na-miss ni Xyza si Trixie.
Sa loob ng maraming araw,ngayon lang niya ito naisip.
Hindi niya napigilan ang sarili at agad na tinawagan ito.
Pero habang nagri-ring ang tawag,naalala niyang kahit uuwi na siya sa pilipinas at makikita si Tita Mommy niya,siguradong gagawin ng kanyang ina ang lahat para pigilan silang magkita ni Wendy.
Hindi na niya basta-basta makikita si Wendy kung kailan niya gusto,hindi tulad dito sa US.
Dahil sa naisip na iyon,biglang bumigat ang pakiramdam niya.
Mahimbing nang natutulog si Trixie nang bigla siyang magising dahil sa tawag ni Xyza.
Pagkakita sa pangalan nito sa screen,agad siyang pipindot na sana para sagutin ang tawag nang biglang ibaba naman ito ni Xyza.
Kahit isinulat na niya sa kasunduan ng divorce na isinuko na niya ang custody ni Xyza kay Sebastian,anak pa rin niya ito.
At bilang ina,may pananagutan pa rin siya rito.
Kaya't nang makita niyang tumawag ito ngunit bigla ring ibinaba,kinabahan na agad siya.
Baka kung ano na ang nagyari dahil hindi pa naman normal na ito nauunang tumawag sa kaniya.It's always the other way around.
So she called back.
Pagkakita ni Xyza sa tawag ng kanyang ina,agad niyang ibinaling ang mukha niya sa kabila at hinayaan itong mag-missed call.
Lalong kinabahan si Trixie sa kabilang linya.
Dahil dito,tinawagan niya ang landline ng mansiyon sa US.
Si Nana Sela ang sumagot ng telepono.
Nang marinig ang pag-aalala ni Trixie,mabilis itong sumagot,"Ay,mukhang wala namang problema si Xyza.Napuyat lang kagabi ang young miss.Ang late na niyang natulog kaya kaninang umaga,napahimbing ang tulog at hindi agad nakabangon.Kanina lang ako umakyat para tingnan siya pero mahimbing pa siyang natutulog nang mga oras na iyon.Pero sige,aakyatin ko ulit para tingnan,tapos tatawagan kita pabalik,hija."
Bahagyang nakahinga nang maluwag si Trixie.
"Sige po.Maraming salamat,Nana Sela."
Pag-akyat ni Nana Sela,nakita niyang gising na si Xyza at kasalukuyang nagmumumog sa banyo.
Nang tanungin niya ito tungkol sa tawag,sumagot ang bata sa tamad na tono."Aksidente ko lang pong napindot,Nana."
Hindi naman siya pinagdudahan ni Nana Sela.Nakita nitong abala siya sa pag-toothbrush kaya bumaba na ito para ipaalam kay Trixie ang sitwasyon.
Pagkaalis ni Nana Sela,lihim na napangiti si Xyza.
Huminga siya nang malalim,at kahit papaano,gumaan ang pakiramdam niya.
Samantala,kahit napanatag na si Trixie sa sinabi ni Nana Sela,hindi na siya nakatulog nang maayos.
Kinabukasan,bumangon siya nang masama ang gising at wala sa mood para pumasok sa trabaho.
Sa kabilang banda,ang sobre na naglalaman ng divorce agreement na ibinigay ni Trixie kay Sebastian ay hindi na niya muling binuksan mula nang matanggap niya ang tawag ni Wendy.
Hanggang sa dumating na ang araw ng kanilang pagbabalik sa Manila.
Pagkatapos ilagay ang huling dokumento sa kanyang briefcase,sinigurado ni Sebastian na wala na siyang nakakalimutan.
Nang okay na ang lahat,tumalikod siya at bumaba ng hagdan.
"Okay,aalis na tayo."
Agad umalis ang mahabang Lincoln limousine mula sa mansiyon,diretso nitong tinalunton ang daan patungo sa airport.
Walang kaalam-alam si Trixie na bumalik na sa Maynila si Sebastian at ang kanyang anak.
No one even bothered to tell her.
Mahigit kalahating buwan na rin ang lumipas mula nang umalis siya mula sa mansiyon nilang mag-asawa.
Sa loob ng panahong iyon,unti-unti siyang nasanay,at hindi inaasahang nagustuhan pa ang tahimik at payapang buhay na mag-isa.
Today is Saturday.Nagising siya nang tanghali na.
Pagkatapos maghilamos at mag-ayos ng sarili,binuksan niya ang kurtina at nasilayan ang araw na sumisikat sa labas ng bintana.Nag-inat siya,diniligan ang kanyang mga halaman,at naghanda ng simpleng almusal na pang-isang tao.
Ngunit bago pa man siya makapagsimula,biglang tumunog ang doorbell.
Pagbukas niya ng pinto,bumungad sa kanya si Mrs.Peña,ang kapitbahay niya sa tapat.
"Trixie,ineng,hindi ba kita naiistorbo?"
Ngumiti si Trixie.
"Hindi naman po,kakagising ko lang po at kumakain ako ngayon sa kusina."
"Mabuti naman!"masayang sagot ni Mrs.Peña.
"Ito nga pala,mga spaghetti at p**o na niluto namin kanina.Dinalhan kita para matikman mo."
Nagulat si Trixie.
"Salamat po.Pero parang sobra naman po ito...mag-isa lang po ako dito e.
“Hindi ineng,para sa iyo talaga‘yan."
“Wow.Nag-abala pa po kayo.Salamat po dito."
"Hay nako,wala iyan!Kung hindi mo nailigtas ang apo kong si Tantan noong isang araw,hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya dahil sa asong ligaw na'yun!Gustong-gusto kitang pasalamatan noon pa,pero palagi kaming abala ng asawa ko sa trabaho.Ngayon lang kami nagkaroon ng oras.Nahihiya nga kami!"
"Wala po iyon,Mrs.Peña.Maliit na bagay lang po iyon."
Nagpatuloy sila sa maikling kwentuhan bago tuluyang nagpaalam si Mrs.Peña.
Pagbalik sa loob,kumain si Trixie habang tinitingnan ang algorithm ng isang AI na pinag-aaralan niya k**akailan.
Pagdating ng hapon,lumabas sa kanyang cellphone ang isang balita tungkol sa centennial anniversary ng university na kilala sa mundo ng teknolohiya.
Napahinto si Trixie.
Tiningnan niya ang date at naalala niyang kaarawan nga ngayon ng Mapua University.
Sa social media,maraming trending topics tungkol sa .
Malaki ang interes ng mga tao sa pagdiriwang na ito,hindi lang dahil ang Mapua University ang isa sa nangungunang mga unibersidad sa Pilipinas,kundi dahil ito ang kauna-unahang centennial anniversary nito.
Maraming kilalang alumni ang inimbitahang bumalik upang lumahok sa selebrasyon.Mga eksperto at tagumpay na propesyonal sa iba’t ibang industriya.
Habang tinitingnan niya ang mga larawan,may ilang pamilyar na mukha siyang nakita.
Nang makita niya ang ilang dating kakilala sa screen,biglang nanginig ang k**ay niyang nasa keyboard.
Bumalik sa kanya ang mga alaala noong nasa kolehiyo pa siya.
Biglang nagulo ang kanyang isipan.
Kung hindi siya agad nagpakasal pagkatapos ng kolehiyo,malamang isa rin siya sa mga honorary alumni na imbitado ngayon.
Isinara niya ang laptop,nag-alinlangan sandali,pero sa huli,nagpasya siyang pumunta sa Mapua University.
Pagdating niya roon,hapon na.
Karamihan sa mga panauhin ay nakaalis na,pero marami pa ring tao sa loob ng campus.
Naglakad-lakad siya nang walang tiyak na direksyon.
Madaming alaala ang pumasok sa kaniyang isipan habang naglalakad sa loob ng campus.
May masaya,may malungkot,at higit sa lahat,kasama na doon ang alaala nila ni Tres noon.
Agad niyang iiniling ang ulo dahil hindi siya pwedeng pumunta sa alaalang iyon.
Her moments with Tres before were like a cherished memory that she didn't have a choice but to bury into her heart.
Their love already fell apart,there's no point now reminiscing about it.
Naglakad na siya muli,at nang marating niya ang lumang gusali ng kanilang laboratoryo,isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya.
"Alyssa?"
Makalipas ang dalawampung minuto,makikita ang dalawang babae na nakaupo sa isang milktea house malapit sa Mapua University.
Humihigop ang babae sa kaniyang milk tea na okinawa flavored.
"Kumusta ka na nitong mga nakaraang araw?"
Hawak ni Trixie ang tasa,bahagyang yumuko,at tipid na ngumiti.
"Mabuti naman...pero,nagpaplano akong makipag-divorce na sa kaniya."
Nagulat si Charina pero sandaling natahimik rin bago nagsabing,"Oh,about time!But,I'm sorry to hear that girl."
"Ayos lang."
"Ano ang plano mo pagkatapos?Are you going back to our company?"
Napaisip si Trixie."Plano ko sanang bumalik,pero..."
Hindi alam ni Charina kung ano ang pumasok sa kanya,pero seryoso itong nagsalita.
"Trixie Alyssa Salvador.Kailangan ka ng kumpanya.Isa ka sa mga nagtatag nito,you have a big contribution to our company!Sana bumalik ka na at pangunahan muli ang kumpanya.We're all rooting for you,puta."
Napatingin si Trixie kay Charina.
Nahirapan siyang sumagot.
Hindi sa ayaw niyang bumalik.
Ang totoo,mabilis ang pag-unlad ng AI industry ngayon.
Anim na taon na siyang nawala sa larangang ito.
Kahit bumalik siya,natatakot siyang hindi na siya makasabay.
At higit sa lahat,paano niya maibabalik ang dating kakayahang pangunahan ang kumpanya sa harap ng napakabilis na pagbabago ng teknolohiya?
And one more thing,can she stand up against her half sister?Kaya ba niya?
Well,no one will ever know kung hindi niya susubukan.
Trixie needs to be strong,even if it means going against her father's own company.
Sa mga nagdaang taon,bihira na lang magkita sina Charina Villalobos at Trixie.
Pero sa iilang beses na pagkikita nila,napansin ni Charina na malayo na si Trixie sa dating masayahin at puno ng siglang babae na nakilala niya noong college days nila.
Noon,hindi niya inakalang may araw na mararamdaman ni Trixie ang pagiging mababa ang tingin sa sarili.
Hindi man siya lubusang pamilyar sa buhay mag-asawa nina Trixie at Sebastian,may kaunting ideya siya rito.
May hinala siya,pero hindi na niya ito binanggit pa.Kaya pinayuhan na lang niya ito.
“Hindi mahalaga kung may mga panahong naiiwan ka.Ang talino at talento mo ay hindi matutumbasan ng karaniwang genius out there.Girl,Trixie,hangga't gusto mo pa ring tahakin ang landas na ito,hindi pa huli ang lahat para magsimula ulit.You are excellent in this field even back in our college years!What more pa ngayon,‘di ba?"
"Huwag mong kalimutan,ikaw ang pinakapaborito kong friendship sa circle natin."
Ngumiti si Trixie."Kung maririnig ito ng ibang kaibigan natin,malamang kakantyawan ka nila at sasabihing napilitan at nangga-gaslight ka lang ngayon.Such a betrayer."
"Oh,‘wag ka ng umangal.Kahit yung terror nating prof noon,ikaw ang favorite!”
Naalala niya ang kanilang terror na g**o noon,elegante pero matalas magsalita.Bahagyang lumawak ang kanyang ngiti.
"Nakita ko sa balita na dumalo rin si teacher sa selebrasyon.Kamusta na ba siya?"
"Mabuti naman,pero minsan naiirita siya sa atin.Lalo na kapag lumalapit ang circle natin sa kanya,lagi tayong inaaway."
Natawa si Trixie.Naaalala niya ang mga panahong halos araw-araw siyang pinipilit magsulat ng research papers sa gabay ng kanyang g**o.
"Bumalik ka na kasi,Alyssa!"
“Stop.Wala nang tumatawag sa akin niyan."
“No,girl.Ang mean kaya ng first name mo.Hindi bagay sa angelic features mo!"
Hinigpitan ni Trixie ang hawak sa kanyang cup milktea.Malalim siyang huminga at tumango.
"Alright."
Mula pagkabata,mahilig na siya sa artificial intelligence.
Talagang mahal niya ang larangang ito.
Ngunit isinantabi niya ang kanyang pangarap sa loob ng anim o pitong taon dahil sa pagmamahal niya kay Sebastian.
Ngayon,matagal na siyang nawala sa industriya.Hindi magiging madali ang pagbabalik niya.
Pero naniniwala siyang kung magsisikap siya,makahahabol pa rin siya.
"Kailan ka babalik?"tanong ni Charina.
"Kailangan ko pang asikasuhin ang trabaho ko ngayon.Kailangan kong i-train ang papalit sa akin,kaya baka matagalan pa."
"Ayos lang,hindi naman kami nagmamadali.For sure,the girls would scream because of this news."
Dahil babalik rin naman siya,hindi na mahalaga kung maghintay pa sila ng kaunti.
Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan.Makalipas ang ilang sandali,tumingin si Charina sa kanyang relo.
"May ipinakilala sa akin ang mga tao sa kumpanya,isang dalubhasa sa algorithms.Kakabalik lang daw niya sa Amsterdam ilang araw pa lang ang nakakalipas.May usapan kaming magkita ngayon.Dahil nagkita tayo,gusto mo bang sumama?"
Umiling si Trixie."Hindi ko naman kilala ang mga tao sa kumpanya.Sa susunod na lang."
"Sige."
Pagkaalis ni Charina,napansin ni Trixie ang isang pamilyar na pigura na papalapit sa kanya,si Ate Sabrina,ang nakatatandang kapatid ni Sebastian.
Nakita rin niya ito sa balita kanina.
Hindi niya inaasahang makakasalubong niya ito rito.
Ngumiti siya at binati ito,"Ate Sabby."
Ngunit hindi siya pinansin ni Sabrina.Bagkus,sinuri siya nito nang may kunot-noong ekspresyon.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Centennial anniv ngayon ng Mapua,bumalik lang ako para tingnan."
Kung hindi pa ito binanggit ni Trixie,malamang nakalimutan na ni Sabrina na nagtapos rin pala ito sa Mapua University.
Pero sa dami ng bumalik sa paaralan ngayon,karamihan sa kanila ay mga honorary alumni na imbitado ng unibersidad.
Kaya bakit pa nandito si Trixie?
Pero naisip niyang hindi na lang niya ito papansinin,basta’t huwag lang itong magsasalita ng kahit ano na ikahihiya ng pamilya Valderama.
Habang iniisip ito,diretsong sinabi ni Sabrina ang nasa isip.
"Gusto ni Alexi ng luto mo.Ipapadala ko siya mamaya sa inyo ni Seb."
Si Alexianna ay anak ni Sabrina.May isa o dalawang taon itong tanda kay Xyza.
Hindi naging maayos ang relasyon ni Sabrina at ng kanyang asawa.Ilang taon siyang naging abala sa trabaho kaya bihira niyang maalagaan ang anak niya.Dahil dito,lumaki itong matigas ang ulo at mahirap disiplinahin.
Alam niyang gusto ni Alexi ang mga niluluto ni Trixie,kaya sa tuwing may pagkakataon,pinapapunta niya ito sa kanila ni Sebastian.
Sa pamilya Valderama,tanging ang matandang ginang lang ang may pagpapahalaga kay Trixie.
Wala nang iba.
At sa edad ni Alexianna,madali na itong gumaya sa ibang tao.
Kahit na gustong-gusto ni Alexianna ang mga luto ni Trixie,hindi nito kailanman itinuring siyang isang tunay na tiyahin.Sa halip,itinuturing siya nitong isang yaya na puwedeng utusan kahit kailan niya gusto.
Dati,dahil kay Sebastian,matiisin si Trixie.Hindi niya iniintindi ang kawalang-galang ni Alexi at patuloy siyang nag-aalaga rito nang maayos.
Pero ngayong naghahanda na siyang makipaghiwalay kay Sebastian.Wala na siyang balak magsakripisyo pa para rito.
Kaya diretsong tumanggi si Trixie."Pasensya na,Ate Sabby,but I'm not free tomorrow."
Ngayong babalik na siya sa larangan niya,uubusin na niya ang oras niya sa mga mahahalagang bagay.
At sa oras na maprocess na ang divorce nila,wala na siyang kinalaman kay Sebastian,Sabrina o sa kahit na sinong Valderama.
Hindi na niya aaksayahin ang oras niya sa kanila.
Hindi inakala ni Sabrina na tatanggihan siya ni Trixie.
Noon,para kay Sebastian,handa itong tiisin ang lahat at gawin ang lahat para sa pamilya Valderama.
Pero hindi na siya nag-isip pa nang malalim tungkol dito.
Hindi naman siya kailanman tinanggihan ni Trixie noon,kaya naisip niyang marahil ay may mahalagang gagawin talaga ito.Kung hindi,bakit nito sasayangin ang pagkakataong makisama sa kanya?
Gayunpaman,hindi niya mapigilang mairita.
"Wala naman sa tabi mo si Sebastian at si Xyza ngayon.Ano pa bang pinagkakaabalahan mo?"
Napangiti si Trixie,pero sa loob-loob niya,gusto na niyang magalit sa babae.
Sa napakaraming taon,itinapon niya ang sarili niyang pangarap at ginawang sentro ng mundo niya sina Sebastian at ang anak nilang si Xyza.
Hindi nakapagtataka kung ganito ang tingin sa kanya ni Sabrina ngayon.
Pero magbabago na ang lahat mula ngayon.
Bubuksan na niya ang bagong kabanata ng buhay niya.
Bago pa siya makapagsalita,may ilang taong papalapit na sa kanila.
"Miss Valderama!"
Mukhang hinahanap nila si Sabrina.
Napatingin ang isa sa kanila kay Trixie at nagtanong,"Miss Valderama,who is she?"
Sa malamig na tinig,walang pag-aalinlangan na sumagot si Feng Tinglin,"Old friend."
"Oh,kaibigan pala..."
Ang mga taong ito ay may matataas na katungkulan at dumalo rin sa anibersaryo ng Mapua University.
Noong una,inakala nilang espesyal ang taong kausap ni Sabrina Valderama kaya nila ito nilapitan.
Pero nang marinig nila ang sagot nito,agad nilang naisip na hindi ito isang taong may posisyon o impluwensya.
Ang ilan sa kanila ay pansamantalang napatingin kay Trixie,lalo na sa mahahaba at mapuputing binti nito.Pero pagkatapos noon,wala nang nagbigay ng pansin sa kanya.
Nagpatuloy sila sa pakikipag-usap kay Sabrina at agad na umalis.
Kung dati pa ito nangyari,baka nasaktan si Trixie sa hindi pagkilala ni Sabrina sa kanya bilang hipag.
Pero ngayon,wala na siyang pakialam.
Nang makaalis na si Sabrina,kinuha ni Trixie ang kanyang bag at umalis na rin.
Alas-dose ng gabi,dumating na sa airport ang eroplanong sinakyan nina Sebastian at Xyza.
Pagkauwi nila,halos mag-uumaga na.
Mahimbing nang natutulog si Xyza bago pa man sila makarating sa bahay.
Binuhat siya ni Sebastian paakyat sa kanyang silid.Habang dumaraan sa master bedroom,napansin niyang bukas ang pinto,pero madilim ang loob.
Matapos niyang ihatid si Xyza sa kwarto nito,bumalik siya sa master bedroom at binuksan ang malabong ilaw sa kwarto.Pagtingin niya sa k**a,wala itong laman.
Wala roon si Trixie.
Sakto namang paakyat ang mayordoma,bitbit ang kanilang mga maleta.
Habang niluluwagan ang necktie na suot,tinanong ni Sebastian,"Nasaan siya?"
Agad na sumagot ang mayordoma sa mansiyon dito sa Manila,"Nasa business trip po si Ma'am Trixie."
Kalahating buwan na ang nakalipas mula nang umalis si Trixie.
Sakto namang wala noon si Sebastian,kaya hindi niya alam ang buong detalye.
Pero narinig niya sa ibang kasambahay na may dalang maleta si Trixie noong umalis ito.
Ibig sabihin,matagal na itong wala.
Nakakapagtaka lang dahil bihira namang magpunta sa business trips si Trixie noon.At kung aalis man siya,karaniwan ay tatagal lang ito ng dalawa o tatlong araw.
Pero

Address

Ivisan
5805

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NONOY & ANNE vlog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category