01/06/2026
Milling Operations, Umarangkada na sa NFA Sultan Kudarat ๐พ๐พ
Pormal nang nagsimula ang milling operations ng mga palay ng NFA Sultan Kudarat Branch Office sa mga kinontratang pribadong rice millers bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng imbentaryo ng bigas at pagtugon sa pangangailangan ng suplay para sa Benteng Bigas Rice Project.
Naka deploy na ang mga kawani ng NFA Sultan Kudarat sa iba't ibang pribadong rice mills upang masiguro ang maayos na proseso ng paggiling at mapanatili ang mataas na kalidad ng mga rice recoveries. Nakahanda na rin ang mga Warehouse Supervisors sa pagtanggap at maayos na pag iimbak ng mga bigas na magmumula sa milling operations.
Patunay ang hakbang na ito sa matatag na koordinasyon at pagtutulungan ng bawat kawani at katuwang ng ahensya upang maisakatuparan ang mandato ng NFA na tiyakin ang sapat at dekalidad na suplay ng bigas para sa mamamayan.
Sama samang pagkilos para sa mas matatag na suplay ng bigas, serbisyo para sa bawat Pilipino. ๐พ๐
"Tiyak ang bigas panatag ang bukas"
โSa Serbisyong Patas at Tapat, Bigas ay Laging Dekalidad.โ