4Ps POO III-Sultan Kudarat

4Ps POO III-Sultan Kudarat Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from 4Ps POO III-Sultan Kudarat, Government Organization, Isulan, Sultan Kudarat, Isulan.

The Provincial Operations Office III - Sultan Kudarat - Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) aims to reduce poverty and improve health and education to uplift communities and create lasting change.

31/08/2026

Ang DSWD Field Office XII ay kaisa ng buong bansa sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani ngayong Agosto 31, 2026.

Nagbibigay-pugay ang ahensya sa ating mga makasaysayang bayani na nag-alay ng buhay para sa ating kalayaan, pati na rin sa ating mga modernong bayani, ang mga "Angels in Red Vests" at mga debotadong kawani na walang kapagurang naglilingkod sa SOCCSKSARGEN.

Sa bawat pagtugon sa kalamidad at pag-abot ng tulong sa mga nangangailangan, bitbit ng ating mga kawani ang malasakit, katapangan, at dedikasyon para sa bayan.

Isang makabuluhang Araw ng mga Bayani sa ating lahat!




31/08/2026

Diwa ng Kabayanihan, Lakas ng Sambayanan πŸ‡΅πŸ‡­

Ngayong National Heroes Day, ating binibigyang-pugay ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan.

Saludo rin tayo sa mga makabagong bayaniβ€”ang mga Angels in Red Vest, social worker, City/Municipal Links, parent leaders, at katuwang sa komunidadβ€”na patuloy na naglilingkod at nagbibigay-liwanag sa buhay ng ating mga kapwa Pilipino.

Kasama rin sa pinagpupugayan ang bawat Ka-4Ps na patuloy na nagsisikap para sa mas magandang kinabukasan ng kanilang pamilya. Sa bawat hakbang tungo sa pag-unlad, nasasaksihan natin ang diwa ng Pugay Tagumpay, isang tagumpay na bunga ng sipag, tiyaga, at sama-samang pagkilos.

Dahil ang kabayanihan ay naipapakita sa paglilingkod, pagsisikap, at pagtulong sa kapwa.

Muli, maligayang Araw ng mga Bayani!

Mabuhay ang kabayanihan! πŸ‡΅πŸ‡­




August 24, 2026 | DICT ORIENTATION ON THE INSTALLATION OF DIGITAL CERTIFICATES AND AUTHENTICATED DIGITAL SIGNATURES TO 4...
25/08/2026

August 24, 2026 | DICT ORIENTATION ON THE INSTALLATION OF DIGITAL CERTIFICATES AND AUTHENTICATED DIGITAL SIGNATURES TO 4PS POO III TECHNICAL STAFF

Matagumpay na naisagawa noong August 24, 2026, sa pamamagitan ng virtual session, ang orientation ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Region XII hinggil sa Installation and Application of Digital Certificates and Authenticated Digital Signatures para sa dalawampu't limang (25) technical staff ng Provincial Operations Office III – Sultan Kudarat.

Bilang bahagi ng mga inisyatiba ng Provincial Operations Office III – Sultan Kudarat tungo sa digitalisasyon, patuloy na nagsasagawa ang tanggapan ng mga hakbang upang mapadali at mapabilis ang mga prosesong administratibo, mapahusay ang agarang pagproseso at pag-apruba ng mga opisyal na dokumento,.
Layunin din ng inisyatibang ito na higit na mapalakas ang seguridad ng mga dokumento, maisulong ang pananagutan at integridad sa mga opisyal na transaksiyon, at masuportahan ang paglipat tungo sa isang mas moderno, ligtas, at episyenteng sistema ng digital document processing.

Sa pamamagitan ng isang ligtas at maaasahang electronic signature system, mabibigyang-daan ang mga awtorisadong kawani na lumagda sa mga opisyal na dokumento nang digital, habang tinitiyak ang pagiging tunay, integridad, at wastong beripikasyon ng mga elektronikong rekord. Makakatulong din ito sa standardisasyon ng proseso ng digital signing at sa pagpapabilis at pagpapatatag ng seguridad ng mga panloob at panlabas na transaksiyon, partikular sa paghahanda, pagruruta, pag-apruba, at pagpapadala ng mga opisyal na dokumento.

Ang Provincial Operations Office III – Sultan Kudarat, sa pangunguna ng Provincial Link na si Ms. Norzahra G. Dimatingkal, ay nagpapahayag ng taos-pusong pasasalamat kay Director Ibrahim B. Guiapar, Jr. ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Region XII sa pag-apruba sa kahilingan at pagsuporta sa pagsasagawa ng mahalagang gawaing ito.

Lubos din ang pasasalamat sa resource person mula sa DICT Region XII, Information Officer II na si Mr. Hyacinth O. Bayron, sa pagbibigay ng teknikal na gabay at orientation hinggil sa pag-install at paggamit ng digital certificates at authenticated electronic signatures.

Sa kabuuan, ang inisyatibang ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas mabilis, ligtas, at episyenteng pagproseso ng mga opisyal na dokumento, na makatutulong sa patuloy na pagpapabuti ng serbisyo ng 4Ps sa mga benepisyaryo at katuwang na tanggapan.



Technical Assistance Sessions of the Cash Grant Unit of Sultan KudaratBuong buwan ng Agosto, isang makabuluhan at produk...
25/08/2026

Technical Assistance Sessions of the Cash Grant Unit of Sultan Kudarat

Buong buwan ng Agosto, isang makabuluhan at produktibong Technical Assistance Session ang isinagawa kasama ang mga Municipal Action Teams (MATs) ng Sultan Kudarat. Isinagawa ito sa mga sumusunod na petsa:
ο‚·MAT Lambayong – Agosto 3, 2026
ο‚·MAT Columbio at Lutayan – Agosto 10, 2026
ο‚·MAT Senator Ninoy Aquino at Bagumbayan – Agosto 17, 2026
ο‚·MAT Tacurong at Pres. Quirino – Agosto 24, 2026

Ang mga aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapalakas ang koordinasyon, kaalaman, at teknikal na kakayahan ng mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Field Implementers, partikular sa mga usaping may kaugnayan sa cash grants at cash card concerns.

Isinagawa ang mga aktibidad sa pakikipagtulungan ng Senior at Municipal Roving Bookkeepers ng Tacurong Cluster, na sina SB. Glend Jay T. Macuha, MRB Moh’d Norhan M. Alawi, at MRB Carren Joy T. Corpuz, kasama rin ang Isulan Cluster, na sina SB. Manilyn T. Javier at MRB Carlos D. Suyod.

Tinalakay sa mga session ang mga sumusunod na mahahalagang paksa:
ο‚·Cash Card-related Concerns and Issues – pagtalakay sa mga karaniwang concerns at issues kaugnay ng cash cards, kabilang ang paglilinaw sa mga proseso at pagbibigay ng angkop na gabay sa mga kinauukulan.

ο‚·Cash Card Replacement – tinalakay ang mga proseso para sa replacement ng cash cards, partikular sa mga sumusunod na sitwasyon:
Lost Cash Card – mga proseso at kinakailangang hakbang para sa pagpapalit ng nawalang cash card;
Damaged/Perforated Cash Card – gabay sa pagpapalit ng mga cash card na nasira o nabutas;
Change Grantee – mga kaukulang proseso para sa cash card replacement dulot ng pagbabago ng grantee; at
Transfer of Residence – mga alituntunin at proseso para sa mga grantee na lumipat ng tirahan.

ο‚·Tracking Tool – pag-endorso at pagpapakilala sa bagong POO3 website at Cash Grant Online Form, kabilang ang pagpapaliwanag sa tamang paggamit, pag-monitor, at pag-update ng mga kinakailangang datos, gayundin sa proseso ng mga kahilingan ng mga benepisyaryo. Layunin nito na mapadali ang tracking at monitoring ng mga transaksyon, requests, at concerns.

Ang mga aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na matiyak ang mas maayos, episyente, at responsive na serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng napapanahong technical assistance at pagpapatibay ng ugnayan at koordinasyon sa ating mga katuwang.

Isinagawa noong Agosto 18, 2026 ang monitoring sa Family Development Session (FDS) sa Barangay Bayawa, President Quirino...
23/08/2026

Isinagawa noong Agosto 18, 2026 ang monitoring sa Family Development Session (FDS) sa Barangay Bayawa, President Quirino, Sultan Kudarat.

Pinangunahan ang monitoring nina Social Welfare Officer III ng Tacurong Cluster, Ms. Nabeila G. Ambor, at Social Welfare Officer II, Ms. Sittie Faizah M. Mama-o. Nakiisa rin sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa Regional Program Management Office (RPMO), sina Ms. Yasmin M. Mantawil, FDS Focal Person, Ms. Bai Alliah G. Akmad, at Ms. Kaiza Monique M. Jagonod, kasama ang buong Municipal Action Team (MAT) ng President Quirino, Sultan Kudarat.

Tampok sa isinagawang session ang Session 1 ng MAPANGBATA Module, na nakatuon sa pagpapalakas ng kaalaman at kamalayan ng mga 4Ps beneficiaries hinggil sa pangangalaga, proteksyon, at pagtataguyod ng kapakanan at karapatan ng mga bata.

Sa pamamagitan ng regular na monitoring, patuloy na napapalakas ang kalidad ng pagpapatupad ng FDS at natitiyak na ang bawat session ay naihahatid nang maayos, makabuluhan, at naaayon sa mga layunin ng programa.

Ang aktibidad ay nagsilbing pagkakataon upang maobserbahan ang aktwal na implementasyon ng FDS, makapagbigay ng teknikal na gabay, at mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan ng RPMO, Cluster Technical Staff, at MAT tungo sa mas epektibong serbisyo para sa mga pamilyang benepisyaryo.

Sama-sama para sa mas matatag, may kaalaman, at mapagmahal na pamilya! πŸ’™






August 17, 2026| FDS Monitoring Matagumpay na isinagawa ang Monitoring sa Family Development Session (FDS) sa Barangay S...
23/08/2026

August 17, 2026| FDS Monitoring

Matagumpay na isinagawa ang Monitoring sa Family Development Session (FDS) sa Barangay San Pablo, Tacurong City noong August 17, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagsubaybay at pagpapalakas sa implementasyon ng FDS para sa mga benepisyaryong pamilya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Pinangunahan ang monitoring nina Social Welfare Officer III ng Tacurong Cluster, Ms. Nabeila G. Ambor, at Social Welfare Officer II, Ms. Sittie Faizah M. Mama-o. Nakiisa rin sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa Regional Program Management Office (RPMO), sina Ms. Yasmin M. Mantawil, FDS Focal Person; Ms. Bai Alliah G. Akmad; at Ms. Kaiza Monique M. Jagonod, kasama ang buong City Action Team (CAT) Tacurong.

Tampok sa isinagawang session ang Session 1 ng MAPANGBATA Module, na naglalayong palawakin ang kaalaman at kamalayan ng mga magulang at caregivers hinggil sa karapatan, kapakanan, proteksyon, at wastong pangangalaga sa mga bata. Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng mga dumalo, naging makabuluhan ang talakayan at nagkaroon ng pagkakataon ang mga pamilya na magbahagi ng kanilang mga karanasan, pananaw, at mga natutunan.

Ang monitoring ay nagsilbing mahalagang pagkakataon upang matiyak ang maayos, makabuluhan, at responsive na pagpapatupad ng FDS, gayundin ang patuloy na pagbibigay ng technical guidance at suporta sa mga field implementers at partner implementers.

Sa sama-samang pagkilos ng RPMO, Tacurong Cluster, at CAT Tacurong, patuloy nating isinusulong ang mga programang nagbibigay-kaalaman, nagpapalakas sa pamilya, at higit na nagtataguyod sa kapakanan at proteksyon ng bawat bata. πŸ’™

Para sa mas matatag na pamilya, mas responsableng pagiging magulang, at mas ligtas at maunlad na kinabukasan ng bawat bata.





Matagumpay na Pagsasagawa ng Monitoring sa Family Development Session sa Barangay Mapantig, IsulanISULAN, SULTAN KUDARAT...
20/08/2026

Matagumpay na Pagsasagawa ng Monitoring sa Family Development Session sa Barangay Mapantig, Isulan

ISULAN, SULTAN KUDARAT β€” Agosto 2026 β€” Matagumpay na isinagawa ang monitoring ng Family Development Session (FDS) sa Barangay Mapantig, Isulan, Sultan Kudarat, na nilahukan ng buong team ng Isulan upang matiyak ang maayos, makabuluhan, at participatory na pagpapadaloy ng sesyon para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Pinangunahan ang monitoring nina Social Welfare Officer III ng Isulan Cluster na si Ms. Noraisa A. Tudon, Social Welfare Officer II na si Mr. Jomer D. Navarez, at bagong talagang Social Welfare Officer III na si Ms. Queen Hanisha T. Mandangan. Nakiisa rin sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa Regional Program Management Office (RPMO), sina Ms. Bai Alliah G. Akmad at Ms. Kaiza Monique M. Jagonod, kasama ang buong Municipal Action Team (MAT) Isulan.

Sa isinagawang FDS, aktibong nakilahok ang 23 benepisyaryo mula sa Barangay Mapantig. Naging maayos at matagumpay ang pagpapadaloy ng sesyon, kung saan nabigyan ang mga kalahok ng pagkakataong makinig, magbahagi ng kanilang mga karanasan, at makilahok sa mga talakayang may kaugnayan sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad bilang mga benepisyaryo ng programa.

Higit pa sa simpleng pagmamasid, naging bahagi rin ng monitoring ang pagbibigay ng suporta at technical guidance sa facilitator upang higit pang mapahusay ang paraan ng pagpapadaloy ng FDS. Sa ganitong paraan, natutukoy ang mga positibong gawain na maaaring ipagpatuloy at mga aspeto na maaari pang mapaunlad sa mga susunod na sesyon.

Matapos ang pagpapadaloy ng FDS, nagsagawa rin ang monitoring team ng cliniquing session kasama ang mga concerned staff. Tinalakay dito ang mga facilitating factors o mga bagay na nakatulong sa matagumpay na pagsasagawa ng sesyon, gayundin ang mga hindering factors o mga hamon na maaaring nakaapekto sa facilitation. Naging pagkakataon din ito upang makapagbahagi ng obserbasyon, makapagpalitan ng mga suhestiyon, at makapaglatag ng mga posibleng hakbang para sa patuloy na pagpapahusay ng FDS implementation.

Ang ganitong monitoring at cliniquing activity ay mahalagang bahagi ng patuloy na quality assurance ng 4Ps, sapagkat nakatutulong ito upang matiyak na ang FDS ay hindi lamang naisasagawa bilang isang regular na aktibidad, kundi nagiging makabuluhang espasyo para sa pagkatuto, pagninilay, at pagpapalakas ng kakayahan ng mga pamilya.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng MAT Isulan, RPMO, at mga FDS facilitators, patuloy na isinusulong ang isang mas mahusay, responsive, at participant-centered na Family Development Session para sa mga pamilyang benepisyaryo ng 4Ps



ISULAN, SULTAN KUDARAT β€” Agosto 18, 2026 β€” Isinagawa ang Oath-Taking Ceremony para sa mga bagong aprubadong Set 14ABC be...
19/08/2026

ISULAN, SULTAN KUDARAT β€” Agosto 18, 2026 β€” Isinagawa ang Oath-Taking Ceremony para sa mga bagong aprubadong Set 14ABC beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa Barangay Lagandang, Isulan, Sultan Kudarat.

Layunin ng seremonya na pormal na tanggapin at ipabatid sa mga bagong benepisyaryo ang kanilang mga tungkulin, responsibilidad, at mga commitment bilang bahagi ng 4Ps. Binigyang-diin din sa aktibidad ang kahalagahan ng pagsunod sa mga kondisyon ng programa at aktibong pakikilahok ng bawat miyembro ng pamilya sa mga gawaing makatutulong sa kanilang pag-unlad.

Pinangunahan ni Barangay Kagawad Hon. Dimaolog ang seremonya bilang officiating officer. Sa pamamagitan ng panunumpa, ipinahayag ng mga bagong benepisyaryo ang kanilang kahandaang gampanan ang kanilang mga responsibilidad at makibahagi sa mga layunin ng programa.

Samantala, nagbigay naman ng closing message si Kagawad Dimalanes, kung saan hinikayat niya ang mga bagong benepisyaryo na pahalagahan ang pagkakataong maging bahagi ng 4Ps at gamitin ang mga oportunidad na hatid ng programa para sa kapakanan at kinabukasan ng kanilang mga pamilya.

Ang pagtanggap sa mga bagong benepisyaryo ay nagsisilbing panibagong hakbang tungo sa layunin ng 4Ps na makatulong sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga pamilya at pagpapaunlad ng kanilang kalagayan, lalo na sa larangan ng kalusugan, edukasyon, at responsableng pagiging bahagi ng komunidad.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng mga benepisyaryo, barangay, lokal na pamahalaan, at DSWD, patuloy na isinusulong ang isang pamilyang mas may kakayahan, mas responsable, at mas handang makamit ang mas maayos na kinabukasan.



π‘»π’†π’„π’‰π’π’Šπ’„π’‚π’ π‘¨π’”π’”π’Šπ’”π’•π’‚π’π’„π’† π‘Ίπ’†π’”π’”π’Šπ’π’ π’˜π’Šπ’•π’‰ 𝑴𝑨𝑻 𝑬𝒔𝒑𝒆𝒓𝒂𝒏𝒛𝒂Isang makabuluhan at produktibong Technical Assistance Session ang isinag...
17/08/2026

π‘»π’†π’„π’‰π’π’Šπ’„π’‚π’ π‘¨π’”π’”π’Šπ’”π’•π’‚π’π’„π’† π‘Ίπ’†π’”π’”π’Šπ’π’ π’˜π’Šπ’•π’‰ 𝑴𝑨𝑻 𝑬𝒔𝒑𝒆𝒓𝒂𝒏𝒛𝒂

Isang makabuluhan at produktibong Technical Assistance Session ang isinagawa kasama ang Municipal Action Team (MAT) ng Esperanza bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng koordinasyon at teknikal na kakayahan ng mga field implementers ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Pinangunahan ang talakayan nina SWO III Noraiza A. Tudon, RSW, MPA, kasama ang iba pang technical staff ng Isulan Cluster na nagbahagi ng mahahalagang updates at gabay para sa mas maayos na implementation at monitoring.

Tinalakay sa session ang mahahalagang updates at gabay hinggil sa Scorecard 2026 Targets, encoding sa USAD System, 2026 CMU Directive Targets, grievance, compliance sa program conditions, at Beneficiary Data Management System (BDMS).

Sa pamamagitan ng bukas na talakayan, paglilinaw, at pagbabahagi ng mga kinakailangang reminders, layunin ng aktibidad na matulungan ang MAT Esperanza na mas maging maayos, episyente, at responsive sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad.

Patuloy ang Technical Assistance, coaching, at mentoring upang mapalakas ang implementation at matiyak ang mas mahusay na paghahatid ng serbisyo para sa mga pamilyang 4Ps.

𝑭𝑫𝑺 π‘΄π’π’π’Šπ’•π’π’“π’Šπ’π’ˆ, π‘°π’”π’Šπ’π’‚π’ˆπ’‚π’˜π’‚ 𝒔𝒂 π‘©π’“π’ˆπ’š. π‘΄π’‚π’‘π’‚π’π’•π’Šπ’ˆ, 𝑰𝒔𝒖𝒍𝒂𝒏Isulan, Sultan Kudarat β€” Isang makabuluhang Family Development Sessio...
17/08/2026

𝑭𝑫𝑺 π‘΄π’π’π’Šπ’•π’π’“π’Šπ’π’ˆ, π‘°π’”π’Šπ’π’‚π’ˆπ’‚π’˜π’‚ 𝒔𝒂 π‘©π’“π’ˆπ’š. π‘΄π’‚π’‘π’‚π’π’•π’Šπ’ˆ, 𝑰𝒔𝒖𝒍𝒂𝒏

Isulan, Sultan Kudarat β€” Isang makabuluhang Family Development Session (FDS) Monitoring ang isinagawa sa Brgy. Mapantig, Isulan, Sultan Kudarat, kasama ang Tacurong Cluster Technical Staff na pinangunahan nina SWO III Ma’am Noraisa A. Tudon, RSW, MPA, at SWO II Mr. Jomer D. Navarez, RSW, MPA at Municipal Link, Ms. Jacquiline L. Braganza, RSW.

Layunin ng monitoring na matiyak ang maayos, aktibo, at makabuluhang pagpapatupad ng FDS para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Sinuri hindi lamang ang attendance kundi pati ang pakikilahok, pag-unawa, at aplikasyon ng mga natutunan ng mga pamilya sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Bilang mahalagang bahagi ng 4Ps, nagsisilbing learning platform ang FDS para mapalakas ang kaalaman at kakayahan ng mga pamilya sa responsible parenthood, kalusugan, edukasyon, child protection, financial literacy, at iba pang mahahalagang usapin.

Sa patuloy na monitoring, coaching, mentoring, at koordinasyon ng Technical Staff at Municipal Link, sinisikap na ang bawat FDS ay hindi lamang maging sesyon ng pagkatuto, kundi maging daan tungo sa positibong pagbabago at mas matatag na pamilya.




Address

Isulan, Sultan Kudarat
Isulan
9805

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 4Ps POO III-Sultan Kudarat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share