Isabela City Disaster Risk Reduction Management Office

Isabela City Disaster Risk Reduction Management Office ISABELA, CDRRMO Operations Center
Binuangan, Isabela City, Basilan 7300
[email protected]

24/7 EMERGENCY HOTLINE NUMBER:
099-777-8888-1

VISION - The City Government of Isabela will manage emergencies and disasters through an efficient and effective Disaster Risk Reduction Management. MISSION - The City Government of Isabela through the City Disaster Risk Reduction Management Office will respond to all types of emergencies and disasters, natural calamities or man-made and restore the normal livelihood of its affected constituents.

03/09/2026

DOH: ALAMIN ANG KAHULUGAN NG BAWAT KULAY AT ANTAS NG AIR QUALITY INDEX (AQI) PARA MAPROTEKTAHAN ANG KALUSUGAN

Para maprotektahan ang kalusugan ng iyong pamilya, subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ukol sa kalidad ng hangin sa inyong lugar mula sa DENR-EMB o sa inyong lokal na pamahalaan.

Maaari ring makita ang real-time AQI sa inyong lugar sa link na nasa comment section. Sa kasalukuyan, mariing pinaghahanda ang mga taga Visayas at Mindanao para sa posibleng pag-abot ng Haze sa dalawang rehiyon na ito.

Kung hindi maganda ang air quality sa inyong lugar, tandaan ang mga sumusunod:

✅ Magsuot ng mask kapag kailangang lumabas ng bahay at iwasan muna ang mabibigat na outdoor activities.
✅ Mag-ingat lalo ang mga bata, matatanda, buntis, at may sakit sa puso o baga, at ihanda ang kanilang mga gamot.
✅ Para sa mga nagtatrabaho sa labas, magsuot ng mask at regular na magpahinga sa loob ng mga gusali. Laging unahin ang proteksyon sa kalusugan.
✅ Maging maingat sa pagmamaneho dahil sa mababang visibility mula sa haze.

Sakaling mangailangan ng tulong, tumawag agad sa National Emergency Hotline 911. Maaari ring pumunta sa mga Health Center at YAKAP Clinic para sa libreng konsultasyon, risk screening, mga laboratoryo, at libreng gamot para sa hika o mild-to-moderate pneumonia.



Isabela City, Basilan — Agosto 29, 2026: Mabilis na rumesponde ang CDRRMO Team 2-B sa isang medical emergency sa Baranga...
02/09/2026

Isabela City, Basilan — Agosto 29, 2026: Mabilis na rumesponde ang CDRRMO Team 2-B sa isang medical emergency sa Barangay Cabunbata.

Isang 33-taong gulang na babae ang nakaranas ng matinding pananakit sa itaas na bahagi ng tiyan (epigastric pain) na nagsimula bandang alas-7 ng gabi.

Matapos ang paunang assessment at medical assistance, ligtas na dinala ang pasyente sa Basilan Medical Center (BMC) para sa karagdagang pagsusuri at gamutan.

In case of an emergency, please reach out to the Isabela CDRRMO hotline (099-777-8888-1).


Isabela City, Basilan — Agosto 29, 2026: Mabilis na rumesponde ang CDRRMO Team 02-A sa isang medical emergency sa harap ...
02/09/2026

Isabela City, Basilan — Agosto 29, 2026: Mabilis na rumesponde ang CDRRMO Team 02-A sa isang medical emergency sa harap ng Allzet Gasoline Station sa Barangay Lumbang.

Isang 30-taong gulang na lalaki ang nakaranas ng pagkahilo, pananakit sa kaliwang ibabang bahagi ng tiyan, at mataas na presyon ng dugo.

Matapos ang paunang assessment at medical assistance, dinala ang pasyente sa ISACOM Hospital para sa karagdagang pagsusuri at gamutan.
In case of an emergency, please reach out to the Isabela CDRRMO hotline (099-777-8888-1).


01/09/2026
01/09/2026
01/09/2026

SEPTEMBER 01, 2026 |

⚠️ PAALALA SA PUBLIKO: MAG-INGAT SA HAZE

Nagpaalala ang Office of Civil Defense (OCD) sa publiko na magsuot ng N95 mask kung nasa mga lugar na nakararanas ng haze. Makakatulong ito upang mabawasan ang panganib ng paglanghap ng maruming hangin, lalo na para sa mga kabilang sa vulnerable sectors.

🏠 Kung maaari, manatili muna sa loob ng bahay at limitahan ang paglabas kung walang mahalagang lakad.

Para mabawasan ang pagpasok ng maruming hangin sa inyong tahanan, isara ang mga bintana, pinto, siwang at iba pang openings.

Manatiling alerto at unahin ang kaligtasan.

01/09/2026

DOH: WALANG N95 MASK? ALAMIN ANG MGA ALTERNATIBONG PARAAN PARA MAPROTEKTAHAN PA RIN ANG SARILI LABAN SA HAZE

Kapag may haze, mahalagang bawasan ang paglanghap ng usok at maliliit na particle na maaaring makairita sa mata at respiratory system.

Kung walang N95 mask at kailangang lumabas, gumamit ng basang panyo/damit o kaya naman ay gawin ang double-mask method bilang alternatibong paraan ng proteksyon.

Gayunpaman, mas mainam pa rin ang N95 mask para sa proteksyon laban sa maliliit na particle sa hangin. Kung maaari, manatili muna sa loob ng bahay at iwasang lumabas habang makapal ang haze.




Isabela City, Basilan — Agosto 26, 2026: Mabilis na rumesponde ang CDRRMO Team 02 sa isang vehicular accident malapit sa...
28/08/2026

Isabela City, Basilan — Agosto 26, 2026: Mabilis na rumesponde ang CDRRMO Team 02 sa isang vehicular accident malapit sa Barangay Hall ng Balatanay.

Isang 25-taong gulang na lalaki ang nagtamo ng sugat sa kanang bahagi ng kilay at maraming gasgas matapos maaksidente habang sakay ng motorsiklo.

Matapos ang paunang medical assistance, agad siyang dinala sa Basilan Medical Center (BMC) para sa karagdagang pagsusuri at gamutan.

In case of an emergency, please reach out to the Isabela CDRRMO hotline (099-777-8888-1).


Address

CDRRMO Op-Center, Binuangan
Isabela
7300

Telephone

+639977788881

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Isabela City Disaster Risk Reduction Management Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Isabela City Disaster Risk Reduction Management Office:

Shortcuts

Share