09/11/2025
Mga paalala para sa darating na Super Typhoon . Keep safe everyone!
INGAT MGA KABABAYAN! โ
Narito ang ilang mga paalala para mapaghandaan ang maaaring maging epekto ng bagyo.
1) Suriin ang paligid ng inyong tirahan kung mataas ang posibilidad ng pagbaha, pagguho ng lupa, o pagbagsak ng puno bunsod ng malalakas na hangin.
2) Alamin ang mga lokal na emergency hotline at evacuation centers sa inyong lugar bilang paghahanda sakaling kailanganin lumikas.
3) Ihanda ang first-aid kit at mga gamot na maaaring magsilbing paunang lunas.
4) Mag-imbak ng sapat na pagkain at tubig tulad ng mga delata at inumin, gayundin ng panlinis sakaling magkaroon ng water interruption.
5) Tiyakin na may sapat na baterya ang mga essential gadgets tulad ng cellphone, powerbank, at flashlight sakaling mawalan ng kuryente.
6) Maging mapanuri at sumunod sa abiso ng LGU. Lumikas nang maaga kung kinakailangan upang masiguro ang kaligtasan.
7) Manatili sa loob ng bahay o gusali habang nananalasa ang bagyo.
8) Ipaalam ang inyong kinaroroonan at kalagayan sa mga kamag-anak at kaibigan hanggaโt may signal.
9) Siguruhing ligtas ang mga alagang hayop mula sa malakas na ulan, hangin, pagbaha, at iba pang panganib dulot ng bagyo.
10) Subaybayan ang pinakahuling balita at abiso mula sa mga opisyal na sources tulad ng PAGASA, NDRRMC, o iba pang verified news channels.
Ilang mga paalala mula sa , dahil angat ang bansa kapag handa sa sakuna.