02/01/2026
Ang Symphony for Christ ay hinubog at binigyang-buhay ng anim na simbahan na nagkaisa mula Volume 1 hanggang Volume 5โisang patunay na kapag ang bayan ng Diyos ay nagtipon sa iisang layunin, ang Kanyang pangalan ay lalong itinatanyag. Hindi magiging ganap ang Symphony for Christ kung wala ang mga simbahang patuloy na tumatangkilik, naninindigan, at naglilingkod nang may pusong iniaalay kay Cristo. Sapagkat โ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐๐๐ง ๐ง๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ข๐ฌ๐ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ญ๐ข๐, ๐๐จ๐จ๐ง ๐ข๐ง๐ข๐ฎ๐ฎ๐ญ๐จ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฅ๐โ (๐๐ฐ๐ข๐ญ ๐๐๐:๐,๐).
Bilang mga Kabataang Mahusay ng Barangay Quezon, kami ay taos-pusong nagbibigay-pugay sa bawat isa na bumuo, nagpanatili, at nagpatuloy sa programang ito. Sa aming barangay, higit naming pinahahalagahan ang mga gawaing naglalapit sa puso ng kabataan sa Panginoonโmga hakbang na hindi lamang nagpapasaya, kundi nagpapalalim ng pananampalataya at nagpapalakas ng espiritu. Ito ay patunay na ang kabataan, kapag inialay sa Diyos, ay nagiging kasangkapan ng Kanyang liwanag.
Ang programang ito ay nagsimula bilang isang hakbang laban sa dilimโisang bahagi ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo noong taong 2021. Ngunit sa paglipas ng panahon, ito ay naging isang banal na tradisyon, pinalawak ng layunin at pinayabong ng pananampalataya. Mula sa panawagan ng pagbabago, ito ngayon ay naging isang mas makabuluhan at masiglang programa na nag-aangat ng pangalan ni Cristo sa gitna ng komunidad.
Dalangin namin na sa mga susunod na henerasyon, ang Symphony for Christ ay magpatuloyโna anuman ang maging lider ng kabataan sa mga darating na taon, ang apoy ng papuri ay hindi mamamatay, at ang layunin nito ay mananatiling dalisay: ang ipahayag si Jesus Cristo bilang sentro ng lahat. Sapagkat โ๐ฌ๐ข ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ฌ ๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ ๐๐ฒ ๐ฌ๐ข๐ฒ๐ ๐ซ๐ข๐ง๐ ๐ค๐๐ก๐๐ฉ๐จ๐ง, ๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง, ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ ๐ฉ๐๐ค๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ฆ๐๐งโ (๐๐๐๐ซ๐๐จ ๐๐:๐).
Sa Kanya ang lahat ng papuri, karangalan, at kaluwalhatian. โ๏ธ๐ถ