Irosin Municipal Library

Directions

Irosin Municipal Library Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Irosin Municipal Library, Public & Government Service, San Julian, Sorsogon, Irosin.

Hatid na Kaalaman at Pag-asa sa Tongdol Patuloy na isinusulong ng PROJECT UNANG KULAY: A Starter Learning Kit and Educat...
15/10/2026

Hatid na Kaalaman at Pag-asa sa Tongdol

Patuloy na isinusulong ng PROJECT UNANG KULAY: A Starter Learning Kit and Educational Outreach Program for Day Care Children ang pagbibigay ng dagdag na kagamitan sa pagkatuto para sa mga batang Day Care sa iba’t ibang barangay ng Irosin.

Sa Brgy. Tongdol, naipamahagi ang mga learning kit na magsisilbing katuwang ng mga bata sa kanilang mga unang hakbang sa pag-aaral, paglinang ng pagkamalikhain, at pagtuklas ng mga bagong kaalaman.

Ang programa ay pinangunahan ni Vice Mayor Alfredo J. Cielo, Jr., kasama si Jovis Herbert B. Jimena, Administrative Aide III ng Irosin Municipal Library, sa pakikipagtulungan ng Irosin Municipal Library.

Maraming salamat kay Ma’am Louisa M. Llunar sa kanyang pakikipagtulungan at kay Brgy. Captain Alex H. Fruto sa suporta para sa mga batang taga Tongdol

Patuloy na nawa nating mabigyan ang bawat bata ng mga pagkakataong matuto, lumikha, at mangarap—dahil ang simpleng tulong ngayon ay maaaring maging bahagi ng kanilang magandang kinabukasan.

PROJECT UNANG KULAY
Bawat kit, may kasamang pag-asa. Bawat kulay, may kuwentong nagsisimula.




Unang Kulay, Bagong Simula sa Casini Patuloy ang paglalakbay ng PROJECT UNANG KULAY: A Starter Learning Kit and Educatio...
13/10/2026

Unang Kulay, Bagong Simula sa Casini

Patuloy ang paglalakbay ng PROJECT UNANG KULAY: A Starter Learning Kit and Educational Outreach Program for Day Care Children sa iba’t ibang barangay ng Irosin, dala ang mga learning kit na magsisilbing dagdag na kagamitan ng ating mga batang mag-aaral.

Sa pagkakataong ito, naihatid ang mga learning kit sa mga batang Day Care ng Brgy. Casini, bilang suporta sa kanilang pagkatuto, pagkamalikhain, at maagang paghubog ng kanilang mga kakayahan.

Ang programa ay pinangunahan ni Vice Mayor Alfredo J. Cielo, Jr., kasama si Jovis Herbert B. Jimena, Administrative Aide III ng Irosin Municipal Library, katuwang ang Irosin Municipal Library.

Maraming salamat kay Ma’am Michelle G. Gacias sa pakikipagtulungan at kay Brgy. Captain Pedro B. Baloloy sa pagsuporta sa programang naglalayong maghatid ng dagdag na oportunidad sa pagkatuto para sa mga batang Casinian.

Sa bawat barangay na nararating ng PROJECT UNANG KULAY, patuloy nating binibigyang-halaga ang maliliit na hakbang na maaaring maging simula ng mas malalaking pangarap.

PROJECT UNANG KULAY
Bawat kit, may kasamang pag-asa. Bawat kulay, may kuwentong nagsisimula.




Kulay ng Pagkatuto, Kulay ng Pangarap sa Liang Isang panibagong hakbang para sa mga batang Irosanon ang naisakatuparan s...
07/10/2026

Kulay ng Pagkatuto, Kulay ng Pangarap sa Liang

Isang panibagong hakbang para sa mga batang Irosanon ang naisakatuparan sa Brgy. Liang sa pamamagitan ng PROJECT UNANG KULAY: A Starter Learning Kit and Educational Outreach Program for Day Care Children.

Naipamahagi ang mga learning kit sa mga batang Day Care ng barangay bilang dagdag na kagamitan para sa kanilang pag-aaral, pagkamalikhain, at mga unang hakbang sa pagtuklas ng kanilang mga kakayahan.

Ang programa ay pinangunahan ni Vice Mayor Alfredo J. Cielo, Jr., kasama si Jovis Herbert B. Jimena, Administrative Aide III ng Irosin Municipal Library, katuwang ang Irosin Municipal Library.

Lubos na pinahahalagahan ang pakikipagtulungan ni Ma’am Marlex S. Magno at ang suporta ni Brgy. Captain Crisanto B. Arimbay sa matagumpay na pagsasagawa ng programa sa Liang.

Ang PROJECT UNANG KULAY ay patuloy na naglalakbay sa iba’t ibang barangay ng Irosin upang makapaghatid ng simpleng tulong na maaaring maging bahagi ng mas makulay na simula para sa ating mga kabataan.

Bawat learning kit, isang munting hakbang. Bawat bata, isang pangarap na dapat alagaan.

PROJECT UNANG KULAY
Bawat kit, may kasamang pag-asa. Bawat kulay, may kuwentong nagsisimula.




Kulay ng Pag-asa sa Sto. Domingo Matagumpay na naisagawa ang panibagong rollout ng PROJECT UNANG KULAY: A Starter Learni...
06/10/2026

Kulay ng Pag-asa sa Sto. Domingo

Matagumpay na naisagawa ang panibagong rollout ng PROJECT UNANG KULAY: A Starter Learning Kit and Educational Outreach Program for Day Care Children sa Brgy. Sto. Domingo, Irosin.

Pinangunahan ni Vice Mayor Alfredo J. Cielo, Jr., kasama si Jovis Herbert B. Jimena, Administrative Aide III ng Irosin Municipal Library, ang pamamahagi ng learning kits para sa mga batang Day Care ng barangay, sa pakikipagtulungan ng Irosin Municipal Library.

Sa pamamagitan ng programang ito, hangad nating makatulong sa pagbibigay ng mas magandang simula sa pagkatuto ng ating mga kabataan—mga kagamitang magiging katuwang nila sa pag-aaral, pagkamalikhain, at pagtuklas.

Maraming salamat kay Ma’am Joanna A. Nieva sa kanyang mainit na pagtanggap at pakikipagtulungan, at kay Brgy. Captain Elpedio G. Avillano Jr. sa kanyang suporta at pakikiisa para sa mga kabataan ng Sto. Domingo.

At higit sa lahat, pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng PROJECT UNANG KULAY—sa bawat taong tumulong, nakipagtulungan, at nagbigay ng suporta upang maihatid ang programa sa ating mga batang Irosanon.

Patuloy nating bibigyan ng kulay ang kanilang mga unang hakbang sa pagkatuto.

Isang learning kit, isang bata, isang pangarap.

PROJECT UNANG KULAY
Bawat kit, may kasamang pag-asa. Bawat kulay, may kuwentong nagsisimula.



Isang Makulay na Simula sa Bulawan Bawat bata ay may sariling kuwento, at sa bawat kuwento ay may pangarap na nagsisimul...
06/10/2026

Isang Makulay na Simula sa Bulawan

Bawat bata ay may sariling kuwento, at sa bawat kuwento ay may pangarap na nagsisimula sa isang simpleng pagkakataon na matuto, lumikha, at tuklasin ang mundo.

Ngayong araw, naihatid sa mga batang Day Care ng Brgy. Bulawan ang PROJECT UNANG KULAY: A Starter Learning Kit and Educational Outreach Program for Day Care Children—isang munting hakbang na naglalayong maging dagdag na katuwang ng ating mga bata sa kanilang unang yugto ng pagkatuto.

Ang rollout ay pinangunahan ni Vice Mayor Alfredo J. Cielo, Jr., kasama si Jovis Herbert B. Jimena, Administrative Aide III ng Irosin Municipal Library, katuwang ang Irosin Municipal Library sa pagpapatupad ng programa.

Maraming salamat kay Ma’am Manelina D. Nedia sa kanyang mainit na pagtanggap at pakikipagtulungan, at kay Brgy. Captain Ricky B. Lugena sa kanyang suporta para sa mga batang Bulawanon.

Kaisa rin natin ang lahat ng patuloy na naglalaan ng oras, tulong, at suporta upang maihatid ang PROJECT UNANG KULAY sa mas maraming batang Irosanon.

Dahil ang bawat learning kit ay hindi lamang gamit sa pag-aaral—ito ay munting paalala sa isang bata na may pagkakataon siyang matuto, may kalayaang lumikha, at may karapatang mangarap.

PROJECT UNANG KULAY
Bawat kit, may kasamang pag-asa. Bawat kulay, may kuwentong nagsisimula.



Kulay ng Pag-asa sa Tinampo Isa na namang makabuluhang rollout ng PROJECT UNANG KULAY: A Starter Learning Kit and Educat...
18/09/2026

Kulay ng Pag-asa sa Tinampo

Isa na namang makabuluhang rollout ng PROJECT UNANG KULAY: A Starter Learning Kit and Educational Outreach Program for Day Care Children ang matagumpay nating naisagawa sa Brgy. Tinampo, Irosin.

Pinangunahan ni Vice Mayor Alfredo J. Cielo, Jr., kasama si Jovis Herbert B. Jimena, Administrative Aide III ng Irosin Municipal Library, sa pakikipagtulungan ng Irosin Municipal Library, ang pagbabahagi ng learning kits para sa ating mga batang Day Care.

Hangad natin na sa pamamagitan ng simpleng mga kagamitang ito, mas maging masaya, makulay, at makabuluhan ang kanilang mga unang karanasan sa pagkatuto. Sapagkat sa bawat batang nabibigyan ng pagkakataong matuto at lumikha, may pangarap na unti-unting nabibigyan ng kulay.

Maraming salamat kay Ma’am Lyca Mae Bandola sa kanyang mainit na pagtanggap at pakikipagtulungan, at kay Brgy. Captain Shiela May Lynn C. Hussain sa kanyang suporta at pakikiisa para sa ating mga kabataan.

Patuloy nating dadalhin ang PROJECT UNANG KULAY sa mas maraming bahagi ng ating bayan upang mas marami pang batang Irosanon ang maabot.

Isang learning kit, isang bata, isang pangarap.

PROJECT UNANG KULAY
Bawat kit, may kasamang pag-asa. Bawat kulay, may kuwentong nagsisimula.



Kulay ng Pag-asa sa Salvacion Ngayong September 16, 2026, kasama natin ang mga batang Day Care ng Brgy. Salvacion para s...
16/09/2026

Kulay ng Pag-asa sa Salvacion

Ngayong September 16, 2026, kasama natin ang mga batang Day Care ng Brgy. Salvacion para sa panibagong rollout ng PROJECT UNANG KULAY: A Starter Learning Kit and Educational Outreach Program for Day Care Children.

Ang programa ay pinangunahan ni Vice Mayor Alfredo J. Cielo, Jr., kasama si Jovis Herbert B. Jimena, Administrative Aide III ng Irosin Municipal Library, sa pakikipagtulungan ng Irosin Municipal Library.

Sa bawat learning kit na naipagkakaloob, hangad nating makatulong sa unang hakbang ng ating mga bata sa pagkatuto, pagkamalikhain, at pagbuo ng kanilang mga pangarap.

Maraming salamat kay Ma’am Nemia Guban sa kanyang mainit na pagtanggap, pakikipagtulungan, at suporta sa programa. Malaki ang aming pagpapahalaga sa inyong naging bahagi sa matagumpay na rollout na ito.

Patuloy nating bibigyan ng kulay ang pagkatuto ng ating mga batang Irosanon—isang learning kit, isang bata, isang pangarap.

PROJECT UNANG KULAY
Bawat kit, may kasamang pag-asa. Bawat kulay, may kuwentong nagsisimula.



Muling Pagbibigay-Kulay sa Cogon Ngayong araw, kasama natin ang mga batang Day Care ng Brgy. Cogon para sa panibagong ro...
15/09/2026

Muling Pagbibigay-Kulay sa Cogon

Ngayong araw, kasama natin ang mga batang Day Care ng Brgy. Cogon para sa panibagong rollout ng PROJECT UNANG KULAY: A Starter Learning Kit and Educational Outreach Program for Day Care Children.

Ang programang ito ay pinangunahan ni Vice Mayor Alfredo J. Cielo, Jr., kasama si Jovis Herbert B. Jimena, Administrative Aide III ng Irosin Municipal Library, sa pakikipagtulungan ng Irosin Municipal Library.

Sa bawat learning kit na ating naipagkakaloob, hangad nating makatulong sa unang mga hakbang ng ating mga bata sa pagkatuto, pagkamalikhain, at pangangarap.

Maraming salamat kay Ma’am Leslie D. Handig sa kanyang mainit na pagtanggap at pakikipagtulungan, at kay Brgy. Captain Ricmar D. Paluyo sa kanyang suporta at pakikiisa para sa ating mga kabataan.

Patuloy nating susuportahan ang mga programang nagbibigay ng magandang simula para sa bawat batang Irosanon. Dahil ang bawat pagkakataong matuto ay pagkakataon ding mangarap para sa mas magandang kinabukasan.

PROJECT UNANG KULAY
Bawat kit, may kasamang pag-asa. Bawat kulay, may kuwentong nagsisimula.



Ikaapat na Kulay ng Pag-asa sa Tabon-Tabon Isa na namang makabuluhang araw para sa PROJECT UNANG KULAY! Ngayong araw, ma...
14/09/2026

Ikaapat na Kulay ng Pag-asa sa Tabon-Tabon

Isa na namang makabuluhang araw para sa PROJECT UNANG KULAY!

Ngayong araw, matagumpay na naisagawa ng Irosin Municipal Library, katuwang ang Office of the Municipal Vice Mayor, ang ikaapat na rollout ng PROJECT UNANG KULAY: A Starter Learning Kit and Educational Outreach Program for Day Care Children sa Tabon-Tabon Day Care Center, Brgy. Tabon-Tabon, Irosin.

Sa pamamagitan ng mga learning kit na ipinamahagi, hangad nating maging mas masaya at makulay ang mga unang karanasan ng ating mga batang Day Care sa pagkatuto—habang nahuhubog ang kanilang pagkamalikhain, kaalaman, at pangarap.

Ang bawat rollout ay paalala na ang simpleng learning kit ay maaaring maging unang hakbang tungo sa mas malaking pangarap. Patuloy nating dadalhin ang PROJECT UNANG KULAY sa iba’t ibang bahagi ng Irosin upang mas marami pang batang Irosanon ang ating maabot.

Taos-puso ang aming pasasalamat kay Day Care Teacher Ma’am Abegail Gamba sa kanyang mainit na pagtanggap at pakikipagtulungan, at kay Jovis Herbert B. Jimena, Administrative Aide III ng Irosin Municipal Library, sa kanyang tulong at pakikiisa sa pagsasagawa ng programa.

Apat na rollout na—at marami pang batang bibigyan ng kulay, pagkatuto, at pag-asa.

PROJECT UNANG KULAY
Bawat kit, may kasamang pag-asa. Bawat kulay, may kuwentong nagsisimula.

MGA REGALONG HINDI INAASAHAN, NGUNIT PUSONG-PUSO NAMANG PINAHALAGAHAN. May mga pagkakataong hindi planado, ngunit nag-ii...
09/09/2026

MGA REGALONG HINDI INAASAHAN, NGUNIT PUSONG-PUSO NAMANG PINAHALAGAHAN.

May mga pagkakataong hindi planado, ngunit nag-iiwan ng magagandang alaala. đź’›

Taos-pusong nagpapasalamat ang Irosin Municipal Library kay Mr. Antonio Cesar Gajo sa kanyang kusang-loob at makabuluhang pagbibigay ng mga libro para sa ating aklatan.

Isang hindi inaasahang sandali ang nauwi sa isang magandang regalo—mga librong magsisilbing dagdag na kaalaman, inspirasyon, at pagkakataon para sa ating mga mambabasa at kabataan.

Maraming salamat po, Mr. Gajo, sa inyong kabutihang-loob at sa pagbabahagi ng regalo ng kaalaman sa ating komunidad.

Sapagkat sa bawat librong ibinibigay, may isang isip na maaaring matuto, isang imahinasyong maaaring lumipad, at isang pangarap na maaaring mabuo.

Mula sa Irosin Municipal Library, maraming salamat po! đź’›

Address

San Julian, Sorsogon
Irosin
4707

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Irosin Municipal Library posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services