IROSIN INFONEWS

IROSIN INFONEWS Official page of the LGU Irosin. Managed by Irosin Municipal Information Office.

TINGNAN: Upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili at tapat na komersyo sa bayan, ang Lokal na Pamahalaan ng Iro...
03/06/2026

TINGNAN: Upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili at tapat na komersyo sa bayan, ang Lokal na Pamahalaan ng Irosin, sa pamamagitan ng Office of the Municipal Treasurer, nagsagawa ng isang masusing inspeksyon, verification, at calibration sa mga gasoline pump station sa buong bayan ng Irosin.

Ang hakbang na ito ay naglalayong tiyakin na tama, wasto, at naaayon sa itinakdang pamantayan ang sukat ng mga produktong petrolyo na binibili ng mga motorista at publiko.

Sa pamamagitan ng regular na pagsusuring ito, masisiguro na ang gasolina o krudo na binabayaran ng mga motorista ay tugma sa nakarehistrong halaga sa mga pump dispenser. Patuloy na makikipagtulungan ang Office of the Municipal Treasurer sa mga lokal na establisyimento upang mapanatili ang integridad sa merkado at maprotektahan ang interes ng bawat mamamayang bumibili sa bayan ng Irosin.

TINGNAN: Isang Public Hearing ang matagumpay na isinagawa ngayong araw, Hunyo 3, 2026, sa ganap na 1:00 ng hapon sa Sang...
03/06/2026

TINGNAN: Isang Public Hearing ang matagumpay na isinagawa ngayong araw, Hunyo 3, 2026, sa ganap na 1:00 ng hapon sa Sangguniang Bayan Session Hall.

Ang mahalagang pagtitipon na ito ng Committee on Tourism ay pinangunahan ni Konsehal Norberto Ortile, ang Chairman ng komite, katuwang si Konsehal Agustin Delmonte III at Tourism Officer Roma Cielo-Aycardo.

Dinaluhan ang pagdinig ng mga lokal na may-ari ng mga resort at kinatawan mula sa iba't ibang establisyimentong may kaugnayan sa turismo sa buong bayan upang mapakinggan ang kanilang mga opinyon at mungkahi ukol sa ipatutupad na bagong patakaran.

Ang pangunahing paksa ay ang panukalang ordinansa na nag-aatas sa lahat ng tourism-related establishments sa bayan ng Irosin na opisyal na magparehistro sa Tanggapan ng Municipal Tourism. Sa ilalim ng ordinansang ito, kinakailangan din silang magsumite ng buwanang datos ng mga dumarating na turista at kumuha ng accreditation sa Department of Tourism (DOT).

Layunin nitong mas mapaigting ang regulasyon, kalidad ng serbisyo, at pagsubaybay sa paglago ng turismo sa Irosin.

TINGNAN: Patuloy ang pag-iikot ng pinagsamang puwersa ng LGU Irosin—sa pamumuno ng BPLO, Treasury, Assessor's Office, at...
03/06/2026

TINGNAN: Patuloy ang pag-iikot ng pinagsamang puwersa ng LGU Irosin—sa pamumuno ng BPLO, Treasury, Assessor's Office, at Zoning Department—upang magsagawa ng komprehensibong inspeksyon sa mga resort at commercial establishments sa bayan.

Bahagi ito ng kampanya para sa ligtas at legal na turismo, pati na rin ang pagtugon sa direktiba ng Commission on Audit (COA) ukol sa mas mahigpit na pagbabantay sa mga negosyo. Sinusuri ng ating inspection team ang mga permit, tax compliance, at building safety—maging sa mga operational na o kasalukuyan pang itinayo/inaayos.

TINGNAN: Isang courtesy call ang isinagawa ngayong araw, Hunyo 3, 2026, sa Mayor’s Office kung saan malugod na tinanggap...
03/06/2026

TINGNAN: Isang courtesy call ang isinagawa ngayong araw, Hunyo 3, 2026, sa Mayor’s Office kung saan malugod na tinanggap ni Mayor Grace Hamor sina Mr. Adrian B. Eneria at Ms. Hazel O. Garrido.

Kasunod ito ng opisyal na reassignment ni Mr. Eneria bilang Officer-in-Charge Public Schools District Supervisor (OIC-PSDS) ng Irosin II District, na may District Office sa Monbon Elementary School, mula sa kanyang dating assignment sa Matnog I District.

Ayon sa inilabas na memorandum, ang naturang reassignment ay alinsunod sa exigency of service at naaayon sa umiiral na mga polisiya, alituntunin, at regulasyon ng Department of Education, na epektibo kaagad sa paglabas ng kautusan.

Ipinahayag ni Mayor Hamor ang kanyang suporta at pakikiisa sa mga programang pang-edukasyon ng distrito, kasabay ng pagbati at mainit na pagtanggap kay Mr. Eneria sa kanyang bagong tungkulin sa bayan ng Irosin.

𝙁𝙐𝙀𝙇 𝙎𝙐𝘽𝙎𝙄𝘿𝙔 𝙋𝘼𝙍𝘼 𝙎𝘼 𝙈𝙂𝘼 𝙏𝙍𝙄𝘾𝙔𝘾𝙇𝙀 𝘿𝙍𝙄𝙑𝙀𝙍𝙎KAILAN: June 5, 2026ORAS: Claiming of Stub: 7:00 AM – 10:00 AM lamangSAAN: Iros...
03/06/2026

𝙁𝙐𝙀𝙇 𝙎𝙐𝘽𝙎𝙄𝘿𝙔 𝙋𝘼𝙍𝘼 𝙎𝘼 𝙈𝙂𝘼 𝙏𝙍𝙄𝘾𝙔𝘾𝙇𝙀 𝘿𝙍𝙄𝙑𝙀𝙍𝙎

KAILAN: June 5, 2026
ORAS: Claiming of Stub: 7:00 AM – 10:00 AM lamang
SAAN: Irosin Public Auditorium

Matapos makuha ang stub, maaaring magpagasolina hanggang 5:00 PM ng nasabing araw.

📌 Paalala:
• Magdala ng valid Driver’s License.
• Bawal ang representative. Personal na kukunin ng benepisyaryo ang subsidy.

Sa ilalim ng 5G Program – Garantisadong Kabuhayan ng LGU Irosin sa pamumuno ni Mayor Grace Hamor, patuloy ang pagbibigay-suporta sa ating mga tricycle drivers upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na kabuhayan.

TINGNAN: Nagsagawa ng consultation meeting kahapon, Hunyo 2, 2026, sa Barangay Patag Session Hall hinggil sa pamamahala ...
03/06/2026

TINGNAN: Nagsagawa ng consultation meeting kahapon, Hunyo 2, 2026, sa Barangay Patag Session Hall hinggil sa pamamahala at posibleng disposition ng Zipline facility sa Barangay Patag.

Pinangunahan ni Vice Mayor Alfredo Cielo Jr. ang pagpupulong kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, katuwang ang Office of the OIC-Municipal Administrator, Municipal Planning and Development Office (MPDO), at Office of Tourism.

Dumalo rin ang mga opisyal ng Barangay Patag upang magbahagi ng kanilang mga pananaw at rekomendasyon kaugnay ng pamamahala, pagpapanatili, at magiging direksyon ng operasyon ng nasabing pasilidad.

Layunin ng konsultasyon na makakalap ng mga mungkahi at obserbasyon mula sa mga stakeholder na magsisilbing batayan sa pagbuo ng mga naaangkop na polisiya at hakbang para sa mas maayos at napapanatiling pamamahala ng Zipline facility sa Barangay Patag.

TINGNAN: Bilang tugon sa mga katanungan at pangangailangan ng publiko kaugnay ng pagbabago sa iskedyul at lokasyon ng Sa...
02/06/2026

TINGNAN: Bilang tugon sa mga katanungan at pangangailangan ng publiko kaugnay ng pagbabago sa iskedyul at lokasyon ng Saod ng bayan, isang mahalagang pagpupulong ang isinagawa ngayong araw, ika-2 ng Hunyo, 2026, sa Dignitaries Room, Mayor's Office.

Pinangunahan ni Mayor Grace Hamor katuwang si Municipal Administrator Chino Franche ang nasabing pagtitipon. Kasama rin nila sina Konsehal Agustin Delmonte III, Konsehal Norie Ortile, DILG Garner Frilles, Senior Tourism Operation Officer Roma Cielo, Municipal Agriculturist Aidel Cielo at Market Supervisor Gerald Luna. Dinaluhan ang pulong ng mga market vendors, parasaod, market stakeholders, mga kawani ng SLP, at iba pang apektadong sektor. Sa pamamagitan nito, nabigyan ng pagkakataon na marinig ang mga hinaing ng magkabilang grupo (mga parasaod at public market vendors) para pag-usapan ang oras at araw ng pagtitinda partikular na para sa mga parasaod upang hindi rin maapektuhan ang magiging kita ng mga market vendors.

Dahil hindi naging sapat ang bilang ng mga market vendor para makabuo ng kasunduan, hindi muna nai-finalize ang bagong iskedyul ngayon. Kaugnay nito, muling magpapatawag ng pagpupulong sa susunod na linggo para sa pinal na desisyon base sa mapagkakasunduan ng magkabilang panig. Sa ngayon, mananatili muna ang kasalukuyang iskedyul ng Saod.

Sa pamamagitan ng mga kawani ng SLP binigyan din ng pagkakataon ang mga parasaod at market vendors na mag-organisa ng kanilang sariling grupo o asosasyon upang opisyal silang makapasok at maging benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng pamahalaan, na maghahatid ng karagdagang tulong-pinansyal at pagsasanay para sa kanilang kabuhayan.

Ang pangunahing layunin ng pulong na ito ay mas patatagin pa ang suporta sa bawat sektor ng bayan sa pamamagitan ng personal na pag-alam sa kanilang sitwasyon. Sa ganitong paraan, mas mapapahusay pa ang paghahatid ng serbisyo publiko kasabay ng pagpapatibay ng isang maayos at matatag na relasyon sa bawat Irosanon.

TINGNAN | LGU Irosin Binabati ang Team Irosin 1 sa Pagkakamit ng KampeonatoNagpapaabot ng taos-pusong pagbati ang Lokal ...
02/06/2026

TINGNAN | LGU Irosin Binabati ang Team Irosin 1 sa Pagkakamit ng Kampeonato

Nagpapaabot ng taos-pusong pagbati ang Lokal na Pamahalaan ng Irosin sa Team Irosin 1 matapos masungkit ang kampeonato sa Bonaventure Summer Volleyball Cup Season 1 – Under-19 Category.

Ipinamalas ng koponan ang kanilang husay, disiplina, at dedikasyon sa buong torneo na nagtapos sa isang impresibong panalo kontra Team Bulusan sa finals sa iskor na 3-0.

Binubuo ang Team Irosin 1 nina Justin Futalan, Ryne Lester Gacos, Vincent Sagala, Erl Wilson Lolong, John Brix Sayson, Zean Lester Funa, Rhian Jade Detera, Jade Gallinera, Lui John Balquin, Lou Vincent Sagala, Ken Ivan Candelaria, at James Peter Gibaga, sa gabay ng kanilang mga coach na sina Gino Guevarra at Ma. Carla Gacos.

Patunay ang kanilang tagumpay sa patuloy na pag-unlad ng kabataang atleta ng Irosin at sa kanilang kakayahang makipagsabayan sa mga kompetisyon sa labas ng bayan. Kinikilala rin ng LGU Irosin ang Team Irosin 2 para sa kanilang mahusay na paglahok at pagpapakita ng talento sa nasabing paligsahan.

TINGNAN: Nagsimula kahapon, Hunyo 1, 2026 ang Organic Agriculture Production (OAP) NC II Full Scholarship Training na ha...
02/06/2026

TINGNAN: Nagsimula kahapon, Hunyo 1, 2026 ang Organic Agriculture Production (OAP) NC II Full Scholarship Training na hatid ng TESDA Bulusan katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni PESO Manager Judith Baeza.

May kabuuang 25 benepisyaryo ang napiling lumahok sa libreng vocational training na isinasagawa sa INACT Balay Silangan. Tatagal ang pagsasanay ng 29 na araw, mula Lunes hanggang Biyernes, at layuning mabigyan ang mga kalahok ng kaalaman at kasanayan sa larangan ng organic agriculture.

Bukod sa libreng pagsasanay at assessment, makatatanggap din ang bawat benepisyaryo ng allowance na ₱160 kada araw bilang suporta sa kanilang pagdalo sa programa.

Patuloy ang pakikipagtulungan ng TESDA at PESO sa pagbibigay ng mga oportunidad para sa paglinang ng kasanayan at pagpapabuti ng kabuhayan ng mga mamamayan.

Address

Irosin

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IROSIN INFONEWS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share