27/02/2026
📘 Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 (RA 9995) –
Ang RA 9995 ay batas sa Philippines na nagde-define at nagpaparusa sa pagkuha, pagkopya, at pagpapakalat ng private photos or videos nang walang consent ng taong involved, lalo na kung s*xual o private ang content.
🎯 Purpose ng Batas
Pinoprotektahan nito ang:
•Privacy
•Dignidad
•Moral integrity
Lalo na laban sa:
•Revenge p**n
•Hidden camera
•Scandal videos
📌📌Prohibited Acts
1) 📸 Pagkuha ng private photo o video nang walang consent
📖 Paliwanag:
Ito ay ang pag picture o pag video ng isang tao sa private o s*xual na sitwasyon nang hindi niya alam o walang pahintulot niya.
Kahit hindi mo ipakalat, basta illegal ang pagkuha, may kaso ka na.
✅ Example:
🔹 Naglagay si Mark ng hidden camera sa CR para i-record ang naliligo niyang boardmate.
🔹 Nag video si Carlo sa babae habang nagpapalit ng damit nang hindi nito alam.
👉 Violation ito ng RA 9995
2) 📂 Pagkopya o pag reproduce ng private photo o video
📖 Paliwanag:
Ito naman ay ang pag save, pag copy, o pag duplicate ng sensitibong larawan o video, kahit hindi ikaw ang original na kumuha.
Basta kinopya mo nang walang consent, crime pa rin.
✅ Example:
🔹 Nakatanggap si Ana ng scandal video sa Messenger, tapos sinave niya ito sa phone niya.
🔹 Kinopya ni John ang n**e video ng kakilala niya mula sa laptop ng iba.
👉 Kahit hindi ikaw ang nag video, liable ka pa rin
3) 📤 Pagbebenta, pamamahagi, o pagpapakalat
📖 Paliwanag:
Ito ay ang pag share, pag send, o pag distribute ng private video o photo sa ibang tao.
Kahit libre mo lang sinend, pasok pa rin sa crime.
✅ Example:
🔹 Sinend ni Paul ang scandal video ng ex niya sa group chat.
🔹 Pinasa ni Lisa sa tropa niya ang n**e photo ng kaklase nila.
👉 Ito ang tinatawag na Revenge P**n
4) 🌐 Pag publish o pag upload
📖 Paliwanag:
Ito ay ang pag upload sa internet o social media ng private video o larawan.
Kahit dummy account pa gamitin mo, crime pa rin.
✅ Example:
🔹 Inupload sa Facebook ang private video ng ex girlfriend.
🔹 Pinost sa p**n website ang s*x video.
🔹 Inupload sa Telegram channel.
👉 Kahit anonymous ka, liable ka pa rin.
❗ IMPORTANTENG RULE:
⚠️ Kahit may consent sa pagkuha,
pero walang consent sa pag share,
CRIME pa rin.
☑️Example:
Mag jowa sina Ken at Mia
Pinayagan ni Mia na i-video siya
Pero nung naghiwalay sila,
Pinost ni Ken online
👉 CRIME pa rin iyon
⚖️ Parusa
📌 Kulong: 3 to 7 years
📌 Multa: ₱100,000 to ₱500,000
❗Additional penalties:
✔ Kung public officer → may administrative liability
✔ Kung alien (Foreigner)→ subject to deportation
✔ Kung media → possible revoke license
⚖️ Exemption under Anti-Photo and Video Voyeurism Act (RA 9995) – Ang Exemption ay makikita sa Section 6 ng batas. Ito ang mga sitwasyon kung saan pinapayagan ang pagkuha o paggamit ng photo o video kahit private, basta ito ay legal at may authority.
Ibig sabihin, hindi lahat ng pagkuha ng sensitibong larawan ay automatic na krimen, kung ito ay ginawa para sa imbestigasyon at may tamang proseso sa Philippines.
📘 Ano ang sinasabi ng Section 6 (Exemption)?
Hindi magiging illegal kung ang pagkuha, pagkopya, o paggamit ng photo o video ay:
✅ May court order
✅ May written order ng court
✅ Ginamit bilang evidence sa investigation
✅ Ginamit para mapatunayan ang krimen
🎯 Simple Explanation
Pinapayagan ang pagkuha ng sensitibong larawan o video kung:
👉 Ito ay bahagi ng legal na imbestigasyon
👉 At may approval ng korte
👮 Example 1 – Police Investigation (LEGAL – EXEMPTED)
Scenario:
May suspect na nagbebenta ng illegal s*x videos
Humingi ng court order ang pulis
At kinopya nila ang files sa cellphone
Result:
✅ LEGAL ito
✅ EXEMPTED ito
❌ Hindi violation ng RA 9995
Kasi may court authority
👨⚖️ Example 2 – Evidence in Court (LEGAL – EXEMPTED)
Scenario:
Ginamit sa korte ang private video bilang ebidensya sa r**e case
Result:
✅ Allowed ito
✅ Hindi crime
Kasi ginagamit para sa justice
Pero kung;
❌ Example 3 – Walang Court Order (NOT EXEMPTED – CRIME)
Scenario:
Kinuha ng barangay tanod ang n**e video sa cellphone ng suspect
Walang court order
Result:
❌ Hindi exempted
❌ Illegal
✔ Violation of RA 9995
⚠️ Important Rule
📌 Kailangan may:
✔ Court order
✔ Legal authority
Kung wala nito, illegal pa rin