Sangguniang Barangay ng Buna Cerca

Sangguniang Barangay ng Buna Cerca OFFICIAL FACEBOOK PAGE

24/7 BARANGAY EMERGENCY OPERATIONS CENTER, HANDA NA!Para sa August 29, 2026 HABAGAT ResponseHanda na ang mga Barangay Em...
29/08/2026

24/7 BARANGAY EMERGENCY OPERATIONS CENTER, HANDA NA!

Para sa August 29, 2026 HABAGAT Response

Handa na ang mga Barangay Emergency Operations Center ng Barangay Buna cerca sa pangunguna ni Punong Barangay kap Jojo Taglinao at Kagawad on Peace and Order and Public Safety kag Eric dela Cruz para sa 24/7 monitoring, coordination, at response ngayong panahon ng Habagat.

Naka-standby na ang mga Barangay Officials at Employees, kasama ang mga kinakailangang kagamitan at sasakyan, upang agarang makatugon sa anumang insidente o panganib na maaaring idulot ng patuloy na pag-ulan.

Patuloy ang pag-iikot at pag-iinspeksyon sa mga komunidad upang:

๐Ÿ”น Ma-monitor ang mga lugar na maaaring maapektuhan ng pag-ulan;
๐Ÿ”น Makipag-ugnayan sa mga sambahayan na nasa hazard-prone areas;
๐Ÿ”น Magbigay ng maagap na impormasyon at safety advisories;
๐Ÿ”น Maghanda para sa posibleng pre-emptive evacuation kung kinakailangan; at
๐Ÿ”น Tiyaking tuloy-tuloy ang koordinasyon sa Municipal EOC at iba pang response agencies.

Kung kayo ay nakatira sa hazard-prone area, manatiling alerto at makipag-ugnayan sa inyong Barangay. Huwag nang hintaying lumala ang sitwasyon bago lumikas kung kinakailangan.

๐Ÿ“ž PARA SA EMERGENCY AT AGARANG TULONG:
Barangay Emergency Operations Center โ€“ 24/7

Contact No.:09171374747
09085787122

Para sa anumang emergency, pagbaha, landslide, pangangailangang lumikas, o iba pang insidente, agad na makipag-ugnayan sa inyong Barangay.

Address

Buna Cerca
Indang
4122

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Buna Cerca posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share