Guyam Munti Indang Cavite

Guyam Munti Indang Cavite Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Guyam Munti Indang Cavite, Government Organization, Guyam Munti, Indang.

PAANYAYA SA LAHAT!COMMUNITY CARPOOLING / SHARED TRANSPORT INITIATIVE: ORGANIZED MARKET TRIP SA KADIWA NG PANGULOInaanyay...
26/03/2026

PAANYAYA SA LAHAT!

COMMUNITY CARPOOLING / SHARED TRANSPORT INITIATIVE: ORGANIZED MARKET TRIP SA KADIWA NG PANGULO

Inaanyayahan ang lahat ng mamimili na makiisa sa ating sama-samang biyahe papuntang Kadiwa ng Pangulo sa darating na:

PETSA: March 27 (Biyernes)
ORAS NG ANTAYAN: 9:00AM
SAAN: Barangay Hall

Layunin ng programang ito na matulungan ang ating mga kababayan na makabili ng mas murang gulay at prutas, mga ulam, at iba pang local produce kumpara sa karaniwang presyo sa merkado.

๐Ÿ’ก Benepisyo:
โœ”๏ธ Tipid sa pamasahe sa pamamagitan ng carpooling
โœ”๏ธ Mas murang bilihin
โœ”๏ธ Suporta sa lokal na produkto
โœ”๏ธ Bayanihan at sama-samang pag-unlad

๐Ÿ“ Magpalista na sa Barangay Hall o makipag ugnayan sa page na ito.

Sama-sama tayong bumiyahe at mamili nang mas matipid!

29/01/2026
18/12/2025

๐Ÿ“ข ๐—ฃ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐— ๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—” ๐—”๐—ง ๐—ก๐—˜๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—ก๐—ง๐—˜

Ipinapaalala ng Pamahalaang Bayan ng Indang ang mahigpit at maigting na pagpapatupad ng ๐—”๐—ก๐—ง๐—œ-๐— ๐—ข๐——๐—œ๐—™๐—œ๐—˜๐—— ๐— ๐—จ๐—™๐—™๐—Ÿ๐—˜๐—ฅ ๐—ข๐—ฅ๐——๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—–๐—˜
๐Ÿ“œ Municipal Ordinance No. 131-2015

โŒ Ipinagbabawal ang paggamit at pag-operate ng motorcycle o tricycle na may modified muffler na nagdudulot ng malakas at hindi makatwirang ingay, anumang oras ng araw.

โŒ Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagbebenta, paggawa, at pag-install ng modified mufflers o tailpipes na nagpapalakas ng ingay.

Ang mga barangay, katuwang ang Kapulisan, ay magsasagawa ng maigting na pagpapatupad, kabilang ang ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐˜‚๐—ต๐˜‚๐—น๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด at ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜‚๐—ธ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐—ฎ alinsunod sa ordinansa.

Ang maingay na tambutso ay hindi bahagi ng pagdiriwang. Sama-sama nating salubungin ang Tahimik na Kapaskuhan at Ligtas na Bagong Taon.

Sumunod sa ordinansa. Iwas ingay. Igalang ang kapwa.



24/7 Barangay Operations Center para sa Super Bagyong   Kasado na!Bilang tugon sa inaasahang epekto ng Super Bagyong  , ...
09/11/2025

24/7 Barangay Operations Center para sa Super Bagyong Kasado na!

Bilang tugon sa inaasahang epekto ng Super Bagyong , inilunsad ng Barangay ang 24/7 Barangay Operations Center mula 10:00 AM ngayong araw pang matiyak ang mabilis na aksyon, tuloy-tuloy na koordinasyon, at maagap na pagresponde sa pangangailangan ng mga residente.

Naka-standby ang lahat ng Barangay officials and employees sa pangunguna ni Punong Barangay Marlon M. Pagkaliwangan. Nakahanda na din ang lahat ng ating kagamitan at sasakyan upang tugunan ang anumang emergency. Patuloy ding mino-monitor ng Operations Center ang mga advisory mula sa PAGASA, Indang MDRRMO, at DILG upang maiparating agad sa komunidad ang tamang impormasyon at kinakailangang paalala.

Tinitiyak ng Barangay Guyam Munti na ang lahat ng hakbang ay nakatuon sa kaligtasan at kapakanan ng bawat pamilya, at nananawagan sa lahat na manatiling alerto, sumunod sa mga abiso, at makipag-ugnayan sa opisyal na communication channels ng Barangay.

Emergency Hotline : 0977 766 8195

26/09/2025

๐Ÿšจ Isang paalala: ang kaligtasan ay responsibilidad nating lahat.
Hindi lang pulis ang may tungkulinโ€”tayong lahat ay may papel na ginagampanan para maiwasan ang karahasan sa ating komunidad.

๐Ÿ” Maging mapagmatyag โ€” I-report agad ang kahina-hinalang kilos o pagbabanta.
๐Ÿก Siguraduhin ang seguridad โ€” Ayusin ang gate, ilaw, at maglagay ng CCTV kung posible.
๐Ÿค Makipagtulungan โ€” Makipag-ugnayan sa barangay, g**o, o pulis kapag may kinahihinalaan.
๐Ÿง  Alalayan ang may problema โ€” Huwag balewalain ang stress, depresyon, o galit; makinig at umalalay.

๐Ÿ‘๏ธโ€๐Ÿ—จ๏ธ Kapag may bantang karahasan, huwag mag-atubiling tumawag sa 911. Mas mabuting maagap kaysa magsisi.

๐Ÿ’ฌ Anong mungkahi mo para mapanatiling ligtas ang ating komunidad? Ibahagi ang iyong komento at suhestiyon sa ibaba โ€” mahalaga ang boses mo. ๐Ÿ‘‡

#๐“๐จ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ž๐š๐ง๐๐๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐œ๐ญ

26/09/2025

Protektahan ang inyong tahanan laban sa masasamang loob! Siguraduhing nakasara at nakalock ang mga pintoโ€™t bintana, panatilihing maliwanag ang paligid ng bahay sa gabi, at agad ireport sa barangay o pulisya ang anumang kahina-hinalang kilos. Maging alerto, maging ligtas!

#๐“๐จ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ž๐€๐ง๐๐๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐œ๐ญ
#๐’๐š๐๐š๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ๐€๐ง๐ ๐†๐ฎ๐ฌ๐ญ๐จ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐ฌ๐‹๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ๐Š๐š

26/09/2025

Tingnan: Crime Prvention Tips
#๐’๐š๐๐š๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ๐€๐ง๐ ๐†๐ฎ๐ฌ๐ญ๐จ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐ฌ๐‹๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ๐Š๐š
#๐“๐จ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ž๐€๐ง๐๐๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐œ๐ญ

09.24.2025ULAT AT GABAY SA PANAHONBAGYONG  Mga kabarangay, base sa inilabas na weather forecast ng PAGASA at sa ginanap ...
24/09/2025

09.24.2025
ULAT AT GABAY SA PANAHON
BAGYONG

Mga kabarangay, base sa inilabas na weather forecast ng PAGASA at sa ginanap na Pre- Disaster Risk Assessment ng Indang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, ang bagyong ay inaasahang babaybayin ang lalawigan ng Cavite, dahil dito makakaranas ng malakas at tuloy-tuloy na pag ulan tinatayang mula Biyernes Setyembre 26 hanggang Sabado Setyembre 27. Pinapayuhan ang lahat na gawin ang mga sumusunod:

BAGO PA DUMATING ANG BAGYO / BABALA:

Alamin ang mga balita.

I-monitor ang PAGASA, LGU updates, radyo, TV, at social media ng mga ahensya.

Alamin kung kasama ang inyong lugar sa mga flood-prone o landslide-prone areas.

Ihanda ang emergency go bag.
Ilagay ang mga sumusunod sa isang backpack o bag na madaling buhatin:

Tubig at pagkain (ready-to-eat)

Flashlight at extra batteries

Power bank

First aid kit

Mga gamot (maintenance, basic meds)

Whistle

Face mask, alcohol, hygiene items

Importanteng dokumento (nakaplastik o waterproof)

Cash

Suriin ang bahay at kapaligiran.

Linisin ang mga kanal at alulod.

Patibayin ang bubong, bintana, at pinto.

Ilipat sa mas mataas na lugar ang mga gamit na pwedeng mabasa.

Makipag-ugnayan sa barangay o LGU.

Alamin kung saan ang evacuation center.

Makipag-ugnayan kung may matatanda, may kapansanan, o buntis sa pamilya.

BARANGAY HOTLINE:
0977 766 8195

Address

Guyam Munti
Indang
4122

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Guyam Munti Indang Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share