01/06/2026
Isang makabuluhang araw para sa ating barangay habang opisyal na ipinagkakaloob at inililipat ang paggamit ng mga pasilidad para sa ating Senior Citizens Association, Sangguniang Kabataan, at Barangay Health Workers (BHW).
Nawa'y magsilbing sentro ito ng pagkakaisa, paglilingkod, at pagpapaunlad ng ating komunidad. Ang mga gusaling ito ay hindi lamang mga estruktura, kundi mga tahanan ng serbisyo, malasakit, at pag-asa para sa bawat mamamayan.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng proyektong ito. Sama-sama nating pangalagaan at pagyamanin ang mga pasilidad na ito para sa kapakinabangan ng kasalukuyan at ng mga susunod pang henerasyon.
"Isang Barangay, Isang Layunin, Sama-samang Uunlad."
OneMKL