15/04/2026
BULLY ba ang iyong ANAK.?
https://www.facebook.com/share/p/1HGhgkJnv2/
PUWEDE NA BANG KASUHAN ANG MAGULANG DAHIL SA PAMBUBULLY NG ANAK NITO? π€
Opo, makakasuhan na po kayo, kung mapapatunayan po na nagpabaya kayo, o hinayaan po ninyong patuloy na mambully ang anak po ninyo; π€
At nasaktan po, either physically or psychologically, ang binubully po ng anak ninyo. π€
Dahil sakop na po ito ng Section 10 ng RA 7610, o mas kilala bilang Anti-Child Abuse Law. π€
Tinatrato na po kasi ng batas na ito ang negligence, o ang kapabayaan ng magulang na pigilan ang abusadong anak nito; π€
Bilang child abuse po, kapag patuloy na nananakit ng ibang bata ang abusadong anak po ninyo. π€
At isang criminal offense po, at hindi lamang civil case po, ang kapabayaang ito. π€
Sa madaling salita, posible pong makulong kayo, dahil lang sa pinagagagawa ng anak ninyo. π€
At ito po ang hakbang na ginawa ni KONSI Alfred Vargas at ng maybahay po nito; π€
Nang kinasuhan po nito ng child abuse ang mga magulang ng bully ng anak po nito. π€
Ayon po kay KONSI Vargas, ilang beses na raw pilit na nilulunod ng nasabing bully ang kanilang anak, sa tuwing nasa swimming practice po ito. π€
At ginagawan raw po ito ng malalaswang mga sayaw sa harap ng maraming tao. π€
At kahit ilang beses na raw po nilang kinausap ang mga magulang ng nasabing bully, ay isinawalangbahala lang daw po nito ang mga insidenteng ito. π€
At nagpost pa nga raw po ang nanay nito online, na tila binabaliktad pa po ang nasabing kuwento. π€
Kaya napilitan na raw po silang magkaso. π€
Tandaan po natin, na dahil po sa batas na ito; π€
Ay hindi na po uubra ang karaniwang palusot po nating mga magulang, na either away bata lang po ito, o dapat lumaban po ang anak ninyo, o hindi po namin kasalanan kung lampa po ang anak ninyo; π€
Sa tuwing may nagrereklamo po ng pambubully laban po sa mga anak ninyo. π€
Dahil kasama po sa obligasyon ng bawat magulang, ang disiplinahin po ang mga anak nito; π€
Sa tuwing gumagawa po ito ng mali na ikapapahamak po ng ibang tao. π€
At mananatili po ang obligasyong ito, hangga't sila po ay menor de edad, at nasa pangangalaga pa po ninyo. π€
At kung dati po ay nagagamot pa ang pagkakamaling ito, ng pagbabayad ng danyos sa kabilang partido; π€
Ngayon po ay kayo na ang makukulong, imbes po ang anak ninyo. π€
Kaya sana po ay gawin natin ng maayos ang mga obligasyon nating ito; π€
Upang mabawasan na po ang mga nakakalungkot na insidenteng ganito. π€
Magandang umaga po, mga Ka-G ko! π«‘