08/07/2026
πππππ πππππππππ ππ ππππππ, ππππππππππππ ππ! πππππππππ ππ πππ-ππππ ππ ππππ ππ πππππ πππππππ πππππ, πππππππππ.
Nagbabala ang DOST-PAGASA na inaasahang magdadala ang Super Typhoon Inday ng malalakas na pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan kabilang ang Cavite, kung saan inaasahang mararamdaman ang pinakamalakas na epekto nito ngayong Biyernes at Sabado.
Ayon sa DOST-PAGASA, tinatayang 50 hanggang 100 millimeters ng ulan ang maaaring maranasan sa mga apektadong lugar. Ang dami ng ulan ay maihahambing sa naranasan noong pananalasa ng Typhoon Lando noong 2015.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente ng Cavite, lalo na ang mga nakatira sa mabababang lugar, tabing-ilog, at mga lugar na madaling bahain o gumuho ang lupa, na maging alerto at sumunod sa mga abiso ng kanilang lokal na pamahalaan at mga disaster response agencies.
Pinapayuhan din ang publiko na regular na subaybayan ang mga opisyal na weather bulletins ng DOST-PAGASA, NDRRMC, at ng kanilang mga lokal na pamahalaan para sa mga pinakabagong impormasyon at paalala kaugnay ng bagyo.