Emmanuel Maliksi

Emmanuel Maliksi Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Emmanuel Maliksi, Public Service, Maestro G. Tirona, Imus.
(3)

Emmanuel Maliksi is a public servant for 20 years, with an agenda focused on economic growth, sustainable development, and social welfare and empowerment, among others.

Mga minamahal kong Imuseño,Mula sa araw ng paghahain ng kandidatura hanggang sa huling araw ng kampanya, bawat kamay na ...
14/05/2025

Mga minamahal kong Imuseño,

Mula sa araw ng paghahain ng kandidatura hanggang sa huling araw ng kampanya, bawat kamay na aking nakamayan, bawat tahanang aming nabisita, at bawat kwentong inyong ibinahagi—lahat ito ay baon ko bilang yaman ng karanasan at inspirasyon. Hindi naging madali ang daan, pero araw-araw, pinalakas kami ng inyong suporta, ng inyong tiwala, at ng inyong mga salita.

Maraming salamat sa bumubuo ng Team Imus campaign team, mga lider, volunteer, campaigner, at ordinaryong mamamayan—mula sa mga tumindig sa harap, hanggang sa mga tahimik na nagdasal at sumuporta. Hindi namin mararating ang ganito kalayo kung wala ang inyong sipag, sakripisyo, at paninindigan. Sa bawat pawis, hakbang, at oras na ibinahagi ninyo—tagumpay tayo. At para sa mga hindi pumili sa amin—salamat pa rin. Kayo ang paalala na sa demokrasya, lahat ng tinig ay may puwang.

Ang halalan ay hindi lang tungkol sa panalo o pagkatalo. Ito ay tungkol sa paninindigan—at sa laban na ito, buong tapang tayong nanindigan para sa serbisyong may puso, para sa malasakit, at para sa kinabukasan ng Imus. Taas-noo tayong lahat dahil ipinaglaban natin ng patas hindi lang isang kandidato, kundi ang prinsipyo ng serbisyong may puso.

Sa gitna ng lahat, isang patunay ng tiwala ang tagumpay ni Konsehala Jelyn Maliksi—na muling pinili ng mga Imuseño upang maglingkod. Siya ngayon ang tinig ng Team Imus at mamamayan sa Konseho—at patuloy siyang magiging tulay ng malasakit at serbisyo sa inyong lahat.

Tulad ng ipinangako ko, ang paglilingkod ay hindi natatapos sa posisyon. Patuloy akong magsusulong ng kabutihan, sa anumang paraan, sa kahit anong pagkakataon. Hindi man ako ang inyong napiling kinatawan sa Kongreso, nananatili akong inyong kaagapay—bilang isang kapwa Imuseño, na tapat sa bayan at may pusong naglilingkod.

Ito ay hindi pagtatapos, kundi panibagong simula ng mas matatag na paglalakbay tungo sa patuloy na serbisyo, saan man kami dalhin ng tadhana.

Mula sa puso, maraming salamat po, Imus.
Sa puso ninyo—doon kami tunay na nanalo.

Emmanuel Maliksi

Tara, boto tayo!Saludo sa lahat ng mga kapwa nating bumabangon nang maaga at tapat na tumutupad sa kanilang tungkulin bi...
12/05/2025

Tara, boto tayo!

Saludo sa lahat ng mga kapwa nating bumabangon nang maaga at tapat na tumutupad sa kanilang tungkulin bilang mamamayan.

Pumila, bumoto, at makiisa para sa isang mapayapa at maayos na halalan.

Ang araw na ito ay espesyal na pagkakataon upang magbigay-pugay sa mga ina na siyang ilaw ng bawat tahanan.Sa aking Momm...
11/05/2025

Ang araw na ito ay espesyal na pagkakataon upang magbigay-pugay sa mga ina na siyang ilaw ng bawat tahanan.

Sa aking Mommy Olie, maraming salamat sa walang sawang pagmamahal, gabay, at sakripisyo. Pinagtibay mo kami, katuwang ni Dad, Gov Ayong Maliksi, sa tamang landas ng may takot sa Diyos at malasakit sa kapwa.

Isang taos-pusong pasasalamat din sa aking may bahay, Jelyn, sa pagiging isang masipag at mapagmahal na ina kina EJ, Miggy, at Nico.

Para sa lahat ng mga inay, nanay, mommy, at mama, HAPPY MOTHERS' DAY! ❤️

11/05/2025

Sa lahat ng mga Ina, Mama, Nanay, Mamshie, Mommy, at sa mga tumatayong Ina sa ating buhay—HAPPY MOTHER'S DAY PO! ❤️

Salamat sa walang sawang pagmamahal, sakripisyo, at lakas na ipinapakita ninyo araw-araw. Nawa'y maging masaya at puno ng pag-ibig ang inyong araw!

Pasasalamat sa ating Panginoon na patuloy na gumagabay, nagbibigay ng masaganang biyaya, at nagmamahal nang walang hangg...
11/05/2025

Pasasalamat sa ating Panginoon na patuloy na gumagabay, nagbibigay ng masaganang biyaya, at nagmamahal nang walang hanggan.

Hangad natin ang isang mapagpalang araw ng Linggo para sa ating mga kababayang Imuseño! 🙏

10/05/2025

𝐏𝐀𝐍𝐔𝐎𝐑𝐈𝐍: Narito ang highlights ng Team Imus: Miting De Avance. Isang gabi ng musika, pagkakaisa at pag-asa.

𝙏𝙞𝙗𝙤𝙠 𝙣𝙜 𝙋𝙐𝙎𝙊. 𝙏𝙞𝙣𝙞𝙜 𝙣𝙜 𝙋𝘼𝙂𝘽𝘼𝘽𝘼𝙂𝙊.

Maraming salamat, Lungsod ng Imus!

⬬ 𝟐 | 𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐄𝐒𝐒𝐌𝐀𝐍 𝐄𝐌𝐌𝐀𝐍𝐔𝐄𝐋 𝐌𝐀𝐋𝐈𝐊𝐒𝐈

10/05/2025

𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗞𝗦𝗜
𝐄𝐩𝐢𝐬𝐨𝐝𝐞 𝟓: 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡

Dati pa man, may PUSO na tayo sa bawat sektor ng lipunan. Dahil naniniwala po tayo na anumang edad o katayuan sa buhay, karapatdapat na makatamasa ng MALIKSING SERBISYO.

Sa Episode 5, pagtuunan natin ng pansin ang mga programa para sa kalusugan, kagalingan, at kaligtasan ng bawat Imuseño—lalo na sa mga sektor na madalas napag-iiwanan. Mula sa senior citizens hanggang sa solo parents, persons with disabilities, at mga kababaihan—naririnig at naiaabot ang serbisyong may malasakit. Ito ang lipunang walang maiiwan—lahat aaRRangkada! ❤️🩵

𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗽𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁—𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗶𝗽𝗶𝗹𝗶, 𝘀𝗮𝗺𝗮-𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝘂𝗻𝗹𝗮𝗿𝗮𝗻.

⬬ 𝟐 | 𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐄𝐒𝐒𝐌𝐀𝐍 𝐄𝐌𝐌𝐀𝐍𝐔𝐄𝐋 𝐌𝐀𝐋𝐈𝐊𝐒𝐈

𝐏𝐔𝐒𝐎. Sa bawat araw ng ating kampanya, ito ang naging puhunan ng Team Imus. Higit pa sa mga parapernalya, MALASAKIT at P...
10/05/2025

𝐏𝐔𝐒𝐎. Sa bawat araw ng ating kampanya, ito ang naging puhunan ng Team Imus. Higit pa sa mga parapernalya, MALASAKIT at PAGMAMAHAL ang aming binitbit—upang maabot kayo saan mang sulok ng ating mahal na lungsod.

Hindi ito ang wakas—ito ang simula ng mas maliwanag na kinabukasan at mas malinaw na pag-asa para sa bawat Imuseño.

Mahal namin kayo. Asahan ninyong ang Maliksing Serbisyo ay muling aaRRangkada sa Lungsod ng Imus!

Atin ang TAGUMPAY.

10/05/2025

𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗞𝗦𝗜
𝐄𝐩𝐢𝐬𝐨𝐝𝐞 𝟒: 𝐄𝐃𝐔𝐊𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍

Edukasyon ang ginintuang pamana na hindi mananakaw ng sinuman.

Sa Episode 4, sulyapan natin ang mga hakbang at proyekto ng Team IMUS para sa mas inklusibo at dekalidad na edukasyon—mula sa scholarships, hanggang sa pagtatayo ng mga pasilidad, at pagiimplementa ng digital learning programs.

Ito ang Serbisyong BUKAS ang pinto para sa bawat kabataang Imuseño na nangangarap.

𝗧𝗮𝗹𝗶𝗻𝗼 𝗮𝘁 𝗣𝗨𝗦𝗢 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝘀𝗶 𝘀𝗮 2𝗡𝗔𝗬 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼. ❤️🩵

⬬ 𝟐 | 𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐄𝐒𝐒𝐌𝐀𝐍 𝐄𝐌𝐌𝐀𝐍𝐔𝐄𝐋 𝐌𝐀𝐋𝐈𝐊𝐒𝐈

10/05/2025

𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗞𝗦𝗜
𝐄𝐩𝐢𝐬𝐨𝐝𝐞 𝟑: 𝐊𝐀𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘𝐀𝐍

Sa panahong mahal ang bilihin at mahirap ang kita, mahalaga ang lideratong TUNAY na may plano para sa kabuhayan. Sa episode na ito, tatalakayin natin ang mga programang nagtutulak ng hanapbuhay, kaalaman, at kaunlaran—mula sa livelihood trainings hanggang suporta sa maliliit na negosyo.

Serbisyong Maliksi, UmaaRRangkadang Programa para sa lahat! ❤️🩵

𝗞𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗺𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱, 𝗺𝗮𝗹𝗶𝗶𝘁 𝗼 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗲𝗴𝗼𝘀𝘆𝗼 𝗺𝗮𝗻.

⬬ 𝟐 | 𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐄𝐒𝐒𝐌𝐀𝐍 𝐄𝐌𝐌𝐀𝐍𝐔𝐄𝐋 𝐌𝐀𝐋𝐈𝐊𝐒𝐈

10/05/2025

𝙐𝙎𝘼𝙋𝘼𝙉𝙂 𝙎𝙀𝙍𝘽𝙄𝙎𝙔𝙊𝙉𝙂 𝙈𝘼𝙇𝙄𝙆𝙎𝙄
𝐄𝐩𝐢𝐬𝐨𝐝𝐞 𝟐: 𝐈𝐌𝐏𝐑𝐀𝐒𝐓𝐑𝐀𝐊𝐓𝐔𝐑𝐀

Sa ikalawang episode ng ating Usapang Serbisyong Maliksi, pag-usapan natin ang mga makabuluhang proyektong imprastraktura na nagsisilbing sandigan ng pag-unlad sa Lungsod ng Imus.

Ito ang serbisyong hindi lang pangako kundi may epektibong resulta—proyektong tunay na ramdam at kapaki-pakinabang sa bawat Imuseño.

TAPAT. TOTOO. TUNAY.

Kasama si Congressman Emmanuel Maliksi, patuloy nating itinatawid ang Imus tungo sa mas maliwanag na bukas.

Address

Maestro G. Tirona
Imus
4103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Emmanuel Maliksi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Emmanuel Maliksi:

Share

Category