07/10/2026
🎉 CONGRATULATIONS SA LAHAT NG MGA NANALO! 🥳
Maraming salamat sa inyong patuloy na pakikiisa at pagtangkilik sa TAMBIYOLO NI ALING MAGDA ECO RAFFLE PAPREMYO 2026 para sa mga buwan ng Agosto, Setyembre, at Oktubre!
Dahil sa inyong disiplina at pagmamahal sa kalikasan, patuloy na nagiging malinis at maayos ang ating barangay. Ang bawat recycled material at wastong pagbubukod ng basura na inyong ginawa ay may katumbas na papremyo at positibong ambag sa ating pamayanan! 🌿♻️
🏆 PAALALA SA MGA NANALO:
Magtungo sa Barangay Hall mula Lunes hanggang Biyernes (8:00 AM – 5:00 PM).
Magdala ng Valid ID para sa beripikasyon at pagtanggap ng inyong premyo.
Ipinaaabot din natin ang taos-pusong pasasalamat sa pangunguna ng ating Punong Barangay Kaz Jardin at Kagawad Romualdo Supilanas (BESWMC) at mga miyembro ng Barangay Magdalo Council sa patuloy na pagtataguyod ng mga makakalikasang programa sa ating barangay.
Magpatuloy po tayo sa wastong waste segregation at pagsuporta sa ating mga programa. Kita-kits sa mga susunod na papremyo! 💚