Ang Imus Plaza

Ang Imus Plaza Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ang Imus Plaza, National park, Maestro G. Tirona, Imus.

03/02/2024

Nasawi ang isang pulis habang sugatan naman ang isa pa niyang kasamahan matapos salpukin ng isang isang pick-up truck ang police checkpoint na kanilang minamandohan sa Silang, Cavite nitong nagdaang Linggo, Enero 28.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa bahagi ng Barangay Tubuan-Dos bandang alas-3:00 ng madaling araw.

"Well lighted naman ‘yung area… napag-alaman po natin [na] ito pong driver ay positive po sa alcohol breath [test]. Ibig sabihin, nakainom po ‘yung driver. Galing po sila ng Tagaytay… medyo siguro nagkainuman daw po doon sa isang kaibigan tapos pauwi na po sila around 2:40 a.m. nu’ng mangyari ang insidente po,” ani PCPT. Noel Obrador, spokesperson ng Silang Police Station.

Kinilala ang nasawing biktima na si Patrolman John Carl Austria Delyola, 27, na nakatalaga sa 401st A Maneuver Company, RMFB 4A habang kasalukuyan namang nagpapagaling sa ospital si Police Corporal Adriene Atienza.

Samantala, agad namang nadakip ng mga awtoridad ang driver ng pick-up truck na si Jemuelle Bernardo Belen, 22 taong gulang.

Mahaharap ang suspek sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries, damage to property, at violation of Republic Act 10586.

"Sa mga driver po natin, mga motorista, unang-una po, huwag po tayong magmamaneho ng nakainom at marami pong pwedeng mapinsala o madamay. Dahil po sa isang kaapabayaan, malungkot isipin po na mayroon tayong tropa na binawian ng buhay,” paalala ni Obrador.

Source: GMA News




03/02/2024
11/11/2023
16/12/2022
09/12/2022
09/12/2022

IMUS CITY PUBLIC LIBRARY, MULING KINILALA NG NATIONAL LIBRARY OF THE PHILIPPINES

Sa pamamagitan ng programang “Kuwentuhan na sa Plaza . . . Mga Bata Tara Na!”, pinarangalan ng National Library ang Imus City Public Library, sa pangunguna ni Ms. Rosena V. Roman, bilang 1st Place Exemplary Children’s Library Service Awardee noong Biyernes, Oktubre 28.

Ang pagkilala ay tinanggap ni Ms. Roman sa nagdaang 10th Conference on Children and Young Adults Librarianship, kung saan kabilang siya sa mga natatanging librarian na ipinamalas ang kanilang kahusayan sa kanilang propesyon.

07/12/2022
20/09/2022

Dahil po sa pabugso-bugsong pag-ulan na dala ng habagat, ang mga klase sa Pre-School hanggang Senior High School ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Imus ay suspendido mula 12 ng tanghali ngayong araw, September 20, 2022.

Pinapayuhan pong maging alerto at mag ingat ang lahat.

Address

Maestro G. Tirona
Imus
4103

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Imus Plaza posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Ang Imus Plaza:

Share

Category