Cavite Police Provincial Office

Cavite Police Provincial Office The Official page of the PNP Cavite Police Provincial Office - TO SERVE AND PROTECT
(12)

14/06/2026

Cavite PNP Revitalized Pulis sa Barangay (RPSB) Weekly Accomplishment

Patuloy sa paglilingkod at pag-abot ng mga layunin, isang linggo na naman ng tagumpay at progreso para sa RPSB. Sama-sama nating isinusulong ang mas ligtas at mas maayos na komunidad!




Happy Birthday Pat Junior M Esparar!May God continue to bless your life and give you the desires of your heart. We wish ...
14/06/2026

Happy Birthday Pat Junior M Esparar!

May God continue to bless your life and give you the desires of your heart. We wish you good health, happiness and prosperous life!

Birthday greetings from the Men and Women of the Cavite Police Provincial Office.



14/06/2026

KASO SA PAGLABAG SA RA 7610, ARESTADO MATAPOS ANG MALAWAKANG PAGTUGIS

DASMARIÑAS CITY, Cavite — Natapos na ang pagtatago ng isang lalaking kabilang sa Provincial Most Wanted Persons ng Cavite matapos itong arestuhin ng pinagsanib na pwersa ng pulisya sa isinagawang warrant operation sa Barangay Paliparan 1, Dasmariñas City nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala lamang ang suspek sa alyas na si alyas “Alden,” residente ng Carmona City, Cavite. Dakong alas-6:00 ng gabi nang madakip ito sa loob ng UNITOP sa Paliparan 1.

Ayon sa ulat, ang suspek ay nahaharap sa dalawang bilang ng kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5(b) ng Republic Act No. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Isinagawa ang operasyon ng Warrant Section ng Naic Municipal Police Station sa pakikipag-ugnayan sa Tracker Team ng 401st A MC at mga tauhan ng GMA Municipal Police Station.

Batay sa rekord, ang Warrant of Arrest laban sa suspek ay inilabas noong Marso 10, 2026 ng Regional Trial Court Branch 109 sa Carmona, Cavite. May inirekomendang piyansang P200,000 para sa bawat bilang ng kaso.

Matapos ang pagdakip, ipinaalam umano sa suspek ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto at ang kanyang mga karapatan alinsunod sa batas.

Naidokumento rin ang buong operasyon gamit ang Alternative Recording Devices bilang pagsunod sa umiiral na mga polisiya ng Philippine National Police.

Dinala ang akusado sa Naic Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at pansamantalang kustodiya habang hinihintay ang turnover nito sa korte na humahawak ng kaso.

Samantala, iginiit ni Cavite Police Provincial Office Director PCOL Ariel R. Red ang matatag na kampanya ng pulisya laban sa mga krimeng sangkot ang mga bata.

“Ang mga krimeng sumisira sa dangal at kaligtasan ng mga bata ay kabilang sa pinakamabibigat na paglabag sa ating lipunan. Patuloy nating hahabulin ang mga taong nagtatangkang umiwas sa hustisya,” pahayag ni Red.

Patuloy naman ang panawagan ng pulisya sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanagot ang mga taong nasasangkot sa krimen at mapanatili ang kaligtasan ng komunidad.

14/06/2026

WANTED SA KASONG ROBBERY, KALABOSO MATAPOS ANG 8 TAONG PAGTATAGO

IMUS CITY, Cavite – Tuluyan nang bumagsak sa kamay ng batas ang isang lalaking kabilang sa listahan ng City Level Most Wanted Persons matapos itong arestuhin ng mga operatiba ng Imus Component City Police Station sa isinagawang manhunt operation sa Brgy. Pasong Buaya II, Imus City nitong Sabado, Hunyo 13.

Kinilala lamang sa alyas na “Lito” ang suspek na nahuli bandang alas-12:30 ng tanghali sa bisa ng isang warrant of arrest kaugnay ng kasong Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons.

Pinangunahan ng Warrant Section ng Imus CCPS ang operasyon sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLTCOL Chey Chey I. Saulog, Chief of Police ng lungsod, katuwang ang mga tauhan ng 401st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 4A.

Batay sa rekord, ang warrant of arrest laban sa suspek ay inilabas pa noong Oktubre 3, 2018 ng Regional Trial Court Branch 20 sa Imus City. Nagtakda naman ang hukuman ng piyansang nagkakahalaga ng ₱100,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ayon sa pulisya, maayos na ipinaalam sa akusado ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto at ang kanyang mga karapatan sa wikang kanyang nauunawaan.

Ang buong operasyon ay naitala rin gamit ang Alternative Recording Devices alinsunod sa umiiral na patakaran.

Matapos ang pagdakip, dinala ang suspek sa himpilan ng Imus CCPS para sa dokumentasyon at pansamantalang kustodiya bago iharap sa korte na naglabas ng warrant.

Samantala, binigyang-diin ni Cavite Police Provincial Office Director PCOL Ariel R. Red na hindi titigil ang kanilang hanay sa paghahanap at pag-aresto sa mga taong nagtatago sa batas.

14/06/2026

MOTORISTANG NASIRAAN SA DILIM, SINAKLOLOHAN NG PULIS CAVITE

Isang motorista ang nasagip ng mga nagpapatrolyang pulis matapos itong ma-stranded sa madilim na bahagi ng Maple Grove Blvd., Brgy. Bacao 1, madaling-araw ng Biyernes, June 13, 2026.

Ayon sa ulat, bandang 12:17 ng madaling-araw nang biglang tumirik at hindi na umandar ang motorsiklo ng biktima na isang Honda PCX, habang binabagtas ang naturang lugar, na malapit umano sa dating pinangyarihan ng isang insidente ng pamamaril ng riding-in-tandem sa isang motorista.

Dahil sa takot at dilim ng lugar, agad na humingi ng tulong ang motorista nang mapansin ang paparating na mobile patrol ng Gen. Trias City Police Station.

Agad namang rumesponde sina PMSG Marvin S. Panerio at PAT Kyle Joel Adan, na parehong nakadestino sa naturang himpilan.

Sa halip na iwan ang motorista sa gitna ng posibleng panganib, tinulungan pa nila itong igiya ang motorsiklo patungo sa mas ligtas na lugar.

Ayon sa salaysay, inakay pa umano ng dalawang pulis ang motorsiklo at ang motorista hanggang sa makarating sa PNP Sub-Station sa Bacao EPZA, kung saan pansamantalang nakapahinga ang motorista bago tuluyang makauwi patungong Makati.

Lubos ang pasasalamat ng motorista sa mabilis na aksyon ng mga pulis, lalo’t aniya’y nakadama siya ng panganib dahil sa katahimikan at nakaraang insidente sa lugar.

14/06/2026

June 14, 2026
Gospel: Matthew 9: 36 – 10: 8
Reflection: “Compassionate Law Enforcers!”

14/06/2026
13/06/2026

Bible Verse of the Day


13/06/2026
PRESS RELEASE NR. 2026-06-686June 13,2026 (Sunday) Regional Most Wanted Person Arrested in Dasmariñas City for Statutory...
13/06/2026

PRESS RELEASE NR. 2026-06-686
June 13,2026 (Sunday)

Regional Most Wanted Person Arrested in Dasmariñas City for Statutory R**e

Camp BGen Pantaleon Garcia, City of Imus, Cavite – A Regional Level Listed Most Wanted Person facing charges for statutory r**e was arrested by the personnel of Dasmariñas Component City Police Station during the implementation of a warrant of arrest in Dasmariñas City, Cavite on June 13, 2026.

PLTCOL ARTHUR S MERCADER, Chief of Police of Dasmariñas CCPS, identified the suspect as alias "Arnel," 61 years old and presently residing in Dasmariñas City, Cavite.

The accused was apprehended by the warrant personnel implementing a warrant of arrest for the crime of Statutory R**e. The warrant was issued by the Presiding Judge of the Regional Trial Court, Branch 128, Dasmariñas City, dated July 12, 2024, with no bail recommended.

Following the operation, the accused was brought to the custodial facility of Dasmariñas CCPS for proper disposition, while the warrant of arrest will be returned to the court of origin for appropriate documentation.

Provincial Director PCOL ARIEL R RED emphasized that the arrest demonstrates the Cavite PPO's continuing efforts to track down wanted persons and ensure that they are held accountable before the law. He likewise assured the public that Cavite PNP will sustain its intensified campaign against fugitives and remain steadfast in its commitment to preserving peace, order, and public safety throughout the province.

Authority: PCOL ARIEL R RED, Provincial Director, Cavite PPO
Action Officer: PLT SARAH JANE F DRIO, Chief, PPIO
page: Cavite Police Provincial Office



Address

Poblacion 1-A
Imus
4104

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cavite Police Provincial Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Cavite Police Provincial Office:

Share