Barangay Malagasang II-C

Barangay Malagasang II-C SERBISYONG TAPAT
BARANGAY AY UUNLAD

FYI
30/03/2026

FYI

🚨 MISSING PERSON ALERT 🚨Ipinapaalam po sa lahat na ang taong nasa larawan ay kasalukuyang nawawala:Pangalan: SMITH MALIB...
26/03/2026

🚨 MISSING PERSON ALERT 🚨

Ipinapaalam po sa lahat na ang taong nasa larawan ay kasalukuyang nawawala:

Pangalan: SMITH MALIBAGO ZORCA (AJ)
Edad: 28 taong gulang
Katayuan: PWD

📍 Huling Nakitang Kasuotan:
Pulang damit at kulay abong short
Kung sino man po ang may impormasyon tungkol sa kanyang kinaroroonan o nakakita sa kanya, makipag-ugnayan lamang sa mga sumusunod na numero:
📞 09212167843
📞 09504089945

📢 Makikiusap po kami sa inyong lahat na i-share ang post na ito upang mas mapabilis ang paghahanap kay AJ.
Maraming salamat po sa inyong tulong at pakikiisa.

Ang Barangay Malagasang II-C ay aktibong nakibahagi sa isinagawang Earthquake Drill na ipinatupad ng City Disaster Risk ...
12/03/2026

Ang Barangay Malagasang II-C ay aktibong nakibahagi sa isinagawang Earthquake Drill na ipinatupad ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) bilang bahagi ng pagpapalakas ng kahandaan ng komunidad sa oras ng sakuna.

Layunin ng aktibidad na ito na maturuan at maipaalala sa ating mga kabarangay ang tamang gawin kapag may lindol, tulad ng “Duck, Cover, and Hold”, upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.

Patuloy po nating suportahan ang mga programang naglalayong mapanatiling handa at ligtas ang ating komunidad laban sa anumang sakuna.

🌸 PAGDIRIWANG NG WOMEN’S MONTH 🌸Inaanyayahan ang ating mga kabarangay na makiisa sa Women’s Month Celebration na gaganap...
09/03/2026

🌸 PAGDIRIWANG NG WOMEN’S MONTH 🌸

Inaanyayahan ang ating mga kabarangay na makiisa sa Women’s Month Celebration na gaganapin sa Barangay Malagasang II-C

Layunin ng programang ito na kilalanin at ipagdiwang ang mahalagang papel ng kababaihan sa ating komunidad.

📅 Petsa: March 18, 2026 (Miyerkules)
⏰ Oras: 8:00 AM – 11:00 AM
📍 Lugar: Greenpark Villas 2 Basketball Court
🎁 May ipamimigay na Hygiene Kit para sa mga kababaihan edad 15-50yrs old onLy.
📌 Limitado lamang sa 100 participants
📌 First Come, First Serve basis

Inaanyayahan ang lahat ng kababaihan na makiisa sa masayang pagdiriwang na ito. Kita-kits po tayo! 💜

✂️ LIBRENG GUPIT SA BARANGAY MALAGASANG II-C ✂️Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Women’s Month, ang Barangay Malagasang II...
09/03/2026

✂️ LIBRENG GUPIT SA BARANGAY MALAGASANG II-C ✂️

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Women’s Month, ang Barangay Malagasang II-C ay magkakaroon ng Libreng Gupit para sa ating mga kabarangay.

📅 Petsa: March 18, 2026 (Wednesday)
⏰ Oras: 8:00 AM – 11:00 AM
Sino: babae or lalaki na residente ng Brgy Barangay Malagasang II-C
📍 Lugar: Greenpark Villas 2 Basket Ball Court

Inaanyayahan ang lahat ng nais magpagupit na makiisa sa ating munting programa para sa komunidad.

Kita-kits po tayo! 💇‍♀️💇‍♂️

Happening now!COMELEC REGISTRATION sa ating Barangay Malagasang II-C Brgy Hall..Tara na po at magparehistro!Reminder: Ma...
07/03/2026

Happening now!
COMELEC REGISTRATION sa ating Barangay Malagasang II-C Brgy Hall..

Tara na po at magparehistro!

Reminder: Magpa xerox na po kayo ng inyong ID bago pumunta ng Brgy to avoid inconvenience!

Pagdiriwang ng Buwan ng KababaihanAng Barangay Malagasang II-C ay nakikiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month nga...
05/03/2026

Pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan

Ang Barangay Malagasang II-C ay nakikiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong buwan ng Marso. Ito ay pagbibigay-pugay sa lakas, sipag, at mahalagang papel ng mga kababaihan sa ating pamilya, komunidad, at lipunan.

Kaisa ang ating barangay sa pagkilala sa kontribusyon ng bawat babae na patuloy na nagbibigay inspirasyon at nagsisilbing haligi ng ating komunidad.

Sama-sama nating itaguyod ang gender equality at isang inclusive society kung saan bawat babae ay kinikilala, pinahahalagahan, at binibigyan ng pantay na oportunidad.

Mula Marso 1 hanggang 31, 2026, ipagdiwang natin ang lakas, talino, at galing ng bawat kababaihan sa ating komunidad.



PAANYAYA SA MGA KABATAAN NG BARANGAY!Inaanyayahan ang lahat ng kabataang edad 15 hanggang 30 taong gulang na makiisa sa ...
02/03/2026

PAANYAYA SA MGA KABATAAN NG BARANGAY!

Inaanyayahan ang lahat ng kabataang edad 15 hanggang 30 taong gulang na makiisa sa City-Wide Youth Info Caravan 2026: “Bringing City Services Closer to the Youth.”
🗓 Marso 15, 2026 (Linggo)
⏰ 9:00 AM – 12:00 NN

📍 Mandarin Homes 2, katabi ng Barangay Hall ng Malagasang II-B (Cluster 9)
Layunin ng programang ito na ilapit sa kabataan ang mahahalagang serbisyo ng lungsod kaugnay ng edukasyon, kalusugan, trabaho, pamahalaan, at social development. Magkakaroon ng iba’t ibang booths mula sa mga tanggapan ng lungsod at youth-serving organizations upang magbigay ng impormasyon at serbisyo.
Q@
Hinihikayat ang lahat ng estudyante, out-of-school youth, youth leaders, at miyembro ng youth organizations na makilahok.
Tara na at samahan natin ang programang ito para sa mas maunlad at empowered na kabataan! 💚

Fyi mga Ka- Barangay Malagasang II-C 📢ANNOUNCEMENT | RELEASE OF BIRTH CERTIFICATELubos po nating ipinapaabot ang pasasal...
26/02/2026

Fyi mga Ka- Barangay Malagasang II-C

📢ANNOUNCEMENT | RELEASE OF BIRTH CERTIFICATE

Lubos po nating ipinapaabot ang pasasalamat kay Konsehal Atty. Wency Lara sa kanyang patuloy na pagbibigay ng libreng serbisyong legal sa ating mga kabarangay.

Sa pamamagitan ng kanyang tulong at malasakit, matagumpay na naproseso ang Birth Certificate ng mga sumusunod na indibidwal.

• Jovan Celis Manalaysay
• Rohan Jay Bejen Panaligan
• Mika Janel Catbagan Ramos
• Cassandra Saraza Sauquillo

📌 Maaari na pong i-claim ang nasabing mga dokumento sa Malagasang II-C Barangay Hall.
Maraming salamat po.

🏆🌱 Karangalan ng Barangay Malagasang II-C! 🌱🏆Lubos po nating ipinagmamalaki na ang Barangay Malagasang II-C ay kinilalan...
26/02/2026

🏆🌱 Karangalan ng Barangay Malagasang II-C! 🌱🏆

Lubos po nating ipinagmamalaki na ang Barangay Malagasang II-C ay kinilalang Provincial Awardee 2nd Placer sa programang “Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay” (HAPAG) para sa 2nd Semester 2025.

Ang tagumpay na ito ay naisakatuparan sa tulong at aktibong pamumuno ni Konsehal Owie Paredes Committee on Livelihood, kasama ang buong Sangguniang Barangay, Brgy. Chairman Danny Herrera at mga masisipag nating residente. 🌿🥬🍆

Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi at sumuporta!
Patuloy tayong magtanim, magtulungan, at umunlad bilang isang masigla at maunlad na Barangay Malagasang II-C! 💚✨


🎉🎂 Maligayang Kaarawan, Kapitan Danny Herrera  🎂🎉Isang taos-pusong pagbati ng maligayang kaarawan sa aming masipag, maaa...
25/02/2026

🎉🎂 Maligayang Kaarawan, Kapitan Danny Herrera 🎂🎉

Isang taos-pusong pagbati ng maligayang kaarawan sa aming masipag, maaasahan, at mapagkalingang Barangay Chairman. Maraming salamat po sa inyong walang sawang paglilingkod at dedikasyon para sa kapakanan ng ating barangay.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas ng pangangatawan, at karunungan upang maipagpatuloy ang inyong magandang pamumuno. Hiling namin ang mas marami pang taon ng tagumpay at biyaya sa inyong buhay kasama ang inyong pamilya.

20/02/2026

Fyi

Address

Malagasang II-C
Imus
4103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Malagasang II-C posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share