16/09/2023
ANG PAGSISIMULA NG PROGRAMANG MAGBIBIGAY PAG-ASA AT INSPIRASYON
ImuseΓ±o, mayroon ka bang ultimate wish na nais matupad? Para sa iyong anak, kapatid, magulang, o mahal sa buhay?
Narito na ang programang tutupad sa inyong mga kahilingan. Ang magbibigay pag-asa at inspirasyon sa inyong buhay. Ito po ang Wish Cong Lang!
Para makasali, sundin lamang po ang simpleng mechanics:
1. Gumawa po ng liham (letter) na naglalaman ng inyong kahilingan (wish). Sa parehong papel, ilagay po ang inyong buong pangalan, contact number at address.
2. Magpunta po sa Office of the Congressman mula Lunes hanggang Biyernes, alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon at magdala ng photocopy ng inyong valid I.D.
3. Isilid po ang liham at photocopy ng inyong valid I.D. sa envelope na ibibigay ng aming staff at ihulog ito sa dropbox na matatagpuan sa aming tanggapan.
4. Abangan po ang mahalagang anunsyo sa aming page.
Magsisimula po ang paghulog ng liham sa darating na Lunes, September 18 hanggang Biyernes, September 22 sa Congressmanβs Office, 3rd Floor ng ating bagong City Hall.
Wish mo na kaya ang mabibigyang katuparan? Simple man 'yan o engrande, kay Cong AJ, walang imposible!