Liberal Party - Imus City

Liberal Party - Imus City Official page of the Liberal Party - Imus City Chapter

11/03/2026

Delivered a Privilege Speech during the All-Women Session yesterday confronting a truth we often ignore: inaction or silence can be the loudest speaker.

During Women’s Month, many politicians and public personalities speak about women’s empowerment. They preach equality, protest against discrimination, and proclaim loudly to be pro-women.

Pero may ilan sa kanila na hindi naman isinasabuhay ang sinasabi—mga doble-kara. Performative statements lang pala ang kanilang mga pahayag. Mayroon ding mga mababantot lang talaga ang bunganga. Meron pang mga mambabatas na ‘mambabastos.’

There is also a kind of leader who does not speak, yet her silence effectively disrespects women and diminishes her office. Kahit siya mismo ay babae, kahit siya mismo ang pangalawang pinakamataas na opisyal ng ating bansa. Yan ang nakaririnding katahimikan ni VP Sara.

Bakit naaatim niya na manahimik kahit inaalipusta na ang mga babaeng gaya nya. Dahil ba ang mga sinabi ay sa konteksto ng pagtatanggol sa kanya? Isn’t the dignity of women far more important to her than personal or partisan interests? Isn’t decency in public discourse weightier than political theatrics in pursuit of presidential ambition?

Yan din ang kapansin-pansin na pananahimik niya sa panggigipit sa ating mga kababayan at pananakop ng China sa West Philippine Sea, sa malinaw na inciting to sedition na ginawa ng kanyang tatay sa isang rally sa Davao at sa iba pang malalaking isyu sa bansa.

This is the sound of Sara’s silence.

It is not enough to merely call out this silence. That silence itself reflects her character and the kind of leader she really is. Ito ba ang nagnanais na maging Pangulo ng bansa?

May “tapang at malasakit” daw sa maraming isyu, pero tikom ang bibig pagdating sa mga usapin ng dignidad ng kababaihan, soberanya ng sariling bansa, at pangingibabaw ng batas.

Mahalagang hamunin at singilin natin ang ating mga pinuno kapag mali ang kanilang gawa, baluktot ang salita, at tahimik kapag kailangan nilang magsalita.

Belated International Women’s Day. Happy Women’s Month. Mabuhay ang kababaihan at lahat ng mga maka-kababaihan. ✊🏼

WALA DAPAT PASOK BUKAS! Dapat ideklarang regular non-working holiday taon-taon ang Pebrero 25 bilang pagpapahalaga at pa...
24/02/2026

WALA DAPAT PASOK BUKAS!

Dapat ideklarang regular non-working holiday taon-taon ang Pebrero 25 bilang pagpapahalaga at paggunita sa makasaysayang EDSA People Power Revolution. 'Yan ang panawagan natin sa inihain nating panukalang batas ngayong araw.

Our co-authors are our fellow Liberal Party (LP) lawmakers—Reps. Egay Erice, Adrian Michael Amatong, Jaime Fresnedi, and Alfonso Umali Jr.

We thank Kiko Aquino Dee, who is also an LP member, for joining us in filing this meaningful measure for our history and national identity.

Hindi lang ito tungkol sa pagdeklara ng isang petsa bilang holiday. Paggunita ito sa kabayanihan ng sambayanang lumaban sa mapaniil na diktadura, at sa sakripisyo ng libo-libong biktima ng Martial Law. Pagpupugay ito sa mga Pilipinong buong tapang na humarap sa mga tangke at baril ng mga sundalo at di-inalintana ang banta ng karahasan para mabawi ang demokrasya.

Sa panahong laganap ang historical revisionism, itinataguyod ng panukalang ito ang katotohanan. Sandata natin ito laban sa pagbaluktot ng kasaysayan.

Ipasa kaagad ang HB No. HB 8028! Tuloy ang laban ng EDSA! ✊🇵🇭

Together with members of the clergy led by Fr. B**g Sarabia and Fr. Joel Saballa, and lawyers led by Atty. Amando Liguta...
09/02/2026

Together with members of the clergy led by Fr. B**g Sarabia and Fr. Joel Saballa, and lawyers led by Atty. Amando Ligutan, we once again endorsed an impeachment complaint against VP Sara Duterte.

Ang mga grounds na inilatag sa pangatlong impeachment complaint na ito ay hindi nalalayo sa una nating inendorso. Hindi rin ito nalalayo sa grounds ng complaint na inaprubahan ng more than 1/3 of the House of Representatives at isinumite sa Senado noong nakaraang taon. Naniniwala po tayo na sufficient in form and substance ito at nararapat na umusad sa House Justice Committee para magsagawa ng evidentiary hearing.

It is the moral obligation of the members of Congress to perform our constitutional duty to scrutinize serious corruption allegations against the Vice President and to evaluate the evidence.

Sa impeachment, kailangang tukuyin kung ano ang totoo at ang pananagutan ng mga naglustay sa kaban ng bayan at umabuso sa kanyang mandato, gaano man kataas ang kapangyarihan. Noong nakaraang taon pa dapat nilitis si VP Sara, kung hindi lang na-dismiss ng Korte Suprema ang impeachment complaint laban sa kanya dahil sa teknikalidad. Hindi pwedeng sagutin o ilihis ang mabibigat na alegasyong bilang “pamomolitika” lang.

Pagpupugay sa mga bagong halal na opisyal ng Partido Liberal ng Pilipinas! 🇵🇭Sa isinasagawang National Executive Council...
24/01/2026

Pagpupugay sa mga bagong halal na opisyal ng Partido Liberal ng Pilipinas! 🇵🇭

Sa isinasagawang National Executive Council and Officers (NECO) meeting ng Partido Liberal ngayong araw sa Bantayog ng mga Bayani, naihalal na ang mga bagong opisyales ng ating partido:

- Rep. Leila de Lima, Party Chairperson
- Atty. Erin Tañada, Party President
- Cong. Krisel Lagman, Party Executive Vice President
- Cong. PA Umali, Party Treasurer
- Atty. Kit Belmonte, Party Secretary-General

Itinalaga rin ng ating NECO si Senador Francis Kiko Pangilinan bilang Party Chair Emeritus.

Mabuhay ang Liberal! Hindi pasisiil! ✊🏻

𝗘𝗻𝗱 𝗩𝗶𝗼𝗹𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗔𝗴𝗮𝗶𝗻𝘀𝘁 𝗪𝗼𝗺𝗲𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱𝗿𝗲𝗻! 🖐🏼Despite over two decades since the enactment of Republic Act No. 9262 or the ...
18/01/2026

𝗘𝗻𝗱 𝗩𝗶𝗼𝗹𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗔𝗴𝗮𝗶𝗻𝘀𝘁 𝗪𝗼𝗺𝗲𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱𝗿𝗲𝗻! 🖐🏼

Despite over two decades since the enactment of Republic Act No. 9262 or the “Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004”, violence against women and children remains pervasive.

In filing House Resolution No. 641, we aim to address gaps in the implementation of RA 9262 and propose necessary amendments to ensure better protection for women and their children.

Bukod sa pagpapalakas ng batas para sa higit na pagpapanagot sa mga abusado, layunin nating bigyan ng lakas at dagdag pang proteksyon ang mga kababaihan at kabataan; nang hindi sila matakot na ipagtanggol ang sarili mula sa karahasan, at sama-samang manindigan para sa kanilang mga karapatan.

Binabati namin ng isang mapagpalang Bagong Taon ang lahat ng Pilipino, sa loob at labas ng bansa. ✨Kasama niyo kami pala...
01/01/2026

Binabati namin ng isang mapagpalang Bagong Taon ang lahat ng Pilipino, sa loob at labas ng bansa. ✨

Kasama niyo kami palagi sa laban para sa mas mapayapa, mas maunlad, at mas makatarungang Pilipinas. 🇵🇭

Mula po sa ML Partylist at kay ML Rep. Leila de Lima, taos-pusong pagbati ng Maligayang Pasko sa bawat pamilyang Pilipin...
25/12/2025

Mula po sa ML Partylist at kay ML Rep. Leila de Lima, taos-pusong pagbati ng Maligayang Pasko sa bawat pamilyang Pilipino!🎄❤️

Sa harap ng mga salo-salo at pagdiriwang, nawa'y lagi po nating alalahanin at isabuhay ang diwa ng Pasko—araw ng kapanganakan ni Hesukristo: ang pananampalataya, pagmamahalan, pagbibigayan, at malasakit sa isa't isa.

Merry Christmas po sa lahat! ☺️

21/12/2025

Panoorin: Inamin ni Rodante Marcoleta: may donor, walang deklarasyon. Paglabag sa RA 7166, Sec. 14 — obligadong ideklara ang lahat ng campaign contributions sa SOCE.

𝐌𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐎 𝐂𝐨𝐚𝐥𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐫𝐞𝐥𝐚𝐮𝐧𝐜𝐡𝐞𝐝, 𝐁𝐢𝐥𝐥 𝐭𝐨 𝐬𝐞𝐭 𝐮𝐩 𝐓𝐫𝐮𝐭𝐡 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐧 𝐄𝐉𝐊𝐬 𝐟𝐢𝐥𝐞𝐝! ✊In celebration of Human Rights Defenders D...
11/12/2025

𝐌𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐎 𝐂𝐨𝐚𝐥𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐫𝐞𝐥𝐚𝐮𝐧𝐜𝐡𝐞𝐝, 𝐁𝐢𝐥𝐥 𝐭𝐨 𝐬𝐞𝐭 𝐮𝐩 𝐓𝐫𝐮𝐭𝐡 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐧 𝐄𝐉𝐊𝐬 𝐟𝐢𝐥𝐞𝐝! ✊

In celebration of Human Rights Defenders Day, and on the eve of International Human Rights Day, we—together with fellow lawmakers from both Houses of Congress across party lines—relaunched the Mambabatas para sa Karapatang Pantao (MAKATAO) Coalition to push for legislation promoting human rights.

Kasama po natin dito na magsusulong ng mga batas para sa karapatang pantao sina Sen. Bam Aquino, Sen. Kiko Pangilinan, Reps. Zia Alonto Adiong, Kaka Bag-ao, Lorenz Defensor, Egay Erice, Krisel Lagman, Jinky Bitrics Luistro, Bella Suansing, Boy Umali, Akbayan Reps. Chel Diokno, Perci Vilar Cendana at Dadah Ismula, Kamanggagawa Partylist Rep. Eli San Fernando, at Makabayan bloc Reps. Tonchi Tinio, Sarah Elago, at Renee Co. Tiwala po tayo na marami pa tayong makakasama sa inisyatibang ito.

Kasabay nito, inihain din natin ngayong araw ang House Bill No. 6686 o “Truth Commission on Extrajudicial Killings Act” na bahagi ng priority legislative agenda natin sa MAKATAO.

This measure, which was crafted in consultation with the Human Rights and People Empowerment Center (HRPEC), seeks to create an independent truth commission mandated to investigate EJKs in the country, uncover their causes, patterns, and consequences, complement existing accountability mechanisms such as the Ombudsman, DOJ, CHR, and the courts, as well as recommend institutional reforms to guarantee that such violations never happen again.

Malinaw ang hangad natin: Matukoy ang buong katotohanan sa pagpatay sa libo-libong Pilipino, kasama ang mga walang kalaban-laban at inosenteng bata. Makakamit lang natin ang tunay na hustisya at paghilom sa pagpapanagot sa lahat ng pasimuno at sangkot sa pamamaslang sa ilalim ng pekeng War on Drugs.

21/10/2025

CLTG Builders: Sino ang nasa likod?
Ang CLTG ay nangangahulugang Christopher Lawrence Tesoro Go — tunay na pangalan ni Sen. B**g Go, acronym at pangalan ng kumpanyang pag-aari ng pamilya ni Sen. B**g Go. Sa ilalim ng administrasyong Duterte, ang kumpanyang ito ay nakakuha ng bilyon-bilyong kontrata mula sa gobyerno.

🔍 B**g Go vs. B**g Go:
Balikan natin ang ilang pagkakataon kung saan tila nagkontrahan ang mga pahayag ni B**g Go sa sarili niya — lalo na tungkol sa “reward system” at mga alegasyon ng extra-judicial killings (EJKs) mula 2016 hanggang 2022.

All credits belong to the rightful owner.

Address

Imus
4103

Telephone

+639298261619

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Liberal Party - Imus City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Liberal Party - Imus City:

Share