28/04/2026
Ayon sa PAGASA Heat Index Forecast, posibleng umabot sa 44°C ang heat index sa Sangley Point, Cavite City ngayong araw! ☀️🥵
Ibig sabihin, mas ramdam ang init kumpara sa aktwal na temperatura dahil sa kombinasyon ng init ng araw at halumigmig sa hangin.
⚠️ PAALALA SA PUBLIKO:
• Iwasan ang matagal na pagbilad sa araw
• Uminom ng maraming tubig 💧
• Magsuot ng preskong damit
• Iwasan ang heavy outdoor activities lalo na sa tanghali
• Bantayan ang sintomas ng heat exhaustion (pagkahilo, pagsusuka, panghihina)
💡 Ang sobrang init ay maaaring magdulot ng heat stroke kung hindi mag-iingat.
Mag-ingat po ang lahat lalo na sa mga bata, matatanda, at may karamdaman. Stay hydrated at stay safe, Caviteños!