Carsadang Bago 1

Directions

Carsadang Bago 1 Official page of Brgy. Carsadang Bago 1, City of Imus, Cavite

02/10/2026

Schedule for validation Set 14 ng Pantawid pamilyang pilipino program (4p's)
KUNG KUMPLETO NA PO KAYO NG REQUIREMENTS.

October 5,2026
October 14,2026
8:00am to 4:00pm
Eto po ang mga dadalin:
1. Birth Certificate ng family members
2. Marriage Certificate ng mag-asa kung kasal. Brgy. Certificate of Common-Law for ndi kasal.
3. School Certificate ng mga bata, kung wala ay ID and report card.
4. Health Certificate kung may bata na 0-5 years old or kung buntis.
6. National ID ng pamilya. Kung wala pang id ay ang transaction slip galing sa PSA.
7. 2x2 picture white background para sa landbank and 1x1 para sa ID
8. Folder Long kagaya ng sa Case folder natin.
9. Family Picture para sa case folder.
Original and Xerox po ang dala. 2 copies ang mga xerox ng 1-6 requirements.
Kung may tanong po ay pumunta lamang sa opisina ng Barangay Carsadang Bago 1 at hanapin si Marinel Balona.
(di po pwede incomplete ang requirements lalo ang National ID)
Maraming Salamat po.

List of Eligible Beneficiaries For Special Registration Set 14

1. April Malinao Sucia
2. Elmira Samilin Datu
3. Marlyn Tempog Casimero
4. Wendy Gruspe Teodoro
5. Ma. Teresa Villarino Fernandez
6. Edwina Mariano Naciongayo
7. Aizel MalananAlbilar
8. Rolando Esguerra Gados
9. Carosina Meneses Alejo
10. Robert Bacani Toxas
11. Rey Caraqueou Cebosa
12. Arnulfo Cahig Fausto

TINGNAN: Pagsasaayos ng mga Bottle Bin at Material Recovery FacilityPatuloy ang mga hakbang ng Barangay Carsadang Bago U...
01/10/2026

TINGNAN: Pagsasaayos ng mga Bottle Bin at Material Recovery Facility

Patuloy ang mga hakbang ng Barangay Carsadang Bago Uno para sa mas maayos at malinis na kapaligiran sa pamamagitan ng repair at repainting ng mga bottle bin at Material Recovery Facility (MRF) sa ating barangay.

Layunin nitong mapanatiling maayos at magamit nang wasto ang mga pasilidad na nakalaan para sa paghihiwalay, pagkolekta, at tamang pagtatapon ng mga bote at iba pang recyclable materials.

Hinihikayat ang bawat kabarangay na makiisa sa wastong segregation at pangangalaga sa ating mga pasilidad. Sama-sama nating panatilihing malinis at maayos ang ating komunidad. β™»οΈπŸ’š

TINGNAN: Mas Maayos at Ligtas na Daanan para sa Ating mga Mag-aaralBilang tugon sa mga hinaing ng mga magulang, mag-aara...
29/09/2026

TINGNAN: Mas Maayos at Ligtas na Daanan para sa Ating mga Mag-aaral

Bilang tugon sa mga hinaing ng mga magulang, mag-aaral, at mga residente hinggil sa mga nakaharang at kalat sa sidewalk malapit sa Carsadang Bago Elementary School, isinagawa ang paglilinis at pagsasaayos ng nasabing lugar sa pangunguna ni Kap. Laila P. Cubillo, kasama ang bumubuo ng Sangguniang Barangay.

Layunin nitong maibalik ang maayos na paggamit ng sidewalk at magkaroon ng mas ligtas at maluwag na daanan para sa mga mag-aaral, magulang, at iba pang pedestrian, lalo na sa oras ng pasok at uwian.

Patuloy na nakikinig at kumikilos ang barangay para sa kaayusan, kaligtasan, at kapakanan ng ating komunidad.

TRAFFIC ADVISORYKasalukuyang nakakarananas ng mabigat na daloy ng trapiko sa mga karatig lugar ng Imus Boulevard dahil s...
15/09/2026

TRAFFIC ADVISORY

Kasalukuyang nakakarananas ng mabigat na daloy ng trapiko sa mga karatig lugar ng Imus Boulevard dahil sa pagsasara ng kalsada sa may bahagi ng Labanan sa Alapan Rotunda dahil na nasirang poste ng Meralco sa nasabing lugar.

Inaabisuhan ang publiko na humanap muna ng alternatibong ruta dahil sarado pa rin ang bahagi ng kalsada para sa kaligtasan ng lahat.

31/08/2026

Sa bawat lupang malaya nating tinatayuan, sa bawat watawat na buong pagmamalaki nating itinataas, buhay at sakripisyo ng ating mga bayani ang naging daan upang makamit natin ang kalayaang tinatamasa ngayon.

Ngayong Araw ng mga Bayani, buong puso po nating inaalala at pinararangalan ang mga Pilipinong nag-alay ng buhay at pagmamahal para sa Inang Bayan. Ang kanilang kabayanihan ay mananatiling inspirasyon upang ipagpatuloy natin ang pagtatanggol at pagmamahal sa ating bayan.

Mabuhay ang ating mga bayani! Mabuhay ang Pilipinas! πŸ‡΅πŸ‡­

πŸ”΄ β€Žπ‡π„π€π•π˜ π‘π€πˆππ…π€π‹π‹ π–π€π‘ππˆππ† πŸ”΄Itinaas sa Red Heavy Rainfall Warning ang Lungsod ng Imus, ayon sa inilabas na Heavy Rainfall...
29/08/2026

πŸ”΄ β€Žπ‡π„π€π•π˜ π‘π€πˆππ…π€π‹π‹ π–π€π‘ππˆππ† πŸ”΄

Itinaas sa Red Heavy Rainfall Warning ang Lungsod ng Imus, ayon sa inilabas na Heavy Rainfall Warning No. 15 ng PAGASA ngayong Agosto 29, 2026, 11:00 A.M. dahil sa Habagat.

Sa ngayon ay nakakaranas tayo ng malalakas na hangin at ulan sa ating barangay. Mag-iingat po tayong lahat at maging alerto sa mga susunod na oras.

π—Ÿigtas, 𝗔lerto, π—œngat!

Address

Carsadang Bago I
Imus
4103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Carsadang Bago 1 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share