15/05/2026
🌽 Retooling on SCOPSA Training | May 13-15 2026 🌽
Matagumpay na naisagawa ang 3 araw na SCOPSA (Sustainable Corn Production in Sloping Areas) Retooling Training sa Brgy. Quinabonglan, Maayon, Capiz na nilahukan ng mahigit 40 na magsasaka ng mais mula sa nasabing lugar.
Ang aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng programa ng Department of Agriculture – Corn Program na may layuning palakasin ang kapasidad ng mga magsasaka sa sustainable corn production technologies at wastong pamamahala ng maisan sa mga sloping areas. Tinalakay sa pagsasanay ang mga estratehiya upang mabawasan ang soil erosion, mapanatili ang soil fertility, maprotektahan ang kapaligiran, at mapataas ang produktibidad at kita ng mga magsasaka.
Kasabay nito, hinikayat din ang mga magsasaka na aktibong suportahan at isakatuparan ang mga teknolohiyang isinusulong ng SCOPSA at DA Corn Program upang maisulong ang mas produktibo, matatag, at sustenableng produksyon ng mais sa kanilang komunidad. 🌱🌽