06/09/2026
𝐓𝐨𝐩 𝟑 𝐂𝐢𝐭𝐲-𝐋𝐞𝐯𝐞𝐥 𝐌𝐨𝐬𝐭 𝐖𝐚𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐬𝐬𝐢 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐒𝐢𝐧𝐢𝐥𝐛𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐢𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐖𝐚𝐫𝐫𝐚𝐧𝐭
ILOILO — Isang panibagong warrant of arrest ang naisilbi laban sa Top 3 City-Level Most Wanted Person ng Passi City habang nakakustodiya sa BJMP sa Barangay Sablogon, Passi City, dakong alas-2:55 ng hapon noong Setyembre 5, 2026.
Kinilala ang akusado sa alyas na “Lester,” 30 taong gulang, may asawa, at residente ng Barangay Bacuranan, Passi City, Iloilo.
Isinilbi ng Tracker Team ng Passi City Police Station ang Warrant of Arrest para sa kasong Grave Threats in relation to Sections 28(A) and 29 of Republic Act No. 10591, o Comprehensive Fi****ms and Am******on Regulation Act.
Ang warrant ay inilabas noong Agosto 26, 2026 ng Regional Trial Court, Sixth Judicial Region, Branch 68, Dumangas, Iloilo, na may inirekomendang piyansa na PhP120,000.00.
Nananatili ang akusado sa kustodiya ng BJMP, Passi City para sa kaukulang disposisyon.
“Ang pagsisilbi ng warrant, kahit ang akusado ay nasa kustodiya na, ay mahalagang bahagi ng due process at pagpapanagot sa ilalim ng batas. Patuloy nating titiyakin na ang bawat umiiral na warrant ay maipatutupad nang maayos at naaayon sa legal na proseso,” ani PBGen Randulf T Tuaño, Regional Director ng Police Regional Office 6.
Ang tagumpay na ito ay bahagi ng patuloy at pinaigting na kampanya ng PRO6 laban sa mga wanted persons, alinsunod sa RESPONSIVE, TRUSTED, and TRANSFORMATIVE POLICING na naglalayong mapanatili ang kaayusan, seguridad, at kapayapaan sa buong Western Visayas.
Kaakibat nito ang bisyon ng Philippine National Police na “BAGONG PNP PARA SA BAGONG PILIPINAS: SERBISYONG MABILIS, TAPAT, AT NARARAMDAMAN,” sa ilalim ng pamumuno ni Police General Jose Melencio C Nartatez Jr., Chief, PNP.
(PNP-RPIO6)
#𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗶𝘃𝗲𝗧𝗿𝘂𝘀𝘁𝗲𝗱𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗶𝗻𝗴
#𝗧𝗼𝗦𝗲𝗿𝘃𝗲𝗮𝗻𝗱𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁
#𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗣𝗡𝗣𝗽𝗮𝗿𝗮𝗦𝗮𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀