05/09/2026
𝐏𝐑𝐎𝟔 𝐃𝐫𝐮𝐠 𝐒𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐬𝐬𝐢 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐍𝐚𝐠𝐫𝐞𝐬𝐮𝐥𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐡𝐏𝟏.𝟏𝟓𝟔-𝐌 𝐒𝐡𝐚𝐛𝐮 𝐒𝐞𝐢𝐳𝐮𝐫𝐞; 𝟐 𝐀𝐫𝐞𝐬𝐭𝐚𝐝𝐨
ILOILO — Isang High-Value Individual (HVI) at isang Street-Level Individual (SLI) ang naaresto matapos makumpiska ang humigit-kumulang 170 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na PhP1,156,000.00 sa isang buy-bust operation sa Barangay Tubod, Passi City, Iloilo, dakong alas-9:30 ng gabi noong Setyembre 4, 2026.
Naaresto ang pangunahing target na si alyas “CJ,” 34 taong gulang, walang trabaho, residente ng Passi City, at itinuturing na HVI; at ang kanyang live-in partner na si alyas “Dan,” 24 taong gulang, walang trabaho, tubong Leganes, Iloilo, at kasalukuyang residente ng Passi City, na itinuturing namang SLI.
Batay sa imbestigasyon, dati nang nakulong si alyas “CJ” dahil sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga at nakalaya noong Pebrero 2025 sa pamamagitan ng plea bargaining.
Bago isinagawa ang operasyon, mahigit isang buwang nagsagawa ang mga operatiba ng intelligence monitoring, target validation, surveillance, at information development kaugnay sa umano’y ilegal na aktibidad ng mga suspek sa Passi City at mga karatig na lugar.
Sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Passi City Police Station (CPS), nakumpiska ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na nagsilbing buy-bust items at 11 malalaking sachet ng hinihinalang shabu na narekober mula sa posesyon ng mga suspek. Nasamsam din ang buy-bust money at iba pang non-drug items.
Mahaharap ang dalawang suspek sa kaukulang kaso dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Para kay Police Brigadier General Randulf T Tuaño, Regional Director ng PRO6, ang pagkakakumpiska ng malaking halaga ng hinihinalang shabu ay mahalagang hakbang upang maputol ang daloy ng ilegal na droga bago pa ito makarating sa mga komunidad.
“Ang bawat matagumpay na operasyon laban sa ilegal na droga ay isang mahalagang hakbang upang maprotektahan ang ating mga komunidad. Hindi lamang ang mga nasa lansangan ang ating tinututukan. Patuloy nating tinutukoy ang kanilang mga pinagmumulan, koneksyon, at mga network na nagpapalaganap ng ilegal na droga,” pahayag ni PBGen Tuaño.
“Sa pamamagitan ng matibay na intelligence work, masusing validation, at maayos na koordinasyon ng ating mga yunit, mas nagiging epektibo ang ating mga operasyon. Ang ating layunin ay hindi lamang manghuli, kundi tuluyang putulin ang supply chain ng ilegal na droga upang hindi na ito makarating sa ating mga pamilya at kabataan,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin ng PRO6 na ang resulta ng operasyon ay nagpapakita ng kahalagahan ng intelligence-driven policing, tuloy-tuloy na monitoring, target validation, at koordinasyon ng mga operating at intelligence units sa kampanya laban sa ilegal na droga.
Sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Tuaño, patuloy na paiigtingin ng PRO6 ang intelligence-driven at coordinated operations upang mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan, kasabay ng pagsusulong ng RESPONSIVE, TRUSTED, and TRANSFORMATIVE POLICING for a Safer Western Visayas.
(PNP-RPIO6)
#𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗶𝘃𝗲𝗧𝗿𝘂𝘀𝘁𝗲𝗱𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗶𝗻𝗴
#𝗧𝗼𝗦𝗲𝗿𝘃𝗲𝗮𝗻𝗱𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁
#𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗣𝗡𝗣𝗽𝗮𝗿𝗮𝗦𝗮𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀