26/05/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐ญ๐ก ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง, ๐๐ง๐๐ฉ๐ซ๐ฎ๐๐๐ก๐๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ฌ๐ค๐๐ฒ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง; ๐๐๐ค๐๐ฌ๐๐ฒ๐ฌ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐๐๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐๐ก๐ข๐ ๐ข๐ญ ๐๐ ๐๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐ค๐ข๐ค๐ข๐๐๐ค๐
Iloilo City โ Pormal nang pinagtibay ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa pamamagitan ng 10th Commission na pinamumunuan ni Secretary and Chairperson Nancy Catamco, ang pag-apruba sa aplikasyon para sa Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) ng Eskaya Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs) ng lalawigan ng Bohol, bilang pagkilala sa kanilang karapatan sa lupaing ninuno alinsunod sa Republic Act No. 8371 o Indigenous Peoplesโ Rights Act (IPRA).
Aktibong lumahok sa En Banc deliberation ang mga Komisyoner na sina Rhodex Valenciano, Marie Grace Pascua, Alex Centena, Purisimo Tiam, Datu โAmarilloโ Marcelo Alejo Jr., at Alberto Lagamon, na sama-samang tumalakay at umantabay sa pag-usad ng aplikasyon ng Eskaya CADT.
Sa deliberasyon, ipinahayag ni Commissioner Rhodex Valenciano ang kanyang buong suporta sa hangarin ng Eskaya ICCs/IPs na makamit ang kanilang CADT na binubuo ng humigit-kumulang 3,106.3839 hectares. Samantala, binigyang-diin naman ni Commissioner Alex Centena ang kahalagahan ng pagpapatibay sa aplikasyon bilang pagkilala na natugunan nito ang mga kinakailangang legal at procedural requirements.
Nagpahayag din ng kanilang pagsang-ayon at suporta ang iba pang miyembro ng 10th Commission, na kalaunan ay humantong sa opisyal na pag-apruba ng En Banc sa Eskaya CADT application. Ito ay nagsisilbing mahalagang pagkilala sa karapatan ng Eskaya ICCs/IPs sa kanilang ancestral domain, alinsunod sa umiiral na batas at mga kinakailangang dokumento para sa post-approval issuance process.
Matapos ang anunsyo, nagpahayag ng labis na tuwa at emosyonal na pasasalamat ang mga kinatawan ng Eskaya ICCs/IPs na dumalo sa deliberasyon, maging ang mga sumubaybay online. Marami ang naantig sa makasaysayang desisyong ito na, ayon sa kanila, ay matagal nang hinihintay na pagkilala sa kanilang identidad, kultura, at lupang ninuno.
Nagpasalamat din si Princess Oral, Regional Director ng NCIP Region VII, sa Commission En Banc para sa positibong aksyon kaugnay ng aplikasyon ng Eskaya ICCs/IPs. Tiniyak niya ang patuloy na suporta ng Regional Office sa mga susunod na hakbang, kabilang ang kompletong dokumentasyon, koordinasyon sa mga kaukulang ahensya, at pagpapadali sa pormal na pag-isyu ng CADT.
Sa loob ng mahigit tatlong dekada, patuloy na ipinaglaban ng Eskaya ICCs/IPs ang pormal na pagkilala sa kanilang lupang ninuno. Sa ilalim lamang ng 10th Commission ng NCIP tuluyang naaprubahan ang kanilang CADT application na isang makasaysayang tagumpay sa kanilang matagal na pakikibaka para sa karapatan at pagkilala bilang mga katutubo sa ilalim ng IPRA.
Bilang pagtatapos, nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang komunidad ng Eskaya sa buong Komisyon, lalo na kay Secretary Nancy Catamco, na kanilang itinuring na naging instrumento sa pagkamit ng makasaysayang pagkilala sa kanilang karapatan bilang mga katutubo ng Bohol.
โ๐๐๐จ๐๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐ช๐ฉ๐ช๐๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐ฃ: ๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐๐๐ฃ๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ช๐ฃ๐ก๐๐ง๐๐ฃโ