03/06/2026
MGA DAPAT MALAMAN SA PSA PREMIUM ANNOTATION (PA) SERVICE
Ano nga ba ang Premium Annotation (PA) ng PSA?
Ito ay ang mas mabilis na serbisyo para sa paglalagay o pag-update ng impormasyon (annotation) sa iyong birth, marriage, o death certificate.
Pinapabilis nito ang proseso kumpara sa regular na serbisyo upang matugunan ang mga agarang pangangailangan sa trabaho, pag-aaral, travel, o legal na usapin.
Anu-ano ang maaaring i-proseso?
Maaaring mag-apply ng Premium Annotation para sa mga sumusunod na dokumentong may certificate of finality na mula sa inyong Local Registry Office:
β’ RA 9048 - Pagwawasto ng clerical error o pagpapalit ng unang pangalan (first name).
β’ RA 10172 - Pagwawasto ng buwan o araw ng kapanganakan, at kasarian (s*x).
β’ Supplemental Reports: Paglagay ng mga kulang o blangkong impormasyon sa orihinal na dokumento.
β’ Court Decrees (CD) - Mga utos mula sa korte (halimbawa : Annullment, Adoption).
β’ Legal Instruments (LI) - Mga legal na kasulatan (halimbawa: Affidavit of Legitimation, Affidavit to Use the Surname of the Father).
MAGKANO?
255 PESOS
TAGAL NG PROSESO?
Ang annotated document printed in Security Paper ay mare-release sa loob ng Ten (10) working days matapos ang application.
PAANO MAG-APPLY?
1. Humingi ng kumpletong set ng mga dokumento ng petisyon sa Local Civil Registry Office (LCRO).
2. Mag-book ng online appointment sa https://crs-appointment.psahelpline.ph/
3. Pumunta sa CRS Outlet Iligan na matatagpuan sa Barnuevo Bldg. Badelles St. Pala-o Extension o sa pinakamalapit na CRS Outlet sa inyong lugar:
o Fill-upan ang application form.
o Kumuha ng queue ticket (numero sa pila) para sa Premium Annotation.
o Pumunta sa PA lane para sa screening (pagsusuri ng mga dokumento).
o Kung kumpleto ang mga dokumento, bayaran ang kaukulang bayad (P255).
o Ipadala ang mga sinuring dokumento gamit ang courier.
o Bumalik sa CRS Outlet at ibigay ang courier tracking number.
4. Maghintay ng text message na nagbibigay-alam na maaari nang kunin ang mga annotated na dokumento sa CRS Outlet.
TRACK YOUR REQUEST
Maaari mong itrack ang iyong dokumento online sa PSA Serbilis ( www.psaserbilis.com.ph ) gamit ang mga detalye ng iyong transaction stub, at makakatanggap ka ng mga update sa text kapag handa na ang kopya sa security paper (SECPA).