15/06/2026
ππππ ππ πππππππ: πππππππ 300 πππππππππ ππ πππππππππ ππ πππππππππ, ππππππ ππ ππππππππππ πππππππππππππ ππ ππππππππππ πππππ ππππππππππππ
Hindi hadlang ang distansya upang maihatid ang serbisyong pangkalusugan sa bawat mamamayan. Sa pamamagitan ng PuroKalusugan Strategy at PhilHealth YAKAP Registration, matagumpay na naihatid ng Department of Health-Cagayan Valley Center for Health Development (DOH-CVCHD), katuwang ang mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno, ang mga mahahalagang serbisyong pangkalusugan at panlipunan sa mga bayan ng Divilacan at Maconacon, Isabela noong Hunyo 8-10, 2026.
Sa ilalim ng temang βShore to Care: Alon ng Serbisyo Hatid ng PuroKalusugan,β mahigit 300 residente ng Divilacan at Maconacon ang nabigyan ng mga serbisyong pangkalusugan at panlipunan, kabilang ang mahigit 200 miyembro ng Agta at iba pang Indigenous Peoples (IP) communities mula sa Brgy. Dimapula at Dimasalansan sa Divilacan at Brgy. Reina Mercedes sa Maconacon.
Kabilang sa mga serbisyong naihatid ay ang:
β
Medical consultations at health assessment/screening
β
Health education at Information, Education and Communication (IEC) sessions
β
PhilHealth YAKAP Registration
β
Water, Sanitation and Hygiene (WASH) advocacy
β
PuroKalusugan advocacy at community mobilization
β
Pamamahagi ng mga gamot at bitamina
β
Paglulunsad ng mga bagong PuroKalusugan sites sa Brgy. Dimasalansan at Dimapula
Ang mga bagong PuroKalusugan sites ay magsisilbing mahalagang daan upang mas mapadali ang pag-access ng mga residente sa mga pangunahing serbisyong pangkalusugan at panlipunan. Patunay ito na sa pamamagitan ng mas pinaigting na koordinasyon, bayanihan, at whole-of-government approach, walang komunidad ang maiiwan sa pagsusulong ng Universal Health Care.
Mula baybayin hanggang kabundukan, patuloy na umaabot ang kalinga at serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino.