Liga ng Mga Barangay Isabela Chapter

Liga ng Mga Barangay Isabela Chapter Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Liga ng Mga Barangay Isabela Chapter, Government Website, Alibagu, Ilagan.

18/04/2026

Sa pamamagitan ng LNC No. 2026-007B, naglabas ng energy conservation protocols ang Liga ng mga Barangay sa Pilipinas bilang suporta sa pambansang polisiya sa pagtitipid ng enerhiya at responsableng paggamit ng pondo ng gobyerno.

Mga pangunahing hakbang:
1. Pagtitipid sa kuryente sa opisina (aircon sa 24Β°C pataas, patayin ang ilaw at equipment kapag hindi gamit)
2. Paggamit ng natural lighting at energy-efficient devices
3. Pagpapalawak ng virtual meetings at paperless transactions
4. Paglilimita at pagsasaayos ng official travel at meetings
5. Pagsusulong ng fuel-efficient transport (route optimization, iwas idle)
6. Paggamit ng virtual/hybrid setup at lokal na venue sa Liga activities
7. Pagpapatupad ng flexible work arrangements kung maaari
8. Pagsusulong ng energy conservation awareness sa barangay level

Kasabay nito, tiniyak ng Liga na mananatiling tuloy-tuloy at hindi maaapektuhan ang serbisyo publiko habang isinasakatuparan ang mga hakbang na ito, na naiparating na rin sa lahat ng Liga chapters sa buong bansa para sa agarang implementasyon.

Para sa kabuuang detalye, narito ang link ng circular order: https://drive.google.com/file/d/1qdpyOTy3VDNDi56u30og3siIWyQlAGqW/view?usp=drivesdk

πŸ«°πŸ»πŸ’™

18/04/2026
16/04/2026
16/04/2026

Iginiit ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas National President Jessica Dy sa ginanap na Public Consultation ng panukalang Magna Carta for Barangays sa House of Representatives na hindi magiging matatag ang bansa kung hindi matibay ang barangay bilang pundasyon nito.

Sa pagpapalakas ng mga barangay sa pamamagitan ng Magna Carta for Barangays, aniya, mas pinagtitibay ang buong pamahalaan ng Pilipinas.


πŸ«°πŸ»πŸ’™

16/04/2026

Isa si Kap. Romuel Acob sa mga unang nakatanggap ng β‚±200,000 na pondo sa ilalim ng Bawat Barangay Makikinabang mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Ayon kay Kap., sa loob ng pitong taon niyang panunungkulan bilang Punong Barangay, ngayon lamang nila naranasan ang ganitong direktang tulong mula sa MalacaΓ±ang na malaking tulong dahil agad itong maipaparamdam sa mga constituents at magagamit sa mga programang kailangan ng barangay.



πŸ«°πŸ»πŸ’™

16/04/2026

Ipinaalala ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kahalagahan ng tapat, maayos, at may malasakit na pagpapatupad ng Bawat Barangay Makikinabang Program sa buong bansa. Bilang pagtugon sa panawagang ito, patuloy ang Liga ng mga Barangay sa Pilipinas sa koordinasyon at implementasyon ng programa sa iba’t ibang panig ng bansa upang matiyak ang maayos nitong rollout sa bawat barangay.

Sa kasalukuyan, may mga barangay na nang nakatanggap ng kanilang pondo, habang ang iba pang nakapagsumite ng kumpletong requirements ay nasa verification process na para sa susunod na rollout.

Para sa schedule ng release at iba pang updates, hinihikayat ang mga barangay na makipag-ugnayan sa kani-kanilang Liga Chapter Presidents.


πŸ«°πŸ»πŸ’™

08/04/2026
04/02/2026

Bilang suporta sa Anti Epal Drive na DILG Philippines, mahigpit na ipinapaalala ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas ang pagsunod sa LIGA National Circular No. 2026–002 o Adherence to Institutional Presentation Standards sa lahat ng barangay issuances bilang bahagi ng mas pinaigting na pagtataguyod ng maayos, tapat, makatarungan at transparent na pamamahala sa barangay, at upang higit pang mapalakas ang tiwala ng mamamayan sa lokal na pamahalaan.

Ang lahat ng opisyal na dokumento at materyales ng barangay ay dapat kumatawan sa institusyon, hindi sa sinumang opisyal.

Ipinagbabawal ang:
❌ Paglalagay ng pangalan ng Punong Barangay o sinumang opisyal
❌ Paglalagay ng larawan o mukha ng opisyal
❌ Paggamit ng anyo, imahe, o pagkakakilanlan ng opisyal

*Ito po ay iba sa pangalan para sa pumipirma ng dokumento.

Saklaw nito ang:
βœ”οΈ barangay certificates
βœ”οΈ IDs
βœ”οΈ announcements at advisories
βœ”οΈ tarpaulin at signage
βœ”οΈ iba pang opisyal na komunikasyon ng barangay

πŸ“Œ Ang sinumang hindi susunod ay maaaring i-report sa pamamagitan ng City o Municipal Liga Chapters.

πŸ“„ Para sa kabuuang detalye, basahin dito: https://drive.google.com/file/d/1cXnpB0KtxRbNrd-MUFvjohmHjetyR1wg/view?usp=drivesdk

πŸ«°πŸ»πŸ’™

Address

Alibagu
Ilagan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Liga ng Mga Barangay Isabela Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share