22/10/2026
Mas matatag na ugnayan, mas ligtas na paaralan! 🤝🏫
Upang palakasin ang partisipasyon ng mga magulang at g**o sa pagtataguyod ng ligtas at learner-centered na mga paaralan, inilunsad ng DepEd ang Parent-Teacher Association (PTA) Forum ngayong araw.
Kasabay nito, isinasagawa rin ang oryentasyon para sa mga Regional at Division Partnership Focal Persons upang higit na pagtibayin ang koordinasyon at pakikipagtulungan sa mga external partners ng edukasyon.
Layunin ng dalawang aktibidad na palakasin ang ugnayan ng paaralan, pamilya, at komunidad upang matiyak ang mas epektibong suporta sa kapakanan at pagkatuto ng bawat mag-aaral.
Dinaluhan ang mga aktibidad nina DepEd Usec. Filrey Javier, Asec. Cilette Liboro Co, mga kinatawan mula sa SDO Taguig at Pateros, mga federated PTA official, mga g**o, at iba pang katuwang sa edukasyon.