30/10/2025
π π’π¦π§ ππ¨π¦ππ‘ππ¦π¦-ππ₯πππ‘πππ¬ πππ§π¬ π¦π ππ¨π’π‘π πππ‘π¦π, π π¨πππ‘π π‘ππππ ππ§ π‘π ππππππ‘
SANTIAGO CITY β Muling nakamit ng City of Ilagan, Isabela ang parangal bilang Most Business Friendly City sa buong bansa sa ikalawang magkasunod na pagkakataon.
Iginawad ang nabanggit na parangal ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) kung saan ang lungsod ng Ilagan ang umangat para sa kategoryang City Level 2 o First to Second Class Component Cities.
Dumaan sa butas ng karayom ang mga lokal na pamahalaan sa pag-depensa ng kanilang mga natatanging programa at inisyatiba sa larangan hindi lamang ng kalakalan o negosyo kundi maging ng good governance at digital transformation.
Personal na sumalang si Mayor Jay Diaz sa panel ng PCCI kung saan inilatag nito ang mga komprehensibong programa at proyekto ng LGU tungo sa konseptong Liveable City kung saan nagsisilbing mga haligi nito ang Survivability, Sustainability, Mobility, Landscape Development, Innovation, Connectivity, at Legacy.
Pinagtutuunang pansin ng LGU Ilagan ang pagpapalakas ng ibaβt ibang sektor pangunahin ang agrikultura bilang ito pa rin ang pangunahing ikinabubuhay ng mga residente na mayroong makabago at inobatibong hakbang gaya ng tinatawag na βfarm to tableβ at βforward integrationβ kung saan mula sa raw resources ay nagiging samuβt saring produkto nanaipo-proseso na mismo sa siyudad.
Kasabay ng lumalagong ekonomiya ng lungsod ay nagreresulta sa βdevelopment supply chainβ kung saan nadaragdagan ang infrastructure projects, dumarami ang naipagkakaloob na social services para sa mamamayan, at napapayabong ang kalakalan at komersyo na nakapagbibigay ng oportunidad sa mga residente kayaβt napalalakas naman nito ang kanilang purchasing powers.
Samantala, kabilang sa mga naging mahigpit na katunggali ng City of Ilagan para sa nasabing kategorya ng parangal ay ang siyudad ng BiΓ±an, Calamba, Legazpi, at Tarlac.
Itinanghal ang mga nagwagi sa 51st Philippine Business Conference and Expo noong ika-20 hanggang ika-25 ng Oktubre na ginanap sa SMX Convention Center Manila.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng Yes2Health Products: