03/09/2026
πππ¨ππ π π£π¦ ππ§ πππ₯ππ‘πππ¬ π§πππ π¦, π£ππ§π¨ππ’π¬ π‘π π‘πππ¦ππ¦ππ‘ππ π£ππ₯π π¦π ππππππ§ππ¦ππ‘ π‘π π ππ π ππ ππ ππ¬ππ‘
Iguig, Cagayan βPatuloy na pinaiigting ng Iguig Municipal Police Station (Iguig MPS), katuwang ang mga Barangay Officials at Barangay Tanod, ang mga hakbangin para sa pagpapanatili ng seguridad, kaayusan, at kaligtasan ng mga mamamayan sa ibaβt ibang bahagi ng bayan.
Sa pangunguna ni PLT ROSA M. MARIBBAY, Officer-in-Charge, isinagawa ang serye ng security at public safety activities mula gabi ng Setyembre 2 hanggang madaling-araw ng Setyembre 3, 2026, kasama ang mga barangay force multipliers mula sa Redondo, Salamague, Ajat, at Baculud.
Nakatuon ang mga aktibidad sa maagap na pagtugon sa mga posibleng insidente at pagpapanatili ng kaayusan sa mga lugar na karaniwang dinaraanan at pinupuntahan ng mga residente, partikular sa oras ng gabi at madaling-araw. Sa pamamagitan ng regular na koordinasyon at pagtutulungan, mas napapalawak ang kakayahan ng kapulisan at barangay na makapagbigay ng agarang police assistance at public safety response kung kinakailangan.
Samantala, isinagawa rin ang traffic assistance at road safety initiatives sa mga paaralang matatagpuan sa kahabaan ng National Highway, katuwang ang mga Barangay Officials at Tanod ng Ajat, Nattanzan, Redondo, Malabbac, Atulu, Gammad, at Sta. Teresa.
Layunin ng nasabing inisyatiba na makatulong sa ligtas at maayos na paggalaw ng mga estudyante, g**o, magulang, guardians, motorista, at iba pang road users, lalo na sa mga oras ng pagpasok at pag-uwi ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang pagbibigay-gabay sa mga pedestrian at motorista at pagtulong upang mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko.
Para sa Iguig MPS, ang pagpapanatili ng peace and order ay hindi lamang responsibilidad ng kapulisan. Mahalaga rin ang aktibong pakikibahagi ng mga barangay at mamamayan upang mas mabilis na matukoy ang mga concern sa seguridad at maagapan ang mga sitwasyong maaaring makaapekto sa kaligtasan ng komunidad.
Ang patuloy na pakikipagtulungan ng Iguig MPS at mga barangay ay nagpapakita ng kahalagahan ng community partnership at shared responsibility sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa kapayapaan at kaligtasan.
Patuloy namang hinihikayat ng Iguig MPS ang mga mamamayan na makipag-ugnayan sa kanilang barangay at sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya sakaling makapansin ng kahina-hinalang aktibidad o anumang sitwasyong nangangailangan ng police assistance.