16/03/2025
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฎ๐ข๐ , ๐๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ง๐ข๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐๐ ๐๐ง๐ "๐๐๐๐๐ง๐๐ซ๐ ๐ฒ: ๐๐ญ๐ซ๐๐ง๐ ๐ญ๐ก๐๐ง๐ข๐ง๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก, ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ -๐
๐ซ๐๐ ๐
๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ซ๐"
Pormal na sinimulan ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ang kanilang programang "COREnergy: Strengthening the Youth, Building a Drug-Free Future" nitong ika-15 ng Marso, 2025 sa Astig Iguig Gymnasium, Ajat, Iguig, Cagayan.
Sa pambungad ng programa, nagbigay ng makabuluhang mensahe si Hon. Juditas Lasam Trinidad, Municipal Vice Mayor ng Iguig. Pinuri niya ang KKDAT sa patuloy na pagsuporta sa adbokasiya ng Philippine National Police (PNP) laban sa ilegal na droga at terorismo. Aniya, โMula noon hanggang ngayon, buo ang suporta namin ni Hon. Ferdinand B. Trinidad, Alkalde ng Iguig, sa layunin ng KKDAT. Naniniwala kami na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, kaya nararapat lamang silang gabayan at palakasin.โ
Kasunod nito, nagbigay rin ng mensahe si SB Ma. Rizalyn Callueng-Felix, Committee Chair on Peace and Order ng bayan, na nagpahayag ng pag-asa sa layunin ng programa. โAng ganitong programa ay isang magandang oportunidad upang ibalin ang atensiyon ng mga kabataan sa mas makabuluhang bagay,โ aniya.
Bago opisyal na simulan ang seminar-training, nagbigay ng panimulang talumpati si Hon. Robert Karl Rumusud, SK Federation President ng Iguig at KKDAT Consultant. Ayon sa kanya, ang aktibidad ay isasagawa sa mga piling araw mula Marso 15 hanggang Abril 26, 2025. Binanggit din niya ang nakababahalang datos ukol sa mga kabataang nasasangkot sa ilegal na droga sa nagdaang mga buwan. โDahil dito, mas pinaigting namin ng SK at KKDAT sa pangunguna ngayon ni Sheena Ballesteros, ang pagtutulungan upang magsilbing tinig at gabay ng kabataan tungo sa mas ligtas at maliwanag na kinabukasan,โ pahayag niya.
Sa opisyal na pagsisimula ng lecture, ibinahagi ni Ms. Rachelle Joy Verzon ang pangunahing layunin ng programa. Ayon sa kanya, mahalaga ang papel ng kabataan sa pagpapaunlad ng Public Health at pagkakaroon ng malusog na pamayanan. โAng kabataan ay may kakayahang magsilbing ilaw ng komunidad kung magkakaroon sila ng sapat na kaalaman at disiplina,โ wika niya.
Ang mga kalahok sa programa ay mga kabataang kinatawan mula sa iba't ibang barangay sa Iguig. Dumalo rin sina SB Members Hon. Condrado Callueng Jr. at Hon. Jessica Banatao. Kasama rin sa mga dumalo ang mga SK Chairpersons mula sa ibaโt ibang barangay kabilang sina Jan Carlo Besing, Maylene Villa, at Mika Bariuan.
Isang kasabihan nga ang nagsasabing, โAng kabataan ang pag-asa ng bayan,โ kayaโt ang ganitong inisyatibo ay nagsisilbing matibay na sandigan upang mapalayo ang mga kabataan sa masasamang bisyo at ideolohiya.
Abangan ang pagpapatuloy ng mga kaganapan sa โCOREnergyโ at kung paano patuloy na magtutulungan ang KKDAT, SK, at lokal na pamahalaan upang hubugin ang mas matatag at responsableng kabataan ng Iguig.