16/04/2023
Pagkakaisa at Magandang Ugnayan, Layunin ng Liga para sa Kabataan!
Abril 14, 2023, nagpatawag ng pagpupulong sa mga kabataang manlalaro ang mga lingkod ng Sangguniang Kabataan ng Poblacion, sa pangunguna ni Kgg. Caezarius Vincent T. Aleta kasama ang buong Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kgg. Ariel C. Soriano patungkol sa gaganaping Inter-Barkadahan Summer Basketball and Volleyball League. Tinalakay dito ang magiging sistema ng gaganaping paLiga at nakasaad sa facebook post na ito ang ilang mga mahahalagang bagay na napagtalakayan.
Ang sunod na pagpupulong ay sa Abril 21, 2023 kung saan ay magkakaroon muna ng symposium tungkol sa KKDAT (Kabataan Kontra Droga at Terorismo). Ang lahat ng mga makikilahok sa nasabing paLiga ay inaasahan na dumalo dito. Kaalinsabay nito ay sa araw ring ito ang deadline ng pagpapasa ng Official and Final Line up ng bawat koponan na makikilahok. Dito rin isasagawa ang pagbunot ng mga magiging kulay ng uniforms ng bawat koponan na makikilahok.
Para sa mga iba pang mga detalye at katanungan, mangyaring makipag-ugnayan lamang po sa inyong mga lingkod na Sangguniang Kabataan ng Poblacion. Maraming Salamat po at sumaatin palagi ang pagpapala ng Poong Maykapal! ๐