01/05/2026
Maraming maraming salamat sa lahat ng koponan na naging bahagi ng ating Liga 40 Uppers Division! Hindi naging madali ang bawat laban, pero ipinakita ninyo ang tunay na tapang, galing, at respeto sa laro mula umpisa hanggang dulo.
Buong pusong pagbati sa ating mga nagwagi
Champion: BUNG-AW
2nd Place: BAAS
3rd Place: SANTA CRUZ
Karapat-dapat ang bawat panalo at bawat hirap na dinaanan ninyo sa court.
Sa lahat ng teams, panalo tayo sa pagkakaisa, camaraderie, at sportsmanship na ipinamalas ninyo. Maraming salamat sa walang sawang suporta hanggang sa muli nating liga, mas palaban at mas exciting!