Brgy. Bacong Hermosa Bataan

Brgy. Bacong Hermosa Bataan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brgy. Bacong Hermosa Bataan, Government Organization, bacong Hermosa bataan, Hermosa.

25/05/2026

Ang pagtakbo ay isang epektibo at natural na paraan ng pag-eehersisyo. Anumang edad ay maaari itong gawin. Ngunit mahalagang isaalang-alang ang ilang mga bagay bago, pagkatapos, at habang tumatakbo. Madali man itong gawin, kinakailangan pa rin ng paghahanda upang maiwasan ang injury, dehydration, o matinding pagkapagod.

Bago ang araw ng pagtakbo, siguraduhing may sapat na tulog. Ito ang maghahanda sayong puso, isip at katawan sa gagawing physical activity.

Para naman sa tamang hydration, uminom ng tatlong baso ng tubig 1 hanggang 2 oras bago tumakbo, at sundan ito ng isang baso ng tubig pagkalipas ng 30 minuto.

Kung malayo ang tatakbuhin, kumain ng pagkaing magaan at mayaman sa carbohydrates tulad ng saging, oatmeal, o isang pirasong tinapay, isa hangang dalawang oras bago tumakbo.

Maglaan naman ng 5 hanggang 10 minuto upang gawin ang dynamic stretching para sa iyong warm-up. Ito ang mga stretches na may galaw tulad ng high knees, butt kicks, lunges, at leg swings.

Habang tumatakbo, importante pa rin na pakiramdaman ang inyong sarili, huwag pipilitin ang inyong katawan kung hindi na kaya, huwag tatakbo ng tuloy-tuloy, bahagyang magpahinga habang naglalakad bago muling tumakbo.

Bukod sa warm-up, importante rin ang cool down pagkatapos tumakbo upang maiwasang mahilo o mahimatay. Huwag basta-basta uupo o hihiga. Marapat na maglakad-lakad muna 5 hanggang 10 minuto para sa unti-unting pagbaba ng tibok ng inyong puso sa normal na kondisyon.

Ito rin ang tamang oras para gawin ang static stretching o mga stretches na hindi gumagalaw, kinakailangan mo amang hawakan ito ng 15-30 seconds gaya ng hamstring stretch, calf stretch, at quad stretch.

Para naman manumbalik ang lakas at makumpuni ang mga napagod na muscles, importante ang tamang rehydration at refueling. Uminom ng tubig o sports drink at kumain ng mga pagkaing may kombinasyon ng carbohydrates at protina gaya ng itlog, saging, o protein shake.

Mahalagang isaalang-alang ang mga ito para makamit ang benepisyong dulot ng pagtakbo. Listen to your body, kung may nararamdamang kakaibang sakit sa dibdib o nahihilo, lumiban muna sa pagtakbo.

Saya, lusog, at tatag, ilan sa mga benebisyong maibibigay ng pagtakbo, kayaโ€™t tara at sama-sama nating gawing bahagi ng ating buhay ang pagtakbo para sa masaya, malusog at matatag na pamilyang Bataeรฑo.


25/05/2026

ALAM NIYO BA?
Ang nababalita ngayon na 'hantavirus' ay isang grupo ng mga viruses na galing sa daga at ilang mga katulad na uri nito. Maaari itong maipasa sa tao kung siya ay mae-expose sa ihi, dumi, o laway ng apektadong daga; at sa di karaniwang pagkakataon ay maaari rin itong maipasa sa pamamagitan ng exposure mula sa apektadong tao.

Pinaaalalahanan pa rin ng Bataan PHO ang lahat na maging maingat at ugaliin ang mga sumusunod upang masiguro ang kaligtasan mula sa banta ng nasabing virus:

-Gawing malinis ang mga pinalalagiang lugar lalo na ang inyong tahanan

-Takpang mabuti ang mga pagkain pati na ang lahat ng mga lagayan ng pagkain

-Saraduhan ang mga lugar na maaaring pasukan ng mga daga

-Gumamit ng proteksyon tuwing maglilinis lalo na kung mayroong mga bakas ng dumi o ihi ng daga; at

-Siguraduhin din mabasa ng kahit paunti-unti ang kontaminadong lugar o bagay bago ito tuluyang linisan upang maiwasan ang mabilisang paglanghap ng mikrobyo

Kung sakali naman na ikaw ay makararanas ng mga sumusunod na sintomas ay maiging magtungo sa pinakamalapit na health station sa inyong lugar:
1. Lagnat
2. Pananakit ng ulo
3. Pagkahilo at pagsusuka
4.Pananakit ng kalamnan

Ang agarang pagbibigay pansin sa mga sintomas ay nakatutulong upang hindi mauwi sa mas malalang problemang pangkalusugan.

Patuloy lamang na nakaalerto ang mga disease surveillance units sa ating lalawigan upang mabilis na matukoy at matugunan ang mga nakahahawang sakit at banta sa kalusugan.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas at malinis na komunidad para sa matatag na pamilyang Bataeรฑo.


25/05/2026

๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—› ๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—ž๐—˜๐—ฅ๐—ฆโ€™ ๐——๐—”๐—ฌ

Pagpupugay sa lahat nang masisipag, matitiyaga, at dedikadong health workers mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong hindi matatawarang serbisyo at sakripisyo upang mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga kababayan.

๐‘ด๐’‚๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’‰๐’†๐’‚๐’๐’•๐’‰ ๐’˜๐’๐’“๐’Œ๐’†๐’“๐’”!

29/04/2026

ALAM NIYO BA?
May mga sakit na sanhi ng kamatayan ngunit maaaring maiwasan gamit ang mga bakunang. ilan na rito ay ang measles, polio, cervical cancer, tetanus, diphtheria, hepatitis, tuberculosis, pneumonia, COVID-19 at iba pa.

Napatunayan na sa buong mundo at sa nagdaang mga henerasyon ang pagiging epektibo nito na labanan ang mga sakit na nabanggit at bigyan ng karagdagang proteksyon ang buong pamilya. Ito rin ay ligtas para sa sanggol, kabataan, buntis, at maging sa matatanda.

Kung kaya't ngayong World Immunization Week, hinihikayat ng Bataan Provincial Health Office ang lahat ng mga magulang na gawing bahagi ng pamumuhay ng inyong anak ang pagkumpleto sa routine vaccines na nakalaan para sa mga sanggol at kabataan; hinihikayat din ang mga buntis na huwag kaligtaan ang mga bakunang dapat makuha para sa kaligtasan ninyo ni baby habang nagbubuntis pati na sa oras ng panganganak; gayundin sa mga matatanda na kunin ang pagkakataong makatanggap ng bakuna laban sa pneumonia at influenza.

Magtungo lamang sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar. Tandaan, ang mga bakunang magliligtas sainyo ay subok na, ligtas, epektibo, at libre.

Dahil sa bawat henerasyon, bakuna'y epektibo, sama-sama tayo sa pagkamit ng isang lalawigan kung saan ang bawat Bataeรฑo ay protektado, bakunado.


29/04/2026

ALAM NIYO BA?
Buwan na naman ng Vitamin A supplementation ngayong Abril, kung kaya't paanyaya ng Bataan Provincial Health Office na dalhin ang inyong mga anak na 6-59 na buwang gulang sa pinakamalapit na barangay health station sa inyong lugar para makatanggap ng libreng vitamin A drops, gayundin sa mga kapapanganak na nanay.

Isa sa karaniwang problemang pang-nutrisyon dito sa Pilipinas ay ang Vitamin A deficiency na nagdudulot ng pagkahina ng ating katawan sa paglaban nito sa impeksyon, pagbagal ng paglaki ng mga bata at ng development ng ilang mga organo. Sa mga pagkakataon namang hindi agad mabibigyang pansin, ito ay maaaring mauwi sa pagkabulag at kamatayan.

Huwag balewalain ang nutrisyon para sa malakas at maayos na paggana ng bawat organo sa ating katawan. Patuloy ding sundin ang Pinggang Pinoy at ang 10 Kumainments. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang masiglang komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeรฑo.


Let us support our Bb. Bacong โค๏ธShaene Obedoza โค๏ธ
11/04/2026

Let us support our Bb. Bacong โค๏ธ

Shaene Obedoza โค๏ธ

Our very own pride of ๐“‘๐“ช๐“ป๐“ช๐“ท๐“ฐ๐“ช๐”‚ ๐“‘๐“ช๐“ฌ๐“ธ๐“ท๐“ฐ ๐“ฏ๐“ธ๐“ป ๐“‘๐“ฒ๐“ท๐“ฒ๐“ซ๐“ฒ๐“ท๐“ฒ๐“ท๐“ฐ ๐“—๐“ฎ๐“ป๐“ถ๐“ธ๐“ผ๐“ช 2026 ๐Ÿ‘‘โœจ

As she proudly represents our community in Binibining Hermosa 2026, we stand united behind her with full trust and belief in what she can achieve. ๐Ÿ’–

Letโ€™s show the true power of our community by giving her our all-out support all the way to the crown! ๐Ÿ‘‘

Let us continue to uplift and support her as she shines on the big stage. We're with you, Shaine. Keep shining!โœจ

Barangay Bacong Monthly Flag Ceremony April 6, 2026 - 7:00 am
06/04/2026

Barangay Bacong Monthly Flag Ceremony

April 6, 2026 - 7:00 am

06/04/2026

Weekly Barangay Bacong Zumba

April 6, 2026 - 7:00 am

Barangay Bacong Weekly-Clean Up April 4, 2026
04/04/2026

Barangay Bacong Weekly-Clean Up

April 4, 2026

04/04/2026

Weekly Barangay Bacong Zumba

April 4, 2026 - 7:00 am

Address

Bacong Hermosa Bataan
Hermosa
2111

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Bacong Hermosa Bataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share