12/10/2025
๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ก๐๐๐จ๐ก๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ง๐๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐ ๐ข๐ฆ๐ | ๐ข๐ธ๐๐๐ฏ๐ฟ๐ฒ ๐ญ๐ฎ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ
๐จ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ 23 ๐บ๐ฒ ๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฏ๐๐๐๐๐๐
Kami, ang Sangguniang Kabataan Federation ng Bayan ng Hermosa, ay opisyal na naglalabas ng pahayag upang linawin na ang 23 Barangay SK Councils sa buong bayan ng Hermosa ay walang anumang kaugnayan, pakikipag-ugnayan, o koordinasyon sa anumang organisasyon na may kinalaman sa National Basketball League (NBL).
Nais naming ipabatid sa publiko na walang naganap na koordinasyon o anumang kasunduan sa pagitan ng alinmang SK Council o ng SK Federation at ng nasabing organisasyon.
Sinusuportahan namin ang anumang gawaing pampalakasan o sports activities na naglalayong itaguyod ang kalusugan, disiplina, at pagkakaisa ng kabataan. Gayunpaman, ang mga aktibidad o organisasyon na hindi dumaan sa pormal na koordinasyon o pahintulot ng SK Federation ng Hermosa ay hindi opisyal na kinakatawan ang aming samahan.
Dagdag pa rito, anumang paniningil kaugnay ng tryouts, uniporme, o anumang bayarin ng mga kabataang napasama sa aktibidad na ito ay wala kaming kinalaman. Gayundin, ang anumang uri ng solicitation o panghihingi ng pinansyal na tulong ng mga kabataang kabilang dito ay hindi aprubado o pinahintulutan ng Sangguniang Kabataan Federation ng Hermosa.
Patuloy naming hinihikayat ang lahat na maging mapanuri at direktang makipag-ugnayan sa inyong lokal na SK Council o sa SK Federation para sa kumpirmasyon ng mga opisyal na programa ng kabataan. Maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala at suporta sa mga tunay na inisyatibo ng kabataan sa bayan ng Hermosa.