Municipality of Hermosa

Municipality of Hermosa Hermosa, Bataan
(2)

27/02/2026

PANAWAGAN

Simula Marso 2, 2026 hanggang Mahal na Araw, lahat ng parking area ng Parokya ng San Pedro Martyr ng Verona ay hindi muna gagamitin bilang paradahan ng mga sasakyan.

Ang mga ito ay pansamantalang ilalaan para sa mga bisitang nagpipilgrimahe.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

16/02/2026
π—’π—£π—œπ—¦π—¬π—”π—Ÿ 𝗑𝗔 π—£π—”π—›π—”π—¬π—”π—š π—¨π—žπ—’π—Ÿ 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—§π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—Ÿ π—‘π—š 𝗕𝗔π—₯π—œπ—žπ—”π——π—” 𝗦𝗔 π—¦π—œπ—§π—œπ—’ 𝗣𝗔π—₯π—”π—£π—”π—Ÿ,  𝗕π—₯π—šπ—¬.  π— π—”π—•π—œπ—šπ—”  π—›π—˜π—₯𝗠𝗒𝗦𝗔,  𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗑Ipinapaalam po sa in...
16/02/2026

π—’π—£π—œπ—¦π—¬π—”π—Ÿ 𝗑𝗔 π—£π—”π—›π—”π—¬π—”π—š π—¨π—žπ—’π—Ÿ 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—§π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—Ÿ π—‘π—š 𝗕𝗔π—₯π—œπ—žπ—”π——π—” 𝗦𝗔 π—¦π—œπ—§π—œπ—’ 𝗣𝗔π—₯π—”π—£π—”π—Ÿ, 𝗕π—₯π—šπ—¬. π— π—”π—•π—œπ—šπ—” π—›π—˜π—₯𝗠𝗒𝗦𝗔, 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗑

Ipinapaalam po sa inyo na ang Lokal na Pamahalaan ng Hermosa ay nagsasagawa ng road clearing operation sa lahat ng pampublikong kalsada sa bayan ng Hermosa bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng direktiba ng DILG sa road clearing at bilang tugon sa mga natanggap na reklamo na may bahagi ng kalsadang nakalaan para sa pampublikong paggamit ang isinara dahil sa paglalagay ng barikada. Ang nasabing kalsada ay ginawa at pinakongkreto gamit ang pondo ng pamahalaan at inilaan para sa kapakinabangan ng mamamayan, kaya’t hindi ito dapat isara sapagkat ito ay para sa pampublikong paggamit.

Ang isinagawang aksyon ng Lokal na Pamahalaan ng Hermosa ay mahigpit na nakatuon lamang sa pagtanggal ng barikada na sumasakop at humaharang sa kalsada. Ang nasabing kalsada ay nakalaan para sa pampublikong paggamit at daanan; kaya’t ang anumang istruktura na humaharang o naglilimita sa pagdaan ay maaaring isailalim sa kaukulang aksyon upang matiyak na ang daanan ay nananatiling bukas, ligtas, at naaabot ng pangkalahatang publiko.

Ang Lokal na Pamahalaan ng Hermosa ay walang isinagawang aksyon maliban sa pagtugon sa iniulat na harang sa kalsada. Ang operasyon ay isinagawa bilang pagtupad sa mandato nito na panatilihin ang mga pampublikong kalsada at pangalagaan ang kapakanan at kaginhawaan ng komunidad. Ang Lokal na Pamahalaan ng Hermosa ay nananatiling nakatuon sa pagpapatupad ng batas, pagpapanatili ng kaayusan ng publiko, at pagtiyak na ang lahat ng aksyon ay isinasagawa alinsunod sa umiiral na mga batas at regulasyon, habang iginagalang ang mga karapatan ng lahat ng kinauukulan.

04/02/2026

π—©π—”π—Ÿπ—˜π—‘π—§π—œπ—‘π—˜β€™π—¦ 𝗙𝗒𝗒𝗗 𝗕𝗔𝗭𝗔𝗔π—₯

Inihahandog ng Pamahalaang Bayan ng Hermosa ang Valentine’s Food Bazaar ngayong darating na February 13, simula 8:00 AM hanggang gabi, sa Hermosa Plaza Park.

Kaya kung naghahanap ka ng perfect date place ngayong Valentine’s Day, huwag ka nang lumayo may food bazaar na mismo dito sa Hermosa! Isama ang iyong partner o buong pamilya at i-enjoy ang masasarap na pagkain, masayang samahan, at ang romantic Valentine’s decorations sa ating plaza.

Kita-kits sa Hermosa Plaza! πŸ’•

𝗦𝗔𝗠𝗔-𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—Ÿπ—œπ—£π—”π—— π—‘π—š π—›π—˜π—₯𝗠𝗒𝗦𝗔!

π— π—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—”π—‘π—š 𝗔𝗑𝗨𝗑𝗦𝗬𝗒!Alinsunod sa abiso ng Municipal Treasurer’s Office, ipinapaalam po sa lahat ng business owners at mot...
21/01/2026

π— π—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—”π—‘π—š 𝗔𝗑𝗨𝗑𝗦𝗬𝗒!

Alinsunod sa abiso ng Municipal Treasurer’s Office, ipinapaalam po sa lahat ng business owners at motor tricycle operators na ini-extend ang pagre-renew ng permits hanggang Pebrero 20, 2026, nang walang kaukulang penalties at charges.

Mangyari po lamang na samantalahin ang palugit na ito at makipag-ugnayan sa tanggapan para sa kaukulang proseso.

𝗦𝗔𝗠𝗔-𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—Ÿπ—œπ—£π—”π—— π—‘π—š π—›π—˜π—₯𝗠𝗒𝗦𝗔!

20/01/2026

PABATID

Magandang araw po sa lahat.

Ipinagbibigay-alam po na sa Enero 22–23, 2026, ang parking area ng Simbahan ng Parokya ng San Pedro Martir de Verona ay pansamantalang ipapagamit sa mga panauhin at delegado ng CEAP Region 3 JEEPGY na gaganapin sa St. Peter of Verona Academy Inc.

Dahil dito, ang mga karaniwang nagpaparada sa nasabing lugar ay magiliw pong hinihiling na pansamantalang ipagamit muna ang parking area sa mga bisita ng SPVA sa mga nasabing petsa. Ang kaunting pakikiisa at pag-unawa po ninyo ay malaking tulong sa maayos at matagumpay na pagdaraos ng nasabing gawain.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong kabutihang-loob, pakikipagtulungan, at pag-unawa.

Maraming salamat po at pagpalain nawa tayong lahat.

Address

Burgos Soliman
Hermosa
2111

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639178443453

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipality of Hermosa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipality of Hermosa:

Share