13/04/2026
ATIN ANG TROPEO!
Taos-pusong pagbati sa Culis Elementary School sa isa na namang kahanga-hangang tagumpay sa Bataan History Quiz Bee na ginanap noong April 13, 2026 sa Tourism Center ng Bataan, na nilahukan ng mahuhusay na kalahok mula sa ibaโt ibang munisipalidad ng lalawigan.
๐ Champion โ Marrycon A. Vizcarra ( Marrycon Vizcarra)
Lubos ang aming pagmamalaki at kasiyahan sa napakagandang tagumpay na ito! Ito ay bunga ng sipag, tiyaga, at determinasyon ng ating mga mag-aaral, gayundin ng walang sawang paggabay at paghahanda ng kanilang mga Teacher-Coach na sina Liberty O. Laquinario Novalyn Laquinario
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa patuloy na suporta at inspirasyon ng ating butihing School Principal, Emily Allorde Gaza, na walang humpay na nagtataguyod ng kahusayan sa ating paaralan.
Gayundin, taus-pusong pasasalamat kay Mam Arlene S. Carlos, Supervisor, sa kanyang gabay at suporta na lalong nagpapatibay sa ating hangaring makamit ang tagumpay.
Ang panalong ito ay hindi lamang para sa ating kampeon, kundi para sa buong pamilyang Culiseรฑoโmga g**o, magulang, at komunidad na patuloy na nakaagapay sa paghubog ng kinabukasan ng ating kabataan.
Muli, ipinagmamalaki ng buong DepEd Tayo Culis ES Elementary School ang inyong tagumpay! Nawaโy magsilbi itong inspirasyon sa marami pang mag-aaral na magsikap, magmahal sa kasaysayan, at magbigay dangal sa ating paaralan.
Padayon, mga Culiseรฑo! Patuloy nating ipakita ang husay at talino ng Culis Elementary School! ๐๐