DYJJ Radyo Natin Hamtic 106.9

DYJJ Radyo Natin Hamtic 106.9 “Ang istasyon nga nagadampig sa kamatuoran para sa katawhan, kag nagatugro kalingawan sa tanan”

02/06/2026
31/05/2026

Ngayong National Fisherfolk Day, binibigyang-pugay ko ang ating mga mangingisda na araw-araw ay nagsasakripisyo upang may pagkain sa hapag ng bawat pamilyang Pilipino. Ang kanilang lakas ng loob at dedikasyon sa dagat ang tunay na haligi ng ating seguridad sa pagkain at kabuhayan sa mga baybayin.

Bilang Principal Author ng Municipal Fisherfolk Protection Act (Senate Bill No. 522), isinulong ko ang panukalang batas na magbibigay ng eksklusibong karapatan sa ating maliliit na mangingisda sa loob ng 15-kilometrong municipal waters. Layunin nitong tiyakin na ang yamang-dagat ay mapapakinabangan ng mga pamilyang Pilipino na umaasa sa pangingisda, habang pinangangalagaan ang kabuhayan at likas na yaman ng ating bansa.

29/05/2026

Serbisyo Legarda
May 29, 2026

25/05/2026
23/05/2026

Serbisyo Legarda
May 22, 2026

22/05/2026

NEWS UPDATE: Itinalagang hepe ng Police Regional Office 6 (PRO-6) o Western Visayas ang national spokesman at public information chief ng Philippine National Police (PNP) na si PBGen. Randulf Tuaño epektibo ngayong Biyernes, Mayo 22.

Batay sa special order na aprubado ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., papalitan ni Tuaño si PBGen. Josefino Ligan na ililipat naman sa Directorate for Operations (DO).

Hahalili naman kay Tuaño sa Office of the Chief, PNP (OCPNP) ang dating deputy regional director ng PRO-2 na si PCol. Allen Rae Co, pero hindi pa malinaw kung siya rin ang magiging bagong Chief PIO.

Samantala, sakop din ng bagong reshuffle ang mga matataas na opisyal na sina:

PBGen Arnold Ardiente – PRO12 to DI
PBGen Edwin Balles – DI to PNP AKG
PBGen Alan Manibog – DO to PRO12
PCol Reynaldo Pasiwen – CSG to DI

| via Edniel Parrosa, DZRH News

18/05/2026

Ngayong ika‑32 anibersaryo ng Commission on Higher Education, pinagtitibay natin ang pangako na palakasin ang kalidad at akses ng edukasyon sa lahat ng antas. Nakatuon ako sa pagsusulong ng mga reporma upang matiyak na ang bawat kabataang Pilipino ay may patas na pagkakataon na makapag‑aral at makamit ang kanilang mga pangarap.

Ilan sa mga panukalang ating isinulong ay ang Senate Bill No. 1894 para palawakin ang Tertiary Education Subsidy sa mga pinaka‑nangangailangan, ang Senate Bill No. 2101 para sa pagbuo ng National Coordinating Council for Education na magpapatibay ng ugnayan ng mga ahensiya, at ang Senate Bill No. 1981 o Basic Education Voucher Program Act para mas mapalawak ang tulong sa mga mag‑aaral sa basic education. Ang pagdiriwang na ito ay paalala na ang mas matatag na sistema ng edukasyon ay pundasyon ng mas maunlad na kinabukasan para sa ating bansa.

15/05/2026

Serbisyo Legarda
May 15, 2026

Address

Brgy. Caridad
Hamtic
5715

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DYJJ Radyo Natin Hamtic 106.9 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DYJJ Radyo Natin Hamtic 106.9:

Share

Category