10/06/2026
๐ฆ๐ข๐๐๐๐ ๐ฃ๐๐ก๐ฆ๐๐ข๐ก ๐ฃ๐๐ฌ๐ข๐จ๐ง
Noong Hunyo 9, 2026, matagumpay na isinagawa ang 2nd Quarter Payout ng Social Pension Program para sa mga kwalipikadong Indigent Senior Citizens. Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng karagdagang suporta sa pang-araw-araw na pangangailangan ng ating mga nakatatandang mamamayan bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa ating komunidad.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), Municipal Treasurer Office at Mayorโs Office at iba pang katuwang na ahensya, naging maayos at organisado ang pamamahagi ng benepisyo sa mga benepisyaryo.
Patuloy nating isinusulong ang mga programang naglalayong mapabuti ang kalagayan at kapakanan ng ating mga senior citizen. Nawaโy magsilbi itong tulong upang matugunan ang ilan sa kanilang mga pangunahing pangangailangan at maging inspirasyon ng patuloy na malasakit ng pamahalaan sa sektor ng nakatatanda.
๐